^

PSN Showbiz

Bagong anghel sa Malacañang

RATED A - Aster Amoyo -
Alas-10:45 ng gabi nung nakaraang Lunes nang iluwal via caesarian section ni Angela Montenegro-Arroyo ang pinakabagong prinsesa ng Malacañang, si Mikaela Gloria Montenegro Arroyo, ang unang supling ni Pampanga Vice-Governor Mikey Arroyo, ang panganay na anak nina Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.

Napaaga ang paglabas ni Mika (palayaw ng bata) kaya wala sa tabi ni Angela ang kanyang mister nang siya’y magsilang. Dapat sana’y sa November 17 pa due ang baby pero lumabas na siya nung November 4. Ito’y tumitimbang ng 7 lbs. at 1 oz. at may habang 48 cm. Si Dr. Gerry Pastorfide ang obstetrician ni Angela at si Dr. Rivera naman ang pediatrician.

Si Mikey ay kasama ng kanyang ama (First Gentleman Arroyo) at nakababatang kapatid na si Dato sa San Francisco, California habang si Pangulong Arroyo ay nasa Phnom Pehn, Cambodia. Ang parents naman ni Angela na sina G. Herman at Gng. Charito Montenegro ay kasalukuyang nasa Baltimore, Maryland nang lumabas ang kanilang kauna-unahang apong babae.

Si Mikey ay dumating nung madaling araw ng Nov. 6 at agad dumiretso ng Makati Medical Center. The following day (Nov. 7) ay saka naman dumating si Pangulong Arroyo. Dumating din ang mag-asawang Herman at Charito.

Ayon kay Angela, masamang-masama ang kanyang loob dahil wala sa tabi niya si Mikey at nasa ibang bansa pero mabuti na lamang at hindi siya pinabayaan ng kanyang dalawang kapatid na sina Emilie at Rosemarie na siyang nagdala sa kanya sa hospital at hindi siya iniwanan hangga’t hindi natatapos ang operasyon.

Ganunpaman, ibang-iba ang atmosphere sa suite ni Angela kung saan din naroon si Mika dahil non-stop ang dating ng mga bisita. Kitang-kita rin namin ang pagiging proud parents nina Angela at Mikey na super excited sa kanilang unang supling.

Ayon kay Angela, palalakihin nila si Mika na puno ng pagmamahal at nakatakda niyang i-breastfeed ang kanyang panganay.

Punum-puno ng mga bulaklak at baloons ang kuwarto ng mag-inang Angela at Mika.

Ang hugis ng mukha ni Mika ay nakuha niya sa kanyang lola GMA, cheeks ng kanyang ama, ilong ng mga Montenegro at ang lips at chin ay kuha naman kay Angela.

Bago dumating si Mika, napaghandaan na ng kanyang mga magulang ang kanyang nursery room na may kulay pink na si Angela mismo ang nangasiwa.

Ayon sa mag-asawang Mikey at Angela, kumpleto na ang kanilang kaligayahan.
* * *
Sa kauna-unahang pagkakataon ay role ng isang super-hero ang ginagampanan ni Vic Sotto sa pelikulang Lastikman na planong ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival.

Ang Lastikman ay siyang kasagutan ng Philippine cinema sa Spiderman ng Hollywood. Tulad ng Darna at Dyesebel, ang Lastikman ay katha ng yumaong si Mars Ravelo.

Ayon sa OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad, ang pelikula ay ginastusan ng P35-M dahil sa marami nitong special effects.

Ang MTV-Asia VJ na si Donita Rose ang bidang babae. Kasama rin sa pelikulang pampamilya sina Jeffrey Quizon (na siyang kontrabida rito), Michael V., Elizabeth Oropesa, Evangeline Pascual, Anne Curtis, Oyo Boy Sotto, Michelle Bayle, Ryan Eigenmann at marami pang iba mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes. Ito’y co-production ng OctoArts Films at M-Zet Films.
* * *
Email:[email protected]

vuukle comment

ANGELA

ARROYO

AYON

KANYANG

LASTIKMAN

MIKA

MIKEY

PANGULONG ARROYO

SI MIKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with