^

PSN Showbiz

Kung hindi siya hubadera baka pinakasalan si Barbara Milano ng kanyang congressman bf

- Veronica R. Samio -
Wala namang panghihinayang si Barbara Milano na naging maikling panahon lamang inabot ang naging relasyon nila ni Congressman Noynoy Aquino. Six months lamang. Ganito rin diumano humigit kumulang tumagal ang naging relasyon niya kay Korina Sanchez. Pitong buwan. Kay Bernadette Sembrano lamang ito tumagal, mga tatlong taon pero, hiwalay na rin sila ngayon.

"Pumasok ako sa eksena makatapos ang episode nila ni Bernadette. Nagkakilala kami nung panahon ng huling eleksyon. Sinundan ito ng patagong mga dinner dates. Pumayag naman ako dahil ang hinabol ko lang naman ay ang pangalan niya. Pero, sa mga kaibigan niya, ipinakikilala niya ako.

"Para siyang hindi isang Aquino, napaka-down to earth niya. Palagi niya akong inihahatid pauwi. Madalas niya akong i-text.

"I believe, minahal din niya ako, kahit na minsan ay hindi niya ako sinabihan ng I Love You. Feeling ko nga kung hindi lang ako naghuhubad baka umabot pa kami sa mas seryosong relasyon.

"Madalas ang trabaho niya ang pinag-uusapan namin. Minsan tinawagan ko siya at sinabi ko na gusto ko ng bibingka. Twenty minutes lang, nasa gate na namin ang aide niya at may dala-dala na nito.

"Hindi ko alam kung bakit bigla ay tumigil na lamang ang mga tawag at pagti-text. Siguro naging busy na siya sa trabaho niya. Pero, tinanggap ko ito ng walang galit o anumang bitterness," ani Barbara. Wala pang kapalit ang congressman sa kanyang puso.

"Ayaw ko muna after three boyfriends. Sa tatlo, sa isa lang ako nakipag-live in, sa Chinese boyfriend ko. Nag-break kami ni Raffy Tulfo nang mapatunayan ko na may asawa na siya."

Isang tomboy si Barbara sa Sex Files. "May kissing scene kami ni Stella L. Na-ilang ako dahil first time ko na makipaghalikan sa isang babae."

Kasama sa sex trilogy movie sina Halina Perez at Pyar Mirasol, Danny Ramos, Pinky Amador, Richard Quan at marami pa. Direksyon ni Joven Tan.
* * *
Tinagalog ng ABS-CBN ang bago nilang action series na Alias. Isa itong Emmy nominated drama series na nagsimulang mapanood locally nung Okt. 28. Isa’t kalahating oras ang premiere showing nito pero, ang mga susunod na episode ay isang oras na lamang.

Tampok sa Alias sina Jennifer Garner (Pearl Harbor, Dude, Where’s My Car?), Victor Garber (Titanic) at Michael Vartan (love interest ni Drew Barrymore sa Never Been Kissed).

Tungkol sa 26 year old graduate (Sydney) na may perfect life, (may mapagmahal na nobyo, may magandang apartment at trabaho sa isang international bank). Ang hindi alam ng lahat, isa siyang ispiya para sa SD-6, isang branch ng CIA.

Namatay ang nobyo niya matapos niyang ipagtapat dito ang kanyang sikreto. Naniniwala siya na kagagawan ito ng mga taga-SD-6. Humingi siya ng tulong sa CIA pero, nagulat siya sa natuklasan niya.

Tutulungan siya ng kanyang ama na isa ring agent at isang opisyal ng CIA. Nakatakdang buwagin ni Sydney ang operasyon ng SD-6. Pero, sa likod nito, gustong mamuhay ng normal ni Sydney. Magawa kaya niya ito?

Bukod sa maaksyong eksena, madaling masusundan ang Alias dahil tinagalog ito. At ang mga nag-boses nito ay mga professional dubbers na nagboses na sa mga cartoon series ng ABS CBN na Cedie at Sarah, ang Munting Prinsesa.

AKO

BARBARA MILANO

BERNADETTE SEMBRANO

CONGRESSMAN NOYNOY AQUINO

DANNY RAMOS

DREW BARRYMORE

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with