Lucky wala nang chance kay Nancy
December 2, 2002 | 12:00am
Aminado si Nancy Castiglione na malaki ang chance ni Paolo Contis sa puso niya habang si Lucky Manzano na ex-boyfriend niya ay itinuturing na lang niyang kaibigan. Pero admitted siya na may time na nami-miss niya pa rin si Lucky.
Hindi matandaan o masabi ni Nancy kung ano talaga ang rason nang biglaang paghihiwalay nila ni Lucky. "I cant even remember the reason. Parang I feel unhappy. Nagkasabay kami ng ganoong feeling."
Pero blooming ngayon si Nancy dahil na rin kay Paolo na kino-consider niyang ka-MU niya ngayon. Weakness pala niya ang mga flowers kaya ito ang madalas ibigay sa kanya ni Paolo. Mga bulaklak na tulips o mga pink roses with cards every week.
Hindi nakaiwas si Nancy nang itanong namin sa kanya kung thoughtful din ba si Lucky. "Yes, he is also thoughtful. Hindi nga lang siya mahilig mag-regalo pero madalas kumakain kami sa labas. Flattered nga ako nang una niya akong ipakilala sa mommy niya (Lipa City Mayor Ms. Vilma Santos-Recto) gayundin sa daddy niya (Edu Manzano). Wala akong masabi."
"Ewan ko ba kung bakit bigla na lang kami parehong nanawa sa isat isa. Si Paolo naman, kasi I like funny face.
Samantala, balak sana niyang sorpresahin ang mga parents niya na padalhan ng round trip ticket to Manila kaya lang, nagkaproblema siya sa BID at pinagbayad siya ng P100,000. So, hindi na natuloy ang plano niyang papuntahin ang mga parents niya rito para magbakasyon. Sa halip, si Nancy na lang ang aalis patungong Canada para doon mag-Pasko. (Ulat ni Boni A. Casiano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended