^

PSN Showbiz

Ryan Agoncillo binastos sa NU Rock Awards

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Habang abalang-abala si Claire dela Fuente sa kanyang mga negosyo at iba’t ibang civic projects, ibang klase naman ang naging takbo ng kanyang showbiz career.

Bago mag-isang buwan ang kanyang dating weekly show sa DWIZ radio na Usapang Claire, naging daily agad ito, Monday to Friday, 12:00-1:00 n.h.

Sabi nga ng kanyang regular na kasama sa show, sa katatalak lang ni Claire, aabutin na ng isang oras. Kahit nasa ere na kasi, natural na Claire pa rin siya. Walang pigil ang bibig, lalo na’t interesante ang kanyang topic o mga bisita at kinakausap.

Nasa DWIZ kami noong Biyernes at nakarating agad ang balitang maaaring sa pagpasok ng 2003, isang oras at kalahati na ang Usapang Claire.

At hindi lang sa radio umeeksena si Claire. Bukod sa madalas din siyang mabalita sa TV at maging paksa ng mga balita dala ng kanyang pagiging presidente ng Integrated Metro Manila Bus Operators Association, magiging TV host na rin siya.

Sa unang Sabado ng Disyembre, 2:30 ng hapon, ang premiere telecast ng palabas na Tapondo at Tigasin.

Martial arts show ito ni Gen. Romeo Maganto na tipong instructional at ang kanyang co-host ay si Claire. Mukhang bagay ang team-up ng dalawa dahil dating kilalang traffic czar si Gen. Maganto at si Claire naman ay involved talaga ngayon sa land transport.

"Maganda ang format ng show," kuwento ni Claire. "Buong bansa ay lilibutin namin upang ipakita ang isang homegrown martial arts na ang tawag ay Tapondo. Ang first season ng show ay sa Metro Manila muna."
* * *
Talagang inaabangan namin lagi ang NU Rock Awards at talagang dumadayo kami upang panoorin ito ng live.

Naiiba kasi ang annual awards rite na ito. Natural ang lahat–show, hosts, presentors, performers, awardees at pati na ang audience.

Medyo nabawasan lang ang aming kasiyahan sa katatapos na 2002 NU Rock Awards dahil naging unruly ang crowd. Sa simula pa lamang, nakapaling agad sila sa negative vibes. Sukat ba namang sabay-sabay na sumigaw ng "Ryan Bakla, Ryan Bakla!" nang tawaging presentor si Ryan Agoncillo para sa unang parangal, ang "Best New Artist."

Siyempre naman nag-react si Ryan at humarap sa mga hyper-active na spectators at may kung anong sinenyas sa kanila. Di ko alam kung turn-off talaga ang crowd that night. Nagpaunlak na si Ryan na maging presentor, nabastos pa siya!

At over talaga sa World Trade Center noon. Binayaang manigarilyo kaya’t ang daming nagsilbing pugon. Ang hirap huminga at masakit sa mata.

Sana sa susunod na NU Rock Awards, No Smoking na.
* * *
Natandaan ba ninyo si Nico Ramos sa column na ito last Sunday?

Noong Lunes nga ay nag-shooting na siya sa Nueva Ecija dahil kasama na siya sa Balat Sibuyas, ang title ng kanyang unang pelikula. Agad naman siyang nagustuhan ni Director Jun Posadas, kaya’t humaba ang role niya bilang kaibigan ni Leandro Baldemor sa istorya.

Tuwang-tuwa si Nico dahil umabot ng apat na araw ang kanyang shooting at naging markado talaga ang kanyang papel.

Kasama sa pelikula sina Halina Perez at mga batikang artistang sina Elizabeth Oropesa at Chanda Romero. Ang Balat Sibuyas ay produced ng Taurus Films at siyempre early 2003 na ito ipapalabas. I’m sure wala namang nagselos kay Nico dahil trabaho lang ito.

vuukle comment

BALAT SIBUYAS

BEST NEW ARTIST

CHANDA ROMERO

CLAIRE

DIRECTOR JUN POSADAS

KANYANG

ROCK AWARDS

RYAN BAKLA

USAPANG CLAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with