Nagbabalik ang 'bold king'
November 21, 2002 | 12:00am
Dahilan sa hindi mabuting katayuan ng industriya ng pelikula, hindi mapangatawanan ni Gardo Versoza ang binitawan niyang salita na hindi na siya magbu-bold. For a time kasi ay nag-concentrate siya sa drama at action.
Sa pelikula ng Metro Films, ang Biyahera na magpapakilala kay Jeanette Joaquin sa mga manonood ng pelikulang lokal, pumayag si Gardo na gumanap ng role na may mahabang lovescene. Napakahaba ng eksena nila ng bagong artista na kung saan ay pareho silang hubot hubad. Mayroon din ditong frontal nudity si Jeanette na sinasabi ng marami na malayo ang aabutin sa larangan ng bold movies dahilan sa kanyang katapangan.
Bagaman at itinuturing na isa sa pinaka-eligible bachelors sa pelikula si Gardo, hindi sikreto ang pagkakaroon niya ng anak na may edad nang 12 taon ngayon. Sayang nga lang at hindi niya ito nakita after maipanganak dahilan sa itinago ito sa kanya ng ina ng bata. "Pero balak ko siyang dalawin kapag nakaluwag ako. Dinala siya ng kanyang ina sa Amerika para makaiwas sa gulo at iskandalo," ani Gardo.
Dating beauty queen ang mother ni Jellica Marie Mateo, Jeli for short, isa sa makakasama ni Marissa Sanchez sa nalalapit niyang concert sa Downtown ng Rembrandt Hotel sa Disyembre 2 na pinamatagang Funny.... Devah!!!! Ang isa pa ay si Kryz Evangelista.
Naging Miss Teen Princess ang kanyang ina nun na ang pangalan ay Carmencita Anido. Di kataka-taka kung bakit namana ni Jeli ang ganda at taas nito, dahilan kung bakit marami ang kumukumbinse sa kanya na sumali sa beauty contests.
Pero, may ibang priorities si Jeli. Gaya ng kanyang pag-aaral. Nasa ikalawang taon siya sa kursong Business Management at ang pagiging secretary general ng Student council ng kanyang iskwela, ang University of Asia and the Pacific. Kung hindi lamang siya nakumbinse ng talent manager at concert producer na si Elay Formaran ay baka kuntento na siya sa pagiging soloista ng Velloso Band at pagiging myembro ng kanilang church choir.
After her stint with Marissa sa Rembrandt, Jeli hopes to do recordings. At baka mag-fulltime na siya sa showbiz.
Magkakaroon ng General Alumni Homecoming ang Immaculate Conception Minor Seminary sa Ayusan Sur, Vigan City, Ilocos Sur sa Disyembre 6-8. Tinatawagan ang mga kinauukulan na tawagan ang mga contact persons (Ilocos Sur Vice Gov. Jeremias "Jerry" C. Singson, (007) 722-2888 o CP 0917-5682888; Presidential Deputy Asst. for Northern Luzon Dr, Ernie M. Mendoza ll, (02) 736-8609, 0917-2469292; Atty. Alexander Gironella, (02) 722-5110 at (02) 722-5104, 09185064541 at Atty. Wilfredo B. Saraos (02) 928-1219, 09207186385) on or before Nov. 28 for registration.
May proyekto na naman ang mayor ng Manila na si Lito Atienza, ang Miss Manila 2002 na ang mapipiling winner ay magiging simbolo at kinatawan ng lungsod.
Dalawamput siyam na naggagandahang babae ang ipinakilala sa press presentation na ginanap nung Nob. 14 sa harap ng dancing fountain sa Rajah Sulayman, Malate, Manila. Ang pageant night nito ay magaganap sa Nob. 29 sa ni-remodel na Liwasang Bonifacio.
P100,000 ang tatanggapin ng mananalo plus trip to USA. P50,000 at isang Hongkong trip sa 1st runner-up at P30,000 at trip to Cebu naman para sa 2nd runner-up. Bibigyan ng mga incentives ang lahat ng barangay at talent scout na magpa-participate.
Email:[email protected]
Sa pelikula ng Metro Films, ang Biyahera na magpapakilala kay Jeanette Joaquin sa mga manonood ng pelikulang lokal, pumayag si Gardo na gumanap ng role na may mahabang lovescene. Napakahaba ng eksena nila ng bagong artista na kung saan ay pareho silang hubot hubad. Mayroon din ditong frontal nudity si Jeanette na sinasabi ng marami na malayo ang aabutin sa larangan ng bold movies dahilan sa kanyang katapangan.
Bagaman at itinuturing na isa sa pinaka-eligible bachelors sa pelikula si Gardo, hindi sikreto ang pagkakaroon niya ng anak na may edad nang 12 taon ngayon. Sayang nga lang at hindi niya ito nakita after maipanganak dahilan sa itinago ito sa kanya ng ina ng bata. "Pero balak ko siyang dalawin kapag nakaluwag ako. Dinala siya ng kanyang ina sa Amerika para makaiwas sa gulo at iskandalo," ani Gardo.
Naging Miss Teen Princess ang kanyang ina nun na ang pangalan ay Carmencita Anido. Di kataka-taka kung bakit namana ni Jeli ang ganda at taas nito, dahilan kung bakit marami ang kumukumbinse sa kanya na sumali sa beauty contests.
Pero, may ibang priorities si Jeli. Gaya ng kanyang pag-aaral. Nasa ikalawang taon siya sa kursong Business Management at ang pagiging secretary general ng Student council ng kanyang iskwela, ang University of Asia and the Pacific. Kung hindi lamang siya nakumbinse ng talent manager at concert producer na si Elay Formaran ay baka kuntento na siya sa pagiging soloista ng Velloso Band at pagiging myembro ng kanilang church choir.
After her stint with Marissa sa Rembrandt, Jeli hopes to do recordings. At baka mag-fulltime na siya sa showbiz.
Dalawamput siyam na naggagandahang babae ang ipinakilala sa press presentation na ginanap nung Nob. 14 sa harap ng dancing fountain sa Rajah Sulayman, Malate, Manila. Ang pageant night nito ay magaganap sa Nob. 29 sa ni-remodel na Liwasang Bonifacio.
P100,000 ang tatanggapin ng mananalo plus trip to USA. P50,000 at isang Hongkong trip sa 1st runner-up at P30,000 at trip to Cebu naman para sa 2nd runner-up. Bibigyan ng mga incentives ang lahat ng barangay at talent scout na magpa-participate.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended