^

PSN Showbiz

Smokey type si Beth Tamayo

RATED A - Aster Amoyo -
"Nakakainggit naman si Elizabeth Oropesa, nakakabingwit pa siya ng mga lalaking mas bata na di hamak sa kanya," pahayag ng isang kasamahan sa panulat.

Kung tutuusin, si Elizabeth na marahil ang isa sa may pinaka-colorful ang lovelife. Ang kanyang tatlong anak ay magkakaiba ng ama at ang pinakahuli niyang nakarelasyon ay ang bold actor na si Danny Ramos. Nung nakaraang Nobyembre 8, muling nagpakasal si Elizabeth sa isang hindi taga-showbiz, si Joel Valdez (26), isang physical therapist at taga-Taft, Eastern Samar kung saan din ginanap ang kasal ng dalawa. Nagkakilala ang dalawa sa isang gym sa Parañaque kung saan si Joel ang resident PT at si Elizabeth naman ay regular customer.

Age doesn’t matter kina Elizabeth (48) at Joel (26). Ang mahalaga, sila’y nagmamahalan. Pero ang tanong ng marami, hanggang kailan kaya tatagal ang kanilang relasyon lalupa’t madaling magsawa si La Oropesa.

Sana nga mapangatawanan ni Elizabeth ang kanyang pangako na si Joel na umano ang huling lalake sa buhay niya kaya niya ito pinakasalan.
* * *
Thirty years old ang komedyanteng si Smokey Manaloto, mainstay ng Home Along Da Riles at bagong simulang Bida si Mister, Bida si Misis ng ABS-CBN, pero wala pa rin kaming nababalitaan tungkol sa kanyang lovelife.

"Malalaman n’yo na lang," baling niya sa amin.

Kahit 30 na si Smokey at may stable income, ayaw niya munang magpadalus-dalos sa pag-aasawa dahil isa umano itong seryosong bagay. Gusto niya, kapag siya’y nag-asawa ay ’yung handang-handa na siya both emotionally and financially.

Is there somebody special sa ngayon?

Puro ngiti lamang ang aming nakukuha sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng marami, super close sina Smokey at Beth Tamayo pero kahit type ni Smokey si Beth, nahihiya umano siyang ligawan ito dahil sobra umano ang kanilang pagiging close.

Hindi ikinakaila ni Smokey na attracted siya sa kanyang kaibigan pero hindi niya umano ito ipinahahalata sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Pero ngayong break na si Beth kay Mayor Tining Martinez ng Bogo, Cebu, pag-iisipan umano niyang mabuti kung paano niya didiskartehan ang kanyang best friend na si Beth Tamayo.

Nagbabalak si Smokey na kumuha ng special course sa TV production.

Binibigyan ni Smokey ng dalawang taon ang kanyang sarili at lalagay na umano siya sa tahimik.
* * *
Labing-apat ang miyembro ng sikat na sikat na ngayong Sex Bomb pero anim lamang sa kanila ang singer-dancers, sina Monica Icban, Izzy Trasona, Weng Ibarra, Yvette Pabalan, Jopay Raguia at ang original member na si Rochelle Pangilinan. Ang iba pang members (dancers) ay sina Aira, Mia, May, Jackie, Grace, Sandy, Che-Che at Jolan.

Sa apat na original members ng Sex Bomb, tanging si Rochelle lamang ang natira na agad namang napalitan ng mga bagong miyembro.

Discovery at pinasikat ng Eat Bulaga, ang Sex Bomb hanggang sa kunin sila ng BMG Pilipinas para sa kanilang debut album na pinamagatang Unang Putok kung saan hango ang kanilang hit song na "Bakit Papa?" na siya ring ginawang titulo ng kanilang debut movie sa bakuran ng Regal Films na dinirek ni Uro de la Cruz. May Christmas album na rin ang grupo, ang "Wish Ko sa Pasko" na naka-out na sa market.

Sa anim na singer-dancers, si Rochelle umano ang pinakamataas ang share ng talent fee dahil ito umano ang original member kaya nakabili na ito ng sarili niyang kotse na siya ring pangarap ng iba pa niyang mga kasamahan sa grupo.

Bukod sa Eat Bulaga at Daboy en da Girl, humahataw ang grupo ngayon sa kabi-kabilang shows hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga out-of-town shows.

BAKIT PAPA

BETH TAMAYO

BIDA

DANNY RAMOS

EASTERN SAMAR

EAT BULAGA

ELIZABETH OROPESA

SEX BOMB

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with