^

PSN Showbiz

Kailangan ng break ni Desiree!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Talagang may gustong patunayan si Desiree del Valle. Hindi lang ito nagpapakita ng kahusayan sa pag-arte, kundi pati hosting ay may ibubuga ito. Marami ang nakapansin ng hosting talent ni Desiree nang mag-host ito ng Himig Handog Love Songs noong Sunday. Very confident ito at hindi nakitaan ng nerbyos considering na isang song competition ang kanyang hinu-host.

Sabi nga ng isang babaeng katabi naming nanood ng awards night ng Himig Handog Love Songs, "Mahusay pala ang batang ’yan sa hosting. Sana mabigyan din ng break."

Pagdating sa acting, no doubt na napapansin talaga si Desiree bilang Bernadette sa teleseryeng Bituin ni Nora Aunor. Nakikipagsabayan talaga siya sa mga beteranang aktres ’tulad nina Nora, Cherie Gil, Celia Rodriguez at Cherrie Pie Pecache. Kahit sa Tabing Ilog, her first show ay nakitaan na ng husay sa acting si Desiree. No wonder, isa siya sa paborito ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.

Very popular na talaga si Desiree. Sa katunayan, ang popularidad niya ay napansin ng Harvard USA kung saan isa siya sa mga celebrity endorsers along with other teen idols Baron Geisler, Nikki Valdez, Matet de Leon, Danica Sotto at iba pa.
* * *
Perfect pala ang image ni Britney Spears sa image ng Harvard USA, isa sa mga leading shirt and jeans apparel sa bansa ngayon. ‘Yung pagiging fashionable at trendy ni Britney ay ang image na pinu-project ng Harvard USA. Kahit sa mga teen celebrities na endorsers ng Harvard ay mapapansin ang klase ng damit na sinusuot ni Britney. Nariyan sina Nikki, Desiree, Matet at Danica.

All out ang ipinapakitang suporta ng Harvard USA kay Britney. Kaya kung mapapansin ninyo ang naglalakihang billboard ng Harvard USA, ito ay bilang suporta kay Britney at sa self-titled album nito under Universal Records.

Naka-locate ang mga nasabing billboard sa SM North EDSA, Quezon Avenue at Quirino Avenue along South Super Highway. For more info about Britney and Harvard USA tie-up, visit http://www.harvard-usa.com.
* * *
Nadadalas ang mall tour ni Claudine Barretto lately. After Kailangan Kita mall tour, this time ay rarampa naman si Claudine along with Camille Prats in line with Secosona…In Style: The Mall Tour bukas, Biyernes sa SM North EDSA at 4 pm. Bukod sa fashion show, Claudine and Camille will provide song numbers kasama pa ang ibang artista ng ABS-CBN Talent Center.

Makakasama nina Claudine at Camille sina Luis Alandy, Baron Geisler, Rafael Rosell at Angelica Panganiban sa show. Sina JM Rodriguez at Patricia Ysmael ang mga hosts.

Sina Claudine at Camille ang dalawa sa mga celebrity image model ng Secosona Leather Bags. Ang series of mall tours ay bilang pasasalamat ng management sa publiko sa suportang ibinigay ng tao sa kanilang produkto.

Wish ko lang ay hindi maging sing-unruly ng mall tour ng Kailangan Kita ang mall tour ng Secosana. Dahil sa totoo lang, muntik nang ma-cancel ang ibang schedule mall tour ni Claudine with Aga Muhlach dahil hindi na magkamayaw ang tao.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGELICA PANGANIBAN

BARON GEISLER

BRITNEY

BRITNEY AND HARVARD

CLAUDINE

HARVARD

HIMIG HANDOG LOVE SONGS

KAILANGAN KITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with