^

PSN Showbiz

Dating bold star bawal pumasok sa GMA

-
Sikat na sexy actress nung dekada ’80s itong si Cherry Madrigal na dating team up nun kay Bobby Benitez sa mga pelikulang may temang bold & sexy. Iba na ang hitsura niya ngayon. Tumaba na at walang producer na gustong bigyan siya ng pelikula.

May mga anak si Cherry. Laking pasalamat nito nang gawing guest siya ng GMA sa mga programa nito.

Kung noon ay kumikita siya ng limpak-limpak ngayon naman ay barya-barya na lang. Isang aral sa sarili niya na ngayon lamang niya napag-isip-isip kung kailan pa siya nagkaroon ng mga anak. Hanapbuhay niya ay ang magbitbit ng mga kaing na mangga na itinitinda sa mga kapwa-artista niya.

Lumuluha si Cherry dahil pinagbawalan na siyang makapasok sa Studio 3 ng SOP ng executive producer ng naturang programa.

"Bakit naman? Porke hindi na ba ako gumagawa ng pelikula at tindera na lang ako ng mga prutas, hindi na ako puwedeng pumasok? Ito na nga lang ang pribilehiyong natatanggap ko sa bakuran ng GMA 7 na malayang makapagtinda-tinda ipinagkakait pa nila. Samantala, nung naging guest nila ako sa programa ng GMA 7 ni isang singko wala man lang akong siningil o tinanggap sa kanila."

Sabi ng mga sikyu sa gate, "walang pormal written request yung executive producer ng SOP, verbal lang ’yung pagkakabawal sa kanya. Sa SOP lang naman siya pinagbabawalan pero sa iba pang programa hindi naman! Boni A. Casiano

vuukle comment

BAKIT

BOBBY BENITEZ

BONI A

CASIANO

CHERRY MADRIGAL

HANAPBUHAY

ISANG

LANG

LUMULUHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with