^

PSN Showbiz

'Home Along' ni Dolphy tatapusin na rin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Si Eric Quizon pa ang medyo shy na magkuwento tungkol sa pumping scene nila ni Kris Aquino sa Mano Po, Regal Films’ entry to the Metro Manila Film Festival this coming December. "As husband and wife, kailangan ‘yun sa eksena," simula ni Eric. Mag-asawa kasi ang role nila sa movie. "We’re very comfortable with each other kaya walang naging problema, there’s no kaba at all," he added.

Personal choice rin siya ni Kris for the said role. "No’ng first time na ini-offer sa akin, I said no dahil busy nga ako directing Home Along Da Riber (RVQ’s entry sa MMFF). Pero sabi nga nila, Kris insisted na ako ang kunin nang maging part siya ng movie, so wala na akong choice dahil kinausap na rin ako ni Direk Joel (Lamangan) and Mother Lily," paliwanag niya kung bakit hindi na rin siya nakatanggi.

Going back to their pumping scene, kung comfortable si Eric, mas si Kris. In fact, siya mismo ang nagsabi na na-‘feel’ niya si Eric dahil during the scene naka-boxers short lang ang actor so nang dumikit si Eric, may naramdaman siya. Actually, natatawa lang si Eric sa kuwento ni Kris dahil very vocal ang TV host sa ginawa nila ni Eric.

Pero take note, walang flesh exposure si Kris dito. Naka-cover sila. In fact, talagang kino-cover niya si Kris para nga walang makita sa kanya.

Ilang beses na ring nagkaroon ng gap sina Eric and Kris in real life, pero at the end of the day, magkaibigan pa rin sila.

For the record, si Eric ang first boyfriend ni Kris. At hanggang ngayon, sinasabi pa rin ni Kris na sayang at hindi sila nagkatuluyan ng actor.

Hindi naman worried ang actor sa magiging reaction ni former President Cory Aquino sa pumping scene nila ni Kris dahil feeling niya, Kris is old enough para sa mature role.

Anyway, tapos na rin ni Eric ang Home Along Da Riber starring Dolphy and Zsa Zsa Padilla. Comeback directorial job niya ‘to. Gumamit sila ng live sound kaya wala na silang dubbing.

Na-mention din niya during the interview na tatapusin na ang Home Along Da Riles ng daddy niya sa ABS-CBN. Pero merong bagong programang ibibigay kay Dolphy. Besides, lay low daw muna ang daddy niya sa showbiz dahil ayaw na nitong masyadong mapagod.

At any rate, 80% na ng Mano Po ang nakunan — susunod na pupunta ang grupo sa China.

All star cast ang movie — Eddie Garcia, Maricel Soriano, Boots Anson Roa, Ara Mina, Gina Alajar, Amy Austria among others.

The movie is in honor and memory of Mother Lily’s father and mother, isang matagal na pangarap na ngayon lang natupad para bigyan sila ng tribute.
*****
Dahil sa recognition sa Brussels Film Festival, na-convince na apat na movie theater sa Metro Manila na ipalabas ang five-hour experimental film ni Lav Diaz before the end of November. Ayon kay Joey Gosiengfiao, pumayag na ang apat na sinehan.

Kung matatandaan, rejected sa Manila Film Festival ang Batang West Side dahil walang movie theater ang gustong magpalabas ng pelikula dahil sa sobrang tagal. Pero na-realize rin nila na possibleng may market dahil ilang award na ang natanggap ng nasabing pelikula.
*****
Salve V.Asis’e-mail:[email protected]/[email protected]

AMY AUSTRIA

ARA MINA

DAHIL

ERIC

HOME ALONG DA RIBER

KRIS

MANO PO

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with