Janno Gibbs masama ang loob sa GMA
November 25, 2002 | 12:00am
Nagluluksa na naman ang industriya ng pelikula nitong mga nagdaang araw. Sunud-sunod ang pagkawala ng mga kasamahan natin sa industriya.
Nais kong makiramay sa mga naulila, una ng aktor na si Zaldy Zshornack na nakilala natin dahil sa grupo nilang Low Waist Gang.
Nakikidalamhati rin ako sa pagyao ng mahusay na direktor na si Chaning Carlos na binawian ng buhay sa Amerika. Darating ang kanyang labi ngayong Miyerkules. Mabuti na lamang at nabigyan siya ng tribute nung isang buwan ng FAMAS bilang pagkilala sa kanyang obra.
Isang buwan pa lang ang nakakaraan nang huli kaming mag-usap ni Chaning sa family day ng Vera Perezes.
Ipinaaabot ko rin ang aking pakikiramay sa pamilya ni Flor de Jesus, nakilalang Jonie Jane ng Pilipinas. Sumikat siya nung Clover days.
Ganun din ang aking pakikiramay sa pamilya ng mahusay na manunulat at editor na si Oscar Miranda.
Uulitin ko, sa pamilya ng mga naulila, ang aking taos-pusong pakikiramay.
Parang si Richard Gutierrez na nga ang bagong Papa ng Bayan. Aba kahit saan ako magpunta, laging nababanggit ng mga teenager si Richard. Pang-matinee idol talaga ang dating niya.
Hindi nakakapagtaka ito. Siyempre nagmana siya sa kanyang amang simpatiko, si Eddie Gutierrez. Ang palagay ko nga, baka malampasan pa niya ang kasikatang inabot ng kanyang ama.
Malaki ang tulong ng presence niya sa Click. Kaya naman napansin agad siya ni Mother Lily Monteverde at agad siyang sinabak sa pelikula, sa Bakit Papa? na launching movie ng Sex Bomb Dancers. Ka-partner niya rito si Chynna Ortaleza na isa pang may potential na sumikat.
Alam kong malaki ang tiwala ni Mother Lily kay Richard ganoon na rin kay Chynna dahil nabalitaan kong binigyan sila ng sariling presscon.
Kilala naman natin si Mother na hindi bas-ta-basta nagtitiwala sa baguhan. Pero nagtiwala siya kay Richard na isang indikasyon na may kakaibang talino ang binata ni Eddie at Annabelle.
Ang masasabi ko lang, sana mag-concentrate muna si Richard sa career niya bago mag-girlfriend. Sayang naman ang pagkakataon.
Napapailing at natatawa lang ako sa pagtatampo ni Janno Gibbs sa GMA 7 dahil hindi raw siya nabigyan ng solo frame sa bagong station ID ng Siyete.
Kaya tuloy nagkaroon ng balitang hindi siya lalabas sa SOP. Pero kahapon naman, napanood ko siya sa SOP kasama ang lahat ng host.
Nagtatampo si Janno dahil kasama niyang lumabas sa frame ang dalawa niyang anak, samantalang ang ibang taga-SOP ay may sariling frame.
Para sa akin, walang dapat ikasama ng loob si Janno. Dapat pa nga siyang magpasalamat dahil binigyang halaga ng GMA ang mga anak niya.
Kaya nga nang minsang mag-usap kami, pinaliwanagan ko siya na hindi umiral ang favoritism nang kunan ang nasabing station ID. Hindi yun kasalanan ng direktor. Ang masasabi ko lang sa yo Janno, tutal naman ay anak-anakan kita, wag ka nang maghihinanakit. Walang magandang idudulot ang sama ng loob sa kapwa. Ang importante, all-out ang suportang ibinibigay sa yo ng GMA.
Si Dina Bonnevie ang unang narinig ko na nag-protesta na wala raw siya sa station ID samantalang naging loyal siya sa GMA ng maraming taon.
Nais kong makiramay sa mga naulila, una ng aktor na si Zaldy Zshornack na nakilala natin dahil sa grupo nilang Low Waist Gang.
Nakikidalamhati rin ako sa pagyao ng mahusay na direktor na si Chaning Carlos na binawian ng buhay sa Amerika. Darating ang kanyang labi ngayong Miyerkules. Mabuti na lamang at nabigyan siya ng tribute nung isang buwan ng FAMAS bilang pagkilala sa kanyang obra.
Isang buwan pa lang ang nakakaraan nang huli kaming mag-usap ni Chaning sa family day ng Vera Perezes.
Ipinaaabot ko rin ang aking pakikiramay sa pamilya ni Flor de Jesus, nakilalang Jonie Jane ng Pilipinas. Sumikat siya nung Clover days.
Ganun din ang aking pakikiramay sa pamilya ng mahusay na manunulat at editor na si Oscar Miranda.
Uulitin ko, sa pamilya ng mga naulila, ang aking taos-pusong pakikiramay.
Hindi nakakapagtaka ito. Siyempre nagmana siya sa kanyang amang simpatiko, si Eddie Gutierrez. Ang palagay ko nga, baka malampasan pa niya ang kasikatang inabot ng kanyang ama.
Malaki ang tulong ng presence niya sa Click. Kaya naman napansin agad siya ni Mother Lily Monteverde at agad siyang sinabak sa pelikula, sa Bakit Papa? na launching movie ng Sex Bomb Dancers. Ka-partner niya rito si Chynna Ortaleza na isa pang may potential na sumikat.
Alam kong malaki ang tiwala ni Mother Lily kay Richard ganoon na rin kay Chynna dahil nabalitaan kong binigyan sila ng sariling presscon.
Kilala naman natin si Mother na hindi bas-ta-basta nagtitiwala sa baguhan. Pero nagtiwala siya kay Richard na isang indikasyon na may kakaibang talino ang binata ni Eddie at Annabelle.
Ang masasabi ko lang, sana mag-concentrate muna si Richard sa career niya bago mag-girlfriend. Sayang naman ang pagkakataon.
Kaya tuloy nagkaroon ng balitang hindi siya lalabas sa SOP. Pero kahapon naman, napanood ko siya sa SOP kasama ang lahat ng host.
Nagtatampo si Janno dahil kasama niyang lumabas sa frame ang dalawa niyang anak, samantalang ang ibang taga-SOP ay may sariling frame.
Para sa akin, walang dapat ikasama ng loob si Janno. Dapat pa nga siyang magpasalamat dahil binigyang halaga ng GMA ang mga anak niya.
Kaya nga nang minsang mag-usap kami, pinaliwanagan ko siya na hindi umiral ang favoritism nang kunan ang nasabing station ID. Hindi yun kasalanan ng direktor. Ang masasabi ko lang sa yo Janno, tutal naman ay anak-anakan kita, wag ka nang maghihinanakit. Walang magandang idudulot ang sama ng loob sa kapwa. Ang importante, all-out ang suportang ibinibigay sa yo ng GMA.
Si Dina Bonnevie ang unang narinig ko na nag-protesta na wala raw siya sa station ID samantalang naging loyal siya sa GMA ng maraming taon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am