^

PSN Showbiz

May bagong kaharian ang "reyna"!

- Veronica R. Samio -
I’m referring to Lourdes Jimenez Carvajal, more popularly known as Inday Badiday, ang "Reyna ng Showbiz Talk Shows". Wala na ito sa ABS CBN. Nasa GMA na at may bagong programa sa telebisyon, ang medium na kung saan ay maraming taon siyang namayani before she was confined sa isang radio booth ng ABS-CBN.

"Actually, sa December pa ang tapos ng kontrata ko sa kanila pero, nagpaalam naman ako ng mahusay sa kanila at mahusay din nila itong tinanggap," anang "reyna" sa kanyang muling pagharap sa entertainment press nung Lunes ng umaga para nga sa bago niyang programa na pinamagatang Inday! Heart to Heart. Magsisimula itong mapanood sa Disyembre 8, 11 n.u.-12 n.t. na prodyus ng GMA at KB Entertainment.

Ibabalik ng programa ang original triumvirate ng dating programang See-True-- Inday as host, Kitchie Benedicto as producer and Bert de Leon as director. Writers ng show sina Bibeth Orteza at Ansel Beluso.

Wala pang ibang detalye ang Inday! Heart to Heart maliban sa kakaiba ito sa mga unang hinost ni Inday na sa kabila ng maraming taong pagkawala sa harap ng kamera ay wala pa ring makakapalit bilang "reyna". Ngayong nagbabalik na siya, walang magagawa ang mga gustong humalili sa kanya kundi ang bigyan siya ng homage and learn again from her.

Ilang buwan na ang nakakaraan nang maoperahan si Inday dahilan sa total renal breakdown. "Muntik na akong mawala. Pero marami pa akong pwedeng ibigay sa Diyos, kaya marahil pinahintulutan niya akong manatili pa sa mundo," aniya. Buntis Nga Ba Ang Sexy Actress? Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa marami kung kaninong concert ang panonoorin nina Robin at Ram Nievera, mga anak nina Pops Fernandez at Martin Nievera na sa hindi maiiwasang pagkakataon ay magkakaroon ng magkasabay na major concert sa December 14, si Pops sa PSC-NAS (dating ULTRA) na pinamagatang Pops 2002.

"Sinabi ko sa mga anak ko na hindi nila ito dapat problemahin. Malaya silang panoorin ang gusto nilang palabas at hindi kami magagagalit ng kanilang ama," ani Pops.

"Kung magagawan namin ng paraan ay talagang ayaw sana naming magsabay ni Martin pero, pareho na kaming hindi makakaatras. Ang tanging magagawa na lamang namin ay tanggapin ito bilang isang bahagi ng aming trabaho at umasang sana ay hindi kami magkasakitan," dagdag pa ng concert queen.

Ang dalawang konsyerto ay parehong suportado ng ABS-CBN, ang kay Pops ay prodyus pa ng Dos. Pareho silang artists ng nasabing network kaya pareho at sabay silang tinulungan nito para sa ikapagtatagumpay ng kani-kanilang mga konsyerto.

Ayaw mang magmayabang ni Pops, mabilis at maganda ang bentahan ng tiket ng Pops 2002. Balita ngang ubos na ang tiket na nagkakahalaga ng P500.

Makakasama ni Pops sa concert sina Ogie Alcasid, Joey Generoso at Luke Mejares.

Si Homer Flores ang musical director, si Maribeth Bichara ang stage director, Georcelle Dapat, choreographer, Fanny Serrano at Jing Monis, make-up and hairstyling, Romy Veron, director.

Apat na designers ang gagawa ng mga costumes ni Pops na siya palaging inaabangan ng kanyang mga manonood, sina Steve de Leon, Maxi Cinco, Ignacio Loyola at Ariel Agassang.
*****
Email:[email protected]

vuukle comment

ANSEL BELUSO

ARIEL AGASSANG

BIBETH ORTEZA

BUNTIS NGA BA ANG SEXY ACTRESS

FANNY SERRANO

GEORCELLE DAPAT

IGNACIO LOYOLA

INDAY

POPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with