"Pinahid ni Claudine ang luha ko"
November 5, 2002 | 12:00am
How time flies. October 1991 nang magsimula ako bilang movie writer. Although hindi movie writing ang unang trabaho ko, alam ko na sa pagsusulat sa showbiz ako patutungo. Bago ako naging full-time showbiz writer, isa akong information officer-writer sa Public Affairs Staff ng Department of Agrarian Reform. Time ni Miriam Defensor-Santiago.
Life in government service is not that fulfilling. Dahil nasa PR office ako ng DAR nagtatrabaho, marami akong nakilalang beat reporters. Lahat sila iisa ang sinasabi, subukan ko ang showbiz. Ni-recommend ako ni Maricris Valdez sa nasirang Leo Pita para magsulat. Maricris then was writing for the Agri-beat of Diyaryo Filipino (sister publication ng Daily Globe).
Pumasa ako sa test na ibinigay sa akin ni Mr. Pita. Naging regular writer ako sa nasabing pahayagan. May demand for everyday fresh news. At that time, nagtatrabaho pa rin ako sa DAR. I write my stories during night time.
After office hours, nagpupunta agad ako sa Broadway Centrum para mag-interbyu ng artista sa Thats Entertainment. Tuwing Sunday naman, sa Sa Linggo nAPO Sila o di kayay sa GMA Supershow. Dumaan ako sa matinding kahihiyan para makapasok sa studio lalot hindi pa ako naiisyuhan ng press ID. May mga naririnig din akong panlilibak mula sa mga kasamahan sa panulat. Pero naiintindihan ko yun dahil sino ba naman ako?
Until Diego Cagahastian, (our media consultant then at DAR) approached and asked me if I wanted to write for showbiz. Siyempre oo ang sagot ko. He reffered me to Ces Evangelista, editor noon ng Intrigue at Expose Magazine. Agad akong binigyan ni Tito Ces ng assignment. Si Alice Dixson ang first assignment ko.
Naging mabait sa akin ang iba pang editors ng GASI Group of Publications at naimbitahan na rin nila akong magsulat sa kanilang magazine. Hindi ko malilimutan ang suportang ibinigay sa akin noon nina Monching Jaramillo (now assistant editor ng Star Studio Magazine), Lucille Jarina (naka-base sa Chicago, USA), Joven Tan (now a film director), Susan Paguio, Joseph Gonzales (now Hot Copy Magazine editor) at Glenn Marcelo (Regals top PR man).
Naging mabilis ang takbo ng panahon. Hindi sa pagmamayabang, may pagkakataon na puro articles ko ang nababasa sa mga magazines. Kabuntot nun ay ang pressure sa work ko sa DAR. It was then na nag-decide akong mag-resign sa DAR.
At nakilala ko ang mga bigating tao sa showbiz, si Ethel Ramos. Regular akong naiimbitahan sa mga presscons niya sa Regal, Golden Lions, Viva at Star Cinema. Isa kami sa ilang reporters na isinama ni Manay Ethel sa bahay noon ni Aga para mainterbyu ito.
Si Douglas Quijano ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na mainterbyu ang mga alaga niyang sina Richard Gomez, Joey Marquez. Anjo Yllana, Janice at Gelli de Belen, Jomari Yllana, Aiko Melendez, Carmina Villaroel, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez. Si Tito Douglas din ang unang nagdala sa akin sa Hongkong, Thailand, Boracay, Camiguin, Davao at Bohol.
Sina Manay Ethel at Tito Douglas din ang nagbukas ng pinto namin for bigger opportunities in this business. Habambuhay kong tatanawin ang utang na loob na yun.
Kinuha rin akong writer ni Inday Badiday sa mga prinodyus niyang shows like Isang Tanong, Isang Sagot at Planet Loca Presents. At si Tita Aster naman sa Inside Showbiz with Anselle Beluso.
Sa pagtakbo ng panahon, dumami pa ang aking mga naging kaibigan. Bukod sa mga nauna ko nang binanggit, hindi ko malilimot ang suportang ibinigay sa akin noon at ngayon nina Ina Raymundo, Jojo Veloso, Cris Villanueva, Kristina Paner, Herbert Bautista, Amado Tan, Dolor Guevarra, Boots Plata, Aster Amoyo, Oskee Salazar (RIP) at marami pang supporters.
Ngayon kahit papaano, in my 11 years in the business, may na-achieve na ako. Hindi man medalya o tropeo, kundi ang karangalan na nakuha ko, ang respeto ng artista, managers, producers, colleagues from the press, fans at mga readers especially ng pahayagang ito at sa iginagalang kong editor na si Ms. Veronica Samio at associate niyang si Ms. Salve.
At sa mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon, bukod sa aming pamilya na sina Johnny Manahan, Mariole Alberto, Charo Santos, Richard & Carol Chuateco, Deo Endrinal, Roxy Liquigan at marami pang iba na baka pag-inisa-isa ko ay hindi kasya ang space sa kolum ko.
At higit sa lahat, ang tanging artista na nagpunas ng luha ko sa mga panahon na inakala kong hindi ko na kaya ang sakit na pinagdaanan ko, si Claudine Barretto. Walang sinumang artistang pwedeng pumantay sa friendship na meron kami ni Claudine.
Kay Claudine, sa mga kaibigan, katrabaho, sa pamilya at sa lahat na naging parte ng buhay ko at ng labing isang taon ko sa industriyang ito, hindi ko kayo makakalimutan. Sa puso ko, kayo ang number one.
Life in government service is not that fulfilling. Dahil nasa PR office ako ng DAR nagtatrabaho, marami akong nakilalang beat reporters. Lahat sila iisa ang sinasabi, subukan ko ang showbiz. Ni-recommend ako ni Maricris Valdez sa nasirang Leo Pita para magsulat. Maricris then was writing for the Agri-beat of Diyaryo Filipino (sister publication ng Daily Globe).
Pumasa ako sa test na ibinigay sa akin ni Mr. Pita. Naging regular writer ako sa nasabing pahayagan. May demand for everyday fresh news. At that time, nagtatrabaho pa rin ako sa DAR. I write my stories during night time.
After office hours, nagpupunta agad ako sa Broadway Centrum para mag-interbyu ng artista sa Thats Entertainment. Tuwing Sunday naman, sa Sa Linggo nAPO Sila o di kayay sa GMA Supershow. Dumaan ako sa matinding kahihiyan para makapasok sa studio lalot hindi pa ako naiisyuhan ng press ID. May mga naririnig din akong panlilibak mula sa mga kasamahan sa panulat. Pero naiintindihan ko yun dahil sino ba naman ako?
Until Diego Cagahastian, (our media consultant then at DAR) approached and asked me if I wanted to write for showbiz. Siyempre oo ang sagot ko. He reffered me to Ces Evangelista, editor noon ng Intrigue at Expose Magazine. Agad akong binigyan ni Tito Ces ng assignment. Si Alice Dixson ang first assignment ko.
Naging mabait sa akin ang iba pang editors ng GASI Group of Publications at naimbitahan na rin nila akong magsulat sa kanilang magazine. Hindi ko malilimutan ang suportang ibinigay sa akin noon nina Monching Jaramillo (now assistant editor ng Star Studio Magazine), Lucille Jarina (naka-base sa Chicago, USA), Joven Tan (now a film director), Susan Paguio, Joseph Gonzales (now Hot Copy Magazine editor) at Glenn Marcelo (Regals top PR man).
At nakilala ko ang mga bigating tao sa showbiz, si Ethel Ramos. Regular akong naiimbitahan sa mga presscons niya sa Regal, Golden Lions, Viva at Star Cinema. Isa kami sa ilang reporters na isinama ni Manay Ethel sa bahay noon ni Aga para mainterbyu ito.
Si Douglas Quijano ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na mainterbyu ang mga alaga niyang sina Richard Gomez, Joey Marquez. Anjo Yllana, Janice at Gelli de Belen, Jomari Yllana, Aiko Melendez, Carmina Villaroel, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez. Si Tito Douglas din ang unang nagdala sa akin sa Hongkong, Thailand, Boracay, Camiguin, Davao at Bohol.
Sina Manay Ethel at Tito Douglas din ang nagbukas ng pinto namin for bigger opportunities in this business. Habambuhay kong tatanawin ang utang na loob na yun.
Kinuha rin akong writer ni Inday Badiday sa mga prinodyus niyang shows like Isang Tanong, Isang Sagot at Planet Loca Presents. At si Tita Aster naman sa Inside Showbiz with Anselle Beluso.
Ngayon kahit papaano, in my 11 years in the business, may na-achieve na ako. Hindi man medalya o tropeo, kundi ang karangalan na nakuha ko, ang respeto ng artista, managers, producers, colleagues from the press, fans at mga readers especially ng pahayagang ito at sa iginagalang kong editor na si Ms. Veronica Samio at associate niyang si Ms. Salve.
At sa mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon, bukod sa aming pamilya na sina Johnny Manahan, Mariole Alberto, Charo Santos, Richard & Carol Chuateco, Deo Endrinal, Roxy Liquigan at marami pang iba na baka pag-inisa-isa ko ay hindi kasya ang space sa kolum ko.
At higit sa lahat, ang tanging artista na nagpunas ng luha ko sa mga panahon na inakala kong hindi ko na kaya ang sakit na pinagdaanan ko, si Claudine Barretto. Walang sinumang artistang pwedeng pumantay sa friendship na meron kami ni Claudine.
Kay Claudine, sa mga kaibigan, katrabaho, sa pamilya at sa lahat na naging parte ng buhay ko at ng labing isang taon ko sa industriyang ito, hindi ko kayo makakalimutan. Sa puso ko, kayo ang number one.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended