Pops, ayaw nang mag-asawang muli!
November 19, 2002 | 12:00am
Natawa ng malakas si Pops Fernandez sa presscon ng kanyang 20th anniversary concert, ang Pops 2002 na magaganap sa Ultra sa Disyembre 14 nang may magsabi sa kanya na hihintayin muna siya ng kanyang ex na si Martin Nievera na mag-asawang muli bago ito pakasal din.
"Talaga! Sinabi niya yun. Maghihintay siya ng matagal because I dont have plans of getting married again. Not in the near future," aniya. "At the moment ay zero ang lovelife ko. It is true that I go out pero, para maglibang at mag-relax lang. Sometimes, kasama ko sina Robin at Ram," dagdag pa niya.
Incidentally ay nabigyan ng problema ang dalawang bagets sapagkat nagkasabay ang concert ng kanilang mga parents. Kung sino at aling concert ang panoorin nila ay siya pang pinag-uusapan nila ngayon.
May isa pang bagong karagdagan sa ating humahabang listahan ng mga beauty contests. Ito ang Miss Fort Ilocandia 2003. Layunin nito na ipo-promote ang Pilipinas as a safe haven for tourists. Kung ayaw ng mga turista na pumunta ng South dahilan sa mga kaguluhang nagaganap dun sa kasalukuyan, ino-offer nila ang North as an alternative, ang Ilocos Norte to be specific na kung saan ay matatagpuan ang Fort Ilocandia, ang nag-iisang 5-star resort sa Paoay, Ilocos Norte. Mayroon itong 280 deluxe rooms at kumpleto ng facilities. May flights dito mula Manila, Hongkong, Guangzhou, Xiemen, Guilin, Shanghai, Kaohsiung at Taipeh.
Inilunsad ang Miss Fort Ilocandia 2003 nung Sabado ng gabi sa Hongkong Golden Pavilion Restaurant ng Heritage Hotel. Dinaluhan ito ni Cong. Roque Ablan, Jr.
Magkakaroon ng screening ng Manila candidates sa Disyembre 7, dito rin sa Hongkong Golden Pavilion.
Maaaring sumali ang mga Pinay na dalaga pa, 18-25 yrs old, at least 56" in height and of good moral character. Magdala ng half at full body photo sa Fort Ilocandia Resort and Casino Head Office, Unit 609 Antel Seaview, 2626 Roxas Blvd., Mla. O tawagan sina Rheez o Elvie sa 8346-174/834-7297.
Ang screening naman ng Northern Luzon candidates ay magaganap sa Fort Ilocandia Resort and Casino, Laoag, sa Dis. 14. Ang pageant night ay gaganapin sa Fort Ilocandia Resort and Casino Ballroom, Laoag sa Disyembre 21, 7:00 ng gabi.
Ang mananalo ay tatanggap ng malalaking cash prizes. All expense package tours sa Hongkong w/chaperon, tropeo, complete wardrobe from LAtelier, 3 days, 2 nights holiday package sa Fort Ilocandia Resort, Golf & Country Club, jewelry and watches at ang pagkakataon na makapag-travel sa Asya.
Pagkatapos ng launching ay inilibot ang mga bisita sa Hongkong Golden Pavilion sa Heritage Hotel na magkakaroon ng grand opening sa Nob. 23. Ang restaurant ay kilala sa Asian culinary cuisine.
Isang buong Chinese song ang kinanta ni Amy Austria sa Mano Po ng Regal Entertainment, isang pelikula na intended for the Metro Manila Film Festival Philippines, na nagtatampok sa isang all-star cast Eddie Garcia, Boots Anson Roa, Kris Aquino, Eric Quizon, Gina Alajar, Tirso Cruz lll, Maricel Soriano, Ara Mina, Jay Manalo, Richard Gomez, sa direksyon ni Joel Lamangan.
Ang Mano Po ay isang tribute ni Mother Lily Monteverde sa kanyang mga magulang
Isa itong heroic tale ng isang Fil-Chinese family na nagpapakita ng tradisyon at practices ng mga Tsino gaya ng paggalang sa mga nakatatanda na ipinakikita sa pagmamano sa kamay.
Ang awiting Tsino ay kinanta ni Amy nang matagpuan niya ang matagal nang nawawalang asawa, sa piling ng di niya nalalamang asawat anak nito.
Tatlong beses di natuloy ang pagkuha sa eksena na nakabuti para mapag-aralan ng husto ni Amy ang awitin.
Email: [email protected]
"Talaga! Sinabi niya yun. Maghihintay siya ng matagal because I dont have plans of getting married again. Not in the near future," aniya. "At the moment ay zero ang lovelife ko. It is true that I go out pero, para maglibang at mag-relax lang. Sometimes, kasama ko sina Robin at Ram," dagdag pa niya.
Incidentally ay nabigyan ng problema ang dalawang bagets sapagkat nagkasabay ang concert ng kanilang mga parents. Kung sino at aling concert ang panoorin nila ay siya pang pinag-uusapan nila ngayon.
Inilunsad ang Miss Fort Ilocandia 2003 nung Sabado ng gabi sa Hongkong Golden Pavilion Restaurant ng Heritage Hotel. Dinaluhan ito ni Cong. Roque Ablan, Jr.
Magkakaroon ng screening ng Manila candidates sa Disyembre 7, dito rin sa Hongkong Golden Pavilion.
Maaaring sumali ang mga Pinay na dalaga pa, 18-25 yrs old, at least 56" in height and of good moral character. Magdala ng half at full body photo sa Fort Ilocandia Resort and Casino Head Office, Unit 609 Antel Seaview, 2626 Roxas Blvd., Mla. O tawagan sina Rheez o Elvie sa 8346-174/834-7297.
Ang screening naman ng Northern Luzon candidates ay magaganap sa Fort Ilocandia Resort and Casino, Laoag, sa Dis. 14. Ang pageant night ay gaganapin sa Fort Ilocandia Resort and Casino Ballroom, Laoag sa Disyembre 21, 7:00 ng gabi.
Ang mananalo ay tatanggap ng malalaking cash prizes. All expense package tours sa Hongkong w/chaperon, tropeo, complete wardrobe from LAtelier, 3 days, 2 nights holiday package sa Fort Ilocandia Resort, Golf & Country Club, jewelry and watches at ang pagkakataon na makapag-travel sa Asya.
Pagkatapos ng launching ay inilibot ang mga bisita sa Hongkong Golden Pavilion sa Heritage Hotel na magkakaroon ng grand opening sa Nob. 23. Ang restaurant ay kilala sa Asian culinary cuisine.
Ang Mano Po ay isang tribute ni Mother Lily Monteverde sa kanyang mga magulang
Isa itong heroic tale ng isang Fil-Chinese family na nagpapakita ng tradisyon at practices ng mga Tsino gaya ng paggalang sa mga nakatatanda na ipinakikita sa pagmamano sa kamay.
Ang awiting Tsino ay kinanta ni Amy nang matagpuan niya ang matagal nang nawawalang asawa, sa piling ng di niya nalalamang asawat anak nito.
Tatlong beses di natuloy ang pagkuha sa eksena na nakabuti para mapag-aralan ng husto ni Amy ang awitin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended