Mylene Dizon may trauma sa kasal!
November 29, 2002 | 12:00am
May trauma pala sa marriage itong sexy-actress na si Mylene Dizon. "Wala akong balak magpakasal. Wala akong balak humabol sa December wedding gaya ng iba diyan," bungad ni Mylene na beauty pa rin nang makapanayam namin sa presscon ng Ang Agimat: Ang Anting-Anting ni Lolo ng Imus Productions.
Seksing manananggal pala ang role nito sa naturang pelikula. Walong oras inilalagay ang prosthetics nito at umabot ng limang araw ang shooting. No acting required sa role niya bilang manananggal.
"Para na ngang masisira ang ulo ko sa dami ng pinagkakaabalahan ko. Yung taping ng Sa Dulo ng Walang Hanggan na baka matapos na sa Enero 2003.
Kinulit-kulit muli namin siya kung wala pa ba siyang balak mag-asawa.
"Mas nagi-enjoy ako ngayon na ganito ang kalagayan ko. Takot ako sa marriage. Since, nanonood ako ng mga show ni Julie Yap Daza parang ewan ko, basta si Tita Julie yata ang naka-influence sa akin na matakot sa marriage."
Naudlot ang panayam namin kay Mylene dahil gutom na raw siya at gusto na niya ring umalis para sa pagiging presentor niya sa Rock Music Awards. (Ulat ni Boni Casiano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended