^

PSN Showbiz

'Bakit papa?', handog ng Sex Bomb Girls sa isang politiko

-
Walang ka-buckle-buckle si Weng Ibarra, miyembro ng Sex Bomb Girls sa naging pahayag nito na si Gob. Villarama ang unang pumapasok sa isipan nito tuwing kakantahin nila ang "Bakit Papa?" na ngayon ay ginawang pelikula. Handog daw nila ito sa naturang pulitiko. "Actually, nagpapasalamat kami sa kanya dahil positive ang naging dating sa amin ng kanyang pagpuna sa klase ng aming pananamit at sa style ng aming pagsasayaw. Di ba sabi raw nito na malaswa kami na di dapat napapanood sa TV dahil maraming mga nanonood na mga kabataan? Ang tanong nga namin ay "Bakit Papa?" Bakit di mo kami maintindihan?"

Ayon kay Yvette Pabalan, naiisip nito ang kanyang maagang namayapang ama. Dapat sana’y mayroon siyang tatay na puwede niyang paglambingan at pagsumbungan. Kaya nga tanong nito, Bakit Papa? ang aga mong nawala.

Para kina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Monique Icban at Izzy Trazona ay sina Joey de Leon at Vic Sotto ang kanilang naiisip. Ang dalawang ito ang kanilang gustong pasalamatan sa kasikatang kanilang tinatamasa ngayon. Hanggang maaari ay gagawin nilang malinis ang kanilang imahe para di sila makapagdulot ng kahihiyan sa mga taong naghirap sa kanila para maabot nila ngayon ang kanilang kinalalagyan sa showbiz entertainment. – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

BAKIT PAPA

IZZY TRAZONA

JOPAY PAGUIA

MONIQUE ICBAN

ROCHELLE PANGILINAN

SEX BOMB GIRLS

VIC SOTTO

WENG IBARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with