^

PSN Showbiz

Assunta/ Jules wedding exclusive sa Dos; FPJ ayaw pag-usapan ang pulitika

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Ayaw munang mag-react ni Fernando Poe, Jr. sa issue ng pulitika. Nagpa-interview si Da King last Thursday night sa Acacia Restaurant in Greenhills. "Huwag muna nating pag-usapan ‘yan. Ito munang pelikula (Ang Alamat ng Lawin), saka na lang," pakiusap ni FPJ sa mga entertainment press.

Pero sinabi niyang hindi niya ini-expect na darating ang oras na magiging aspiring president siya. "Ngayon tuwing kakamay ako sa mga fans na dati kong ginagawa, nabibigyan na ng kulay dahil sa issue ng pulitika. Hindi nila alam, dati ko na ‘yung ginagawa," sabi niya.

Instead na pulitika, mas enjoy siyang magkuwento sa nangyari sa shooting nila ng Ang Alamat ng Lawin. Sinabi ni FPJ na for the first time, ginawa nilang mas high tech ang pelikula niya - gumamit sila ng computer graphics at pang-international ang dating ng pelikula. "Ito na ‘yung pinakamalaking movie ko, talagang hindi mo pwedeng ikumpara sa mga dati kong pelikula," dagdag niya.

Halos naglibot sila ng bansa - nagpunta sila ng Ilocos, Pampanga, Antipolo, Bataan, Bohol, Laoag at iba pang area na naging malaking issue dahil sinasabing ginamit niya lang para sa kanyang pre-campaign sa 2004 presidential election. Pero ayaw mag-react ni FPJ tungkol dito.

In any case, nanghinayang si FPJ dahil wala siyang na-save na copy ng mga ginawa niyang movie with the late Zaldy Shornack. Memorable para sa kanya ang Cain at Abel dahil bandido ang role niya sa nasabing movie, siya ang evil at si Zaldy ang good.

Isa si FPJ sa mga kaibigan ni Zaldy way way back.

At any rate, si FPJ din ang nag-direk ng Ang Alamat ng Lawin. Kuwento ito ng four street children from Quiapo na witness sa pagpatay sa isang lalaki. The killers hunt down the kids. Pero habang nagtatago sila, napunta sila sa ibang mundo. Doon nila makikilala si Camila (Ina Raymundo) and Lawin (FPJ).

Also in the cast are Romy Diaz, Augusto Victa, William Romero and Alex Cunanan. Ang Alamat ng Lawin is produced by FPJ Production at possible entry sa Metro Manila Film Festival.
*****
Malamang na exclusive ang coverage ng ABS-CBN sa wedding nina Assunta de Rossi and Jules Ledesma. Ito ay matapos makipag-negotiate si Jules sa ABS-CBN with his manager Boy Abunda para sa exclusive coverage ng kasal nila ng sexy actress sa December 14 sa Negros.

As of presstime, wala pang final result sa meeting nila pero more or less sa ABS-CBN ang coverage dahil kailangang umalis ni Jules bago pa man nagi-start ang meeting nila kahapon sa ABS-CBN.

Nakiusap naman daw ang GMA 7 na maka-cover din sila pero mas nauna raw nag-approach ang Dos.

Si Jules daw ang nag-decide sa nasabing coverage kaya hindi dapat magalit ang GMA kay Assunta kahit artist nila ito.
*****


Salve V. Asis’ e-mail -
[email protected]/[email protected]

ACACIA RESTAURANT

ALEX CUNANAN

ANG ALAMAT

ASSUNTA

AUGUSTO VICTA

FPJ

LAWIN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with