^

PSN Showbiz

Pagbibigayan, pagkakaibigan tema ng X'mas station ID ng Dos

-
Sa mga panahong mahirap ang buhay at masalimuot ang paligid, ang tunay na kaligayahan ay nakikita sa pakikipag-kapwa sa mga kapuspalad. Ito ang tema ng pinaka-star-studded na Christmas station ID ng ABS-CBN, ang "Isang Pamilya, Isang Puso, Ngayong Pasko." Magpi-premiere ngayong Linggo, Nobyembre 17 sa ganap na ala-una ng hapon sa ASAP, magkakaroon ng simultaneous nationwide broadcast ang "Isang Pamilya, Isang Puso, Ngayong Pasko" sa lahat ng ABS-CBN TV and radio stations nationwide, at ganon na rin sa Studio 23 at sa ABS-CBN cable channels ANC, Cinema One, MYX at Lifestyle Network.

Susunod sa yapak ng mga classic na ABS-CBN station tags gaya ng "Sama-Sama Tayo Ngayong Pasko" ng 2000 at ng "Saya ng Summer" at "Umula’t Umaraw, Magkasama Tayo" ng 2001, ang "Isang Pamilya, Isang Puso, Ngayong Pasko" ay isang selebrasyon ng importansya ng pagbibigayan, pagiging pamilya, pagtulong sa higit na kapus-palad, at pagdarasal sa isang payak at simpleng Paskong Pilipino.

ABS-CBN lamang ang makakapag-kalap ng ganitong uring "starpower" sa iisang TV campaign. Ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. ay ngayon lamang muling lalabas sa isang TV ad, pagkatapos ng classic na serye ng ads nito para sa isang beer brand. Kasama rin ang mga bagong kapamilya ng ABS-CBN, gaya ng Superstar na si Nora Aunor, at ng Star for all Seasons na si Vilma Santos na dinayo pa ng ABS-CBN sa Claro M. Recto Memorial School para sa special children.

Makikita rin sa "Isang Pamilya, Isang Puso, Ngayong Pasko" ang mga matagal nang mahal na kapamilya ng ABS-CBN, gaya ng Megastar Sharon Cuneta, ang Diamond Star na si Maricel Soriano, ang Drama Prince na si Aga Muhlach, ang Divine Diva na si Zsazsa Padilla, ang Concert Queen na si Pops Fernandez, ang Game Show Queen na si Kris Aquino, at ang Drama Princess na sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos. Nakisalo rin sa "Isang Pamilya, Isang Puso, Ngayong Pasko ang mga nagbabalik na kapamilya na sina Cesar Montano at Robin Padilla.

Pagbibigay sa mga kapuspalad ang handog ng The Hunks, na sumasagot sa mga telepono ng Bantay Bata 163. Sina Gretchen Barretto at Charo Santos-Concio naman ay nakihalubilo sa mga batang kupkop ng Bantay Bata 163 rescue center. Kasalo naman ni Joyce Jimenez sa dinner ang isa sa mga bata ng Reception and Study Center for Children, habang si Willie Revillame naman ay nag-yaya ng mga batang Aeta mula sa Planas Katutubo Resettlement Center ng Porac, Pampanga. Sa paligid naman ng Christmas tree ng ABS-CBN sina Senator Noli de Castro, Korina Sanchez, Lorna Tolentino, Boy Abunda, Edu Manzano, Karen Davila and Inday Badiday.

Last but not least, ang Comedy King nating si Dolphy ang may tangan ng star na ilalagay sa tuktok ng Christmas tree ng Star Network.

Mga celebrities at talents mula sa buong pamilya ng ABS-CBN -kasama na rin ang TV Entertainment, News and Current Affairs, Star Cinema, Studio 23, DZMM, WRR101 For Life, Star Records, ANC at ang Regional Network Group- ang nakilahok sa Christmas campaign na ito, na ang "full cut" ay lampas ng apat na minuto ang haba.

ABS

AGA MUHLACH

BANTAY BATA

CBN

ISANG

ISANG PAMILYA

ISANG PUSO

NGAYONG PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with