Sex Bomb Girls, naka-7650 cellphones lahat
November 28, 2002 | 12:00am
Halos di na kami maasikaso nina Rochelle, Jopay, Monic, Izzy, Weng at Yvette, kilala sa mas popular na pangalang Sex Bomb Girls, sa presscon ng kanilang pelikulang Bakit Papa? ng Regal Entertainment. Lahat sila ay excited at abala sa pagkuha ng larawan ng mga nandung press "Para ho matandaan namin ang mga names nyo," sa pamamagitan ng kanilang bagung-bago at kalalabas lamang sa mga kahon na 7650 cellphones na bigay sa kanila ng BMG, regalo dahil isang linggo pa lamang lumalabas ang kanilang Christmas album na "Wish Ko Sa Pasko" ay naka-gold record na agad ito.
Nakasama sa kanilang excitement ang pagpu-promote ng Bakit Papa? na inaasahan nilang papatok din sa takilya. "Maganda po at masayang movie," sabay-sabay nilang sabi." Di lang po kami nagsayaw dito, nag-action din kami dahil mga secret agents kami dito. Were praying na panoorin ito di lamang dahil sa amin but because kasama po namin sina Allan K., Wendell Ramos, Jeffrey Quizon under the direction of Abo dela Cruz."
Pagkatapos ng ilang internal problems, tuloy na ang finals ng Manhunt International (Phils.) 2002 ngayong 8:00 ng gabi, Nobyembre 28, sa Music Museum. Ang mananalo rito ay magiging kinatawan ng bansa sa Manhunt International 2002 world finals sa Beijing, China sa Disyembre 4. Mga 40 na bansa ang kasali rito. Winner last year si Rajeev Singh ng India.
Ang mga finalists ay sina Denby Chu, Dennis Centeno, Allen Oblepias, Frank Quintyana, Randell Cuisia, Christian CJ Lara, Francis BJ Arawan, Julius Sison ll, Ding Neria, Relly Bucu. Dayal Chowdhary, Bruce Quebral, Guiness Nabung, Charles Bayer, Perico Quiwa, Eddienor Dalida, Kim Hain, Christian Custodio, Amiel Dennisopn, Joshua Cinco, Kerwin Tan at Norman Wycoco.
Ang finals ay ididirihe ni Raymond Villanueva. National directors sina Danny Sandoval at Bobby Gopiao.
Ang tiket ay may halagang P500 at P800.
Para sa iba pang detalye, tumawag sa Music Museum 721-6726 0 721-0635 o i-text si Richard Domingo sa 09189293375.
Paano ka naman makakaiwas na makilala at pagkaguluhan ng mga tao kung ikaw ay sikat na artista na gaya nina JudyAnn Santos at Gary Valencianao at ng modelong si Poemela Baranda at basketbolistang si Wesley Gonzales? Mahirap di ba? Lalot ang mukha mo ay nakabalandra sa TV, pelikula, babasahin, billboards, poster at marami pang promo paraphernalia.
Nagawang ma-capture ang mga special moments ng mga celebrities na ito ng label na Anonymous Artista. Sa kanilang mga billboards and posters, makikita ang mga image models nila like basketballer Wesley na nakikipaglaro sa isang bata, ang pagdarasal ni Gary, ang pagtulog ni Judy Ann. Ito yung pangarap nilang moment, yung anonymous sila at hindi sila mga sikat na tao.
Nakasama sa kanilang excitement ang pagpu-promote ng Bakit Papa? na inaasahan nilang papatok din sa takilya. "Maganda po at masayang movie," sabay-sabay nilang sabi." Di lang po kami nagsayaw dito, nag-action din kami dahil mga secret agents kami dito. Were praying na panoorin ito di lamang dahil sa amin but because kasama po namin sina Allan K., Wendell Ramos, Jeffrey Quizon under the direction of Abo dela Cruz."
Ang mga finalists ay sina Denby Chu, Dennis Centeno, Allen Oblepias, Frank Quintyana, Randell Cuisia, Christian CJ Lara, Francis BJ Arawan, Julius Sison ll, Ding Neria, Relly Bucu. Dayal Chowdhary, Bruce Quebral, Guiness Nabung, Charles Bayer, Perico Quiwa, Eddienor Dalida, Kim Hain, Christian Custodio, Amiel Dennisopn, Joshua Cinco, Kerwin Tan at Norman Wycoco.
Ang finals ay ididirihe ni Raymond Villanueva. National directors sina Danny Sandoval at Bobby Gopiao.
Ang tiket ay may halagang P500 at P800.
Para sa iba pang detalye, tumawag sa Music Museum 721-6726 0 721-0635 o i-text si Richard Domingo sa 09189293375.
Nagawang ma-capture ang mga special moments ng mga celebrities na ito ng label na Anonymous Artista. Sa kanilang mga billboards and posters, makikita ang mga image models nila like basketballer Wesley na nakikipaglaro sa isang bata, ang pagdarasal ni Gary, ang pagtulog ni Judy Ann. Ito yung pangarap nilang moment, yung anonymous sila at hindi sila mga sikat na tao.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended