Libre ang awitin ni Bing Pimentel
November 30, 2002 | 12:00am
Matangi kina Jose Mari Chan at Freddie Aguilar, wala pang ibang commercial singers na nakapag-record ng mga komposisyon ni Bing Pimentel, kabiyak ng iginagalang na Senador Aquilino Nene Pimentel. Si Gng. Pimentel ay binigyan ng talino na makapag-compose ng awitin. Anumang damdamin meron siya, o anuman ang iniisip niya, ito ay nagagawa niyang isang tula at pagkatapos ay nilalapatan niya ng musika. O kaya naman, sabay nang lumalabas ang tula at musika.
Nakapag-prodyus na ng apat na play at dalawang CD albums ang mapagmahal na ginang. Lahat ay dinirihe ni Nestor Torre. Ang una ay may pamagat na katulad ng kanyang CD album, Buhay Isang Awit. Ang ikalawa ay isang collaborative effrort niya sa Nigerian Ambassador to the Philippines, ang The Philippine-Nigerian Show. Ang ikatlo, Huwag Pumayag sa Dagdag-Bawas ay isang political satire na sumusuporta sa battlecry ng kanyang kabiyak laban sa electoral fraud. At ang ika-apat at ikalawa naman niyang CD album ay may pamagat na Nasaan Si Hesus, isa itong roadshow na pino-promote ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa buong bansa.
Sa Disyembre 11, sa Teatro Camp Aguinaldo, itatampok ang mga awitin ni Bing Pimentel sa isang konsyerto na sasaliwan ng Philippine Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Prof. Alfredo Buenaventura. Pinamagatang Awit... Pag-ibig, Alay, Papuri, ang mga aawit ng komposisyon ni Bing Pimentel ay sina Dulce, Freddie Aguilar na ang isang komposisyon ni Bing ay nakasama na sa kanyang "Kamusta Ka" album, Isay Alvarez, Pinky Marquez, Bimbo Cerrudo, Gamy Viray, Sheila Asuncion, Gelyn Onate at ang UP Vocal Ensemble. Si Chinggoy Alonso ang direktor.
Sinabi ni Bing na isa sa mga pangarap niya ay tugtugin ang kanyang mga komposisyon ng isang full orchestra. Magkakaroon katuparan ito sa konsyerto. Pangarap din niya na awitin ng mga kilala nating singers ang mga awitin niya. Gaya nang ginawa nina Jose Mari at Freddie. Sinabi niyang hindi na pag-uusapan ang pera. Maaari niya itong ibigay ng libre sa kanila.
Isang konsyerto rin ang nakatakda para sa dating singer/child star na si LA Lopez. Pinamagatang Yakap na siya ring titulo ng kanyang album sa Star Records, it marks LAs entry into the adult musical arena na dominado ng mga tulad nina Martin Nievera at Gary Valenciano.
Hindi nakikipag-kumpitensya si LA sa kanila. Layunin niya na maibahagi ang kanyang gift sa mga mahiligin sa musika.
Bahagi ng kikitain ng palabas niya ay ibabahagi sa Philippine National Red Cross blood program at Give A Life (Pediatrics). Prodyus ito ng Pear Sounds at suportado ng Freego, Camel, Zenco Footsteps, Bodega ng Bayan, Cornerstone Insurance, Taste of LA, Kool 106 at DM 95.5 as concert stations.
Bukod sa mga awitin sa kanyang album, particularly, the carrier single "Yakap", aawit din si LA ng mga upbeat songs, inspirational ballads, funky tunes at marami pa. Mababakas sa repertoire niya para sa show ang lawak ng kanyang vocal range at versatility.
Pwedeng manalo si Bb. Pilipinas World Katherine Manalo sa Miss World 2002 na magaganap sa London sa Disyembre 8. Fifty percent ng final vote ay magmumula sa global text at 50% naman mula sa mga judges. Mapapanood dito ang pageant sa Dis. 8, RPN 9, 8-11 n.u. (may replay sa 6-9 n.g.) sa pamamagitan ng Audience Impact, isang bagong tatag na outfit na pinamumunuan nina Bobby Barreiro at Atty. Dan Albert de Padua.
Ang Chikka Asia Inc. ang Phil. server na magbibigay ng pagkakataon sa mga Pinoy na bumoto kay Katherine Manalo sa pamamagitan ng isang local number kesa magpadala ng mas mahal na text message sa UK. Si Dennis Mendiola ang CEO ng Chikka Asia.
Para bumoto sa Ms. World, text MW <country> (ex" MW Philippines) at ipadala sa 246 para sa Smart subscribers. The Globe no. will be announced soon. The text message will be forwarded to a UK no.under an arrangement sa pageant organizers. Walang limit sa dami ng boto na gusto nyong ipadala.
Cumlaude sa Masscom sa Assumption si Katherine. Nagtatrabaho siya sa isang international finance company.
[email protected]
Nakapag-prodyus na ng apat na play at dalawang CD albums ang mapagmahal na ginang. Lahat ay dinirihe ni Nestor Torre. Ang una ay may pamagat na katulad ng kanyang CD album, Buhay Isang Awit. Ang ikalawa ay isang collaborative effrort niya sa Nigerian Ambassador to the Philippines, ang The Philippine-Nigerian Show. Ang ikatlo, Huwag Pumayag sa Dagdag-Bawas ay isang political satire na sumusuporta sa battlecry ng kanyang kabiyak laban sa electoral fraud. At ang ika-apat at ikalawa naman niyang CD album ay may pamagat na Nasaan Si Hesus, isa itong roadshow na pino-promote ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa buong bansa.
Sa Disyembre 11, sa Teatro Camp Aguinaldo, itatampok ang mga awitin ni Bing Pimentel sa isang konsyerto na sasaliwan ng Philippine Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Prof. Alfredo Buenaventura. Pinamagatang Awit... Pag-ibig, Alay, Papuri, ang mga aawit ng komposisyon ni Bing Pimentel ay sina Dulce, Freddie Aguilar na ang isang komposisyon ni Bing ay nakasama na sa kanyang "Kamusta Ka" album, Isay Alvarez, Pinky Marquez, Bimbo Cerrudo, Gamy Viray, Sheila Asuncion, Gelyn Onate at ang UP Vocal Ensemble. Si Chinggoy Alonso ang direktor.
Sinabi ni Bing na isa sa mga pangarap niya ay tugtugin ang kanyang mga komposisyon ng isang full orchestra. Magkakaroon katuparan ito sa konsyerto. Pangarap din niya na awitin ng mga kilala nating singers ang mga awitin niya. Gaya nang ginawa nina Jose Mari at Freddie. Sinabi niyang hindi na pag-uusapan ang pera. Maaari niya itong ibigay ng libre sa kanila.
Hindi nakikipag-kumpitensya si LA sa kanila. Layunin niya na maibahagi ang kanyang gift sa mga mahiligin sa musika.
Bahagi ng kikitain ng palabas niya ay ibabahagi sa Philippine National Red Cross blood program at Give A Life (Pediatrics). Prodyus ito ng Pear Sounds at suportado ng Freego, Camel, Zenco Footsteps, Bodega ng Bayan, Cornerstone Insurance, Taste of LA, Kool 106 at DM 95.5 as concert stations.
Bukod sa mga awitin sa kanyang album, particularly, the carrier single "Yakap", aawit din si LA ng mga upbeat songs, inspirational ballads, funky tunes at marami pa. Mababakas sa repertoire niya para sa show ang lawak ng kanyang vocal range at versatility.
Ang Chikka Asia Inc. ang Phil. server na magbibigay ng pagkakataon sa mga Pinoy na bumoto kay Katherine Manalo sa pamamagitan ng isang local number kesa magpadala ng mas mahal na text message sa UK. Si Dennis Mendiola ang CEO ng Chikka Asia.
Para bumoto sa Ms. World, text MW <country> (ex" MW Philippines) at ipadala sa 246 para sa Smart subscribers. The Globe no. will be announced soon. The text message will be forwarded to a UK no.under an arrangement sa pageant organizers. Walang limit sa dami ng boto na gusto nyong ipadala.
Cumlaude sa Masscom sa Assumption si Katherine. Nagtatrabaho siya sa isang international finance company.
[email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
20 hours ago
20 hours ago
Recommended