^

PSN Showbiz

Mel Tiangco, host ng bagong GMA-7 drama show

-
Di na siya kailangang ipakilala sa telebisyon dahil siya’y isa sa pinakamahusay na female broadcast journalist sa bansa. Kung si Mel Tiangco ay kilala ninyo bilang isang tagapag-ulat, ngayon ay mabibigyan na rin kayo ng pagkakataong makilala siya bilang isang tagapagsalaysay ng totoong kwento ng totoong mga tao.

Babaguhin muli ng GMA ang takbo ng telebisyon sa kanilang bagong programang Magpakailanman.

Ang Magpakailanman ay isang inspirational family drama kung saan ikukuwento sa inyo ni Tita Mel Tiangco ang mga nakakatuwa o nakakaantig-pusong "true-to-life" stories tulad ng mga kwento nina Wayda Cosme at Didith Reyes. Si Wayda ay isang Aeta na para na ring dumaan sa butas ng karayom para lang makapagtapos ng Law. Si Didith naman – na kilala dahil sa kanyang kantang "Bakit Ako Mahihiya" – matapos ang ilang dekada, ngayo’y naghihirap at nag-iisa matapos siyang itakwil ng kanyang pamilya. Ngunit sa isang pangyayari ay nagbago ang kanyang pananaw sa buhay. Tunghayan ang kanyang kuwento ng pagmamahal at pagpapatawad. Sina Jolina Magdangal at Ara Mina ang mga sikat na artistang gaganap bilang Wayda Cosme at Didith Reyes.

Saksihan natin kung paano nila nilampasan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Magpakailanman, handog ng inyong kapusong si Tita Mel, tuwing Lunes alas-9:00 n.g., simula sa ikalawa ng Disyembre sa GMA.

ARA MINA

BAKIT AKO MAHIHIYA

DIDITH REYES

JOLINA MAGDANGAL

MAGPAKAILANMAN

MEL TIANGCO

SI DIDITH

SI WAYDA

TITA MEL

WAYDA COSME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with