Carlos Agassi hinagisan ng panty at bra sa concert sa abroad
November 22, 2002 | 12:00am
Akala ko kay Rannie Raymundo lamang nangyari na mahagisan ng mga panloob na kasuotan ng mga babae sa concert. Nangyari rin pala ito kay Carlos Agassi sa isang concert nila ng The Hunks sa San Diego, California.
"Pawisan ako nun kaya nang may maghagis ng kung ano mula sa audience ay inakala kong panyo at ipinamahid ko nang pawis. Kaya pala tawa ng tawa ang mga kasamahan ko at panay ang senyas sa akin ni Direk Johnny Manahan. Nagulat pa ako nang makita kong bikini panty ito. Buti na lang at brand new ito. Kung hindi malaking kahihiyan," ani Carlos sa isang intimate talk with him recently.
Proud si Carlos na sabihin na siya ang pinaka-sikat among the The Hunks sa San Diego, California.
"Actually, may kanya-kanya kaming lugar. Syempre, pagdating sa Saudi Arabia na kung saan ay nagbuhat ang aking ama at sa San Diego na kung saan ay nakatira ang aking ina ay ako ang sikat. Ang LA, California ay teritoryo ni Piolo (Pascual). Bida naman si Bernard (Palanca) sa Hongkong at sa San Francisco, talo kaming lahat ni Diet (Diether Ocampo).
"Sa show namin sa US, nanood ang mom ko kasama ang mga relatives namin. Pumunta rin ang dad ko kasama ang kanyang mga kasamahan sa negosyo."
Sinabi ni Carlos na pantay-pantay lamang ang talent fee nilang lima bilang The Hunks. "Pagdating sa movies, saka nag-iiba. Syempre, nakakalamang ang mas senior. Mas mataas ang talent fee nina Piolo, Diet at Jericho sa movies," ani Carlos who is proud na sa kabila na Muslim ang dad niya ay pinalaki silang mga Katoliko at may mga Filipino values ng kanyang ina.
Ngayong araw na ito ang alis nina Carlos kasama ang apat pang The Hunks para sa ilang series of shows sa LA, San Francisco at Virginia. Babalik sila sa December 3.
Nagbukas na ng kanilang opisina sa Pilipinas ang Candid Records, isang UK- based company na kung saan ay gumawa ng album si Ladine Roxas. Sa kumpanyang ito kabilang ang mga artists na tulad nina Otis Spann, Memphis Slim at Cecil Taylor. Dito rin kabilang ang maraming sikat na jazz musician sa UK.
Sa pagkakaroon nito ng opisina sa Maynila, inaasahan na mabibigyan din ng pagkakataon na makapag-record sa kanila ang maraming Pinoy singers. Matatagpuan ang Candid Records Philippines sa 2nd Floor, Raymundo Bldg, No. 14 Balete Drive, QC with tel. nos. 724-0925 at 725-1358.
Ang album ni Ladine Roxas na unang inilunsad sa Equinox Disco sa London nung buwan ng Hunyo ay nagkaroon ng launching nung Miyerkules ng tanghali sa Hard Rock Café. Ang carrier single nito ay titulo rin ng album, "How Can I Make You Love Me". May composition din dito ang manager at mentor ni Ladine na si Vehnee Saturno ("Di Maisip") at si Ladine mismo ("No Regrets").
"Pawisan ako nun kaya nang may maghagis ng kung ano mula sa audience ay inakala kong panyo at ipinamahid ko nang pawis. Kaya pala tawa ng tawa ang mga kasamahan ko at panay ang senyas sa akin ni Direk Johnny Manahan. Nagulat pa ako nang makita kong bikini panty ito. Buti na lang at brand new ito. Kung hindi malaking kahihiyan," ani Carlos sa isang intimate talk with him recently.
Proud si Carlos na sabihin na siya ang pinaka-sikat among the The Hunks sa San Diego, California.
"Actually, may kanya-kanya kaming lugar. Syempre, pagdating sa Saudi Arabia na kung saan ay nagbuhat ang aking ama at sa San Diego na kung saan ay nakatira ang aking ina ay ako ang sikat. Ang LA, California ay teritoryo ni Piolo (Pascual). Bida naman si Bernard (Palanca) sa Hongkong at sa San Francisco, talo kaming lahat ni Diet (Diether Ocampo).
"Sa show namin sa US, nanood ang mom ko kasama ang mga relatives namin. Pumunta rin ang dad ko kasama ang kanyang mga kasamahan sa negosyo."
Sinabi ni Carlos na pantay-pantay lamang ang talent fee nilang lima bilang The Hunks. "Pagdating sa movies, saka nag-iiba. Syempre, nakakalamang ang mas senior. Mas mataas ang talent fee nina Piolo, Diet at Jericho sa movies," ani Carlos who is proud na sa kabila na Muslim ang dad niya ay pinalaki silang mga Katoliko at may mga Filipino values ng kanyang ina.
Ngayong araw na ito ang alis nina Carlos kasama ang apat pang The Hunks para sa ilang series of shows sa LA, San Francisco at Virginia. Babalik sila sa December 3.
Sa pagkakaroon nito ng opisina sa Maynila, inaasahan na mabibigyan din ng pagkakataon na makapag-record sa kanila ang maraming Pinoy singers. Matatagpuan ang Candid Records Philippines sa 2nd Floor, Raymundo Bldg, No. 14 Balete Drive, QC with tel. nos. 724-0925 at 725-1358.
Ang album ni Ladine Roxas na unang inilunsad sa Equinox Disco sa London nung buwan ng Hunyo ay nagkaroon ng launching nung Miyerkules ng tanghali sa Hard Rock Café. Ang carrier single nito ay titulo rin ng album, "How Can I Make You Love Me". May composition din dito ang manager at mentor ni Ladine na si Vehnee Saturno ("Di Maisip") at si Ladine mismo ("No Regrets").
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am