^

PSN Showbiz

Manood ng tips sa pagpapapayat

-
Kung may isang bagay na hindi mo mapipigilang gawin, next to sleeping, ito ay ang kumain. At lalo namang hindi mo matatanggihan ang masasarap na lutuing inihahain ni nanay sa umaga, tanghali at gabi, dagdagan mo pa ng mga matatamis o crunchy snacks pagdating ng merienda. Kung ganito nga ang pagtakbo ng iyong eating routine, marahil ay hindi ka na dapat magtaka kung bakit sumisikip na ang inyong pantalon at lumiliit ang inyong mga damit.

Kaya sa mga guilty diyan, tama na ang pamomroblema dahil si Dok Donna ang inyong kakampi laban sa weight problems. Ngayong Miyerkules ng gabi, 9:30, tatalakayin ng ating magandang Urban Doktor ang iba’t ibang pamamaraan ng weight loss o pagpapapayat. Isa ang revolutionary Breathe Thin program of Mr. Arsi Baltazar (yup, siya nga ang nagturo kay Plinky Recto ng slimming technique). Isa pang helpful tip ang ihahatid ni chief dietician of UST’s Dietary Department Joan Sumpio, RND, na expert sa mga facts at myths tungkol sa pagpapapayat. Alam ‘nyo ba na nakakadagdag imbes na nakakabawas ng timbang ang pag-skip ng meals?

Sa segment naman na "Say Ni Dok, Dok Donna" lays down the mathematics on caloric counting. Ililista niya kung ilang calories ang nabu-burn mula sa mga gawaing gaya ng pagsa-shopping, playing cards or even having sex. Maliban diyan, magpapaturo rin ng kickboxing si Dok Donna kay Mr. Pagluyan ng Red Corner (where DJ Chinggay is an instructor) at susubuking maka-burn ng 700 calories in an hour. O, nagdadalawang isip ka pa ba sa pagi-exercise gayong hindi mo naman mapigilan ang pagkain ng sweet and yummy snacks? Oo man o hindi ang sagot mo, samahan pa rin si Dok Donna sa Urban Doktor, dito lang sa ABC 5.

BREATHE THIN

DIETARY DEPARTMENT

DOK DONNA

ISA

JOAN SUMPIO

MR. ARSI BALTAZAR

MR. PAGLUYAN

NGAYONG MIYERKULES

PLINKY RECTO

URBAN DOKTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with