^

PSN Showbiz

Angkop sa panlasang Pinoy

-
Subok na ang ka-kayahan ng isang comedy show sa pag-papagaan ng loob ka-ya naman klik na klik ang ganitong uri ng panoorin sa telebisyon maging sa pelikula. Para sa mga manonood, isa itong treat na matatawag. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, hindi madali ang paggawa ng mga comedy show sa parte ng mga producers lalo na’t mapanuri sa pan-lasa ang Pilipinong manonood. Paano nga ba masasabing maga-ling ang isang funny show at tumutukoy sa layon nitong magpasa-ya? Marahil dito papa-sok ang mga awards, citations at iba pang parangal.

Ayon sa batikang direktor na si Al Quinn, tunay na nakakadagdag ng prestige ang mga awards na natatanggap ng kanyang all-spoof show Ispup sa Singko lalo na’t galing sa Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (2002 KBP Golden Dove Award) na nagsisilbi ring proof of success. Ngunit mas malalim na kahulugan nito ang incentive o push na mas pagbutihin ang paggawa ng mga episodes at gawing mas nakakaaliw pa. Tuwing nagro-roll ang camera, he quickly gets into the business of eliciting a balance in the cast’s delivery of the acting, punch lines and proper timing para hindi lumabas na sobra o pilit ang palabas. "Binibigyan namin ng wastong importansya ang expectations ng mga viewers. And since we cater to a wide range of viewership,mas nagiging challenging ang trabaho dahil may mga viewers na mahilig sa korny antics, yung iba naman gusto ng intellectually stimulating jokes, ha-bang may mga taong mahilig sa political mockery," anya sa In-gles. Good thing Ispup is all that and more than just a plain satirical show.

And a show isn’t a show without a cast. Kaya naman ipinagmamalaki ng Ispup ang mga versatile actors gaya nina Willie Nep, Leo Martinez, Jon Santos at Candy Pangilinan. Wala ng hihigit pa kay Sir Willie sa larangan ng pagi-impersonate o panggagaya na sa isang iglap ay magiging Erap clone then biglang magme-metamorphose into a Cardinal Sin or a Bong Revilla twin.

With or without awards, titiyakin nina Direk Al, sampu ng kanyang Ispup gang ang walang humpay na pag agos ng halakhakan sa Ispup, tuwing Biyernes ng gabi, 8:30 mula sa ABC 5.

AL QUINN

BONG REVILLA

CANDY PANGILINAN

CARDINAL SIN

DIREK AL

GOLDEN DOVE AWARD

ISPUP

JON SANTOS

LEO MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with