Pa-Ingles-ingles pa ang young actress, mali naman!
October 30, 2002 | 12:00am
Mahilig magsalita ng Ingles, pa-impress kumbaga ang sikat na young actress pero mali naman ang grammar. Kaya nga sabi ng aking source na kasamahan din niya sa industriya na sanay mag-Tagalog na lang siya. "Hindi niya alam na pinagtatawanan lang siya kapag nakatalikod na siya. Maganda ang wikang Tagalog kaya bakit ikinahihiya niya ito," sey ng mataray ding aktres.
Talent ng isang malaking network ang young actress na may kapatid ding artistang bagets.
Hanga si Direk Mel Chionglo sa pagiging propesyonal ni Ara Mina sa pelikulang Two Timer ng Regal Entertainment. Tatlong beses sa bawat tatlong lalaki ang ginawa nitong sex scenes. Kabilang sa mga kalalakihan ay sina Alex del Rosario na nakaromansa ng aktres sa convenience store, Jon Romano sa loob ng bilangguan at ang pinakamatindi ay kay Fernando de Asis, isang stuntman, sa bloke ng mga yelo. "Nanlupaypay talaga si Ara matapos ang mga sex scenes na dalawang araw ginawa kung saan natapos ito ng alas-singko ng umaga. Nakakabilib ang kanyang pagiging propesyonal. Sabi nga niya sa akin ay hindi siya dapat tawaging two-timer kundi multi-timer dahil sa maraming eksena," sey ni Direk Mel.
Ayon pa rin sa direktor ay walang sex scenes na ginawa sa kama dahil istrikto pala ang MTRCB pagdating dito kaya ang ginawa nila ay kinunan ang mga lovescenes nila ni Wendell Ramos sa swimming pool o kayay habang nagsa-shower. Yung kanila naman ni Albert Martinez ay ginawa sa carpet at toilet bowl. Walang kamang ginamit kundi sa Persian carpet pa ayon kay Direk Mel.
Ang nakakatuwa ay si Ara pa ang nag-guide sa mga baguhang lalaking makaka-lovescene niya habang ginagawa ang pelikula.
Kahit baguhan pa lang si Madam Violet (Violeta Sevilla) ay alam na nito ang pagpapatakbo ng kanilang Violet Films na pinagtutulungan nilang magpa-pamilya, ang kanyang mister at tatlong anak na lalaki. Kumita ang una nilang pelikulang Cas & Carrie.
Sa ikalawang proyekto nila na Magnifico Magikero ay may mabigat na casting Albert Martinez, Lorna Tolentino, Amy Austria, Tonton Gutierrez at Gloria Romero na paboritong aktres ng produ. Itoy sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes at tinatayang humigit kumulang sa 15 milyon piso ang budget.
Maingat makisama si Madam Violet at inaming may isang tao rin na alam niyang nanloko sa kanya sa initial venture nila pero ginamitan nito ng reverse psychology at di siya nagalit. Tuloy pa rin siya sa pagpoprodyus ng mga wholesome movies lalo na ng drama at komedi. Hindi naman siya nagsasalita ng patapos dahil baka gumawa rin siya ng sexy movie someday na matino.
Pangarap din ni Madam Violet na makapag-release ng mga international films for the local market balang araw at makadalo sa ibat ibang film festival sa abroad at maging award-winning ang kanyang pelikula.
Maraming nangungumusta sa prodyuser ng Solar Films na si Wilson Tieng na sumailalim ng kidney transplant last July.
Magaling na magaling na ang mabait na produ at nakakalabas na ito pero doon lang sa malapit sa kanilang tirahan sa Forbes Park. Dumadalo na ito sa meeting ng kompanya kaya lang kailangang hanggang dalawang oras lang siya at balik na naman ng bahay. Nagmukha siyang bata after the transplant at ngayon ay mabuti na ang pakiramdam. Nami-miss na niya ang mga trabaho sa opisina gayundin sa Metro Manila Film Festival Philippines kung saan siya ang chairman ng Media Relations. May assistant naman sa katauhan ng masipag na si John Suarez. Sa January ay balik na uli sa kanyang trabaho si Wilson.
Talent ng isang malaking network ang young actress na may kapatid ding artistang bagets.
Ayon pa rin sa direktor ay walang sex scenes na ginawa sa kama dahil istrikto pala ang MTRCB pagdating dito kaya ang ginawa nila ay kinunan ang mga lovescenes nila ni Wendell Ramos sa swimming pool o kayay habang nagsa-shower. Yung kanila naman ni Albert Martinez ay ginawa sa carpet at toilet bowl. Walang kamang ginamit kundi sa Persian carpet pa ayon kay Direk Mel.
Ang nakakatuwa ay si Ara pa ang nag-guide sa mga baguhang lalaking makaka-lovescene niya habang ginagawa ang pelikula.
Sa ikalawang proyekto nila na Magnifico Magikero ay may mabigat na casting Albert Martinez, Lorna Tolentino, Amy Austria, Tonton Gutierrez at Gloria Romero na paboritong aktres ng produ. Itoy sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes at tinatayang humigit kumulang sa 15 milyon piso ang budget.
Maingat makisama si Madam Violet at inaming may isang tao rin na alam niyang nanloko sa kanya sa initial venture nila pero ginamitan nito ng reverse psychology at di siya nagalit. Tuloy pa rin siya sa pagpoprodyus ng mga wholesome movies lalo na ng drama at komedi. Hindi naman siya nagsasalita ng patapos dahil baka gumawa rin siya ng sexy movie someday na matino.
Pangarap din ni Madam Violet na makapag-release ng mga international films for the local market balang araw at makadalo sa ibat ibang film festival sa abroad at maging award-winning ang kanyang pelikula.
Magaling na magaling na ang mabait na produ at nakakalabas na ito pero doon lang sa malapit sa kanilang tirahan sa Forbes Park. Dumadalo na ito sa meeting ng kompanya kaya lang kailangang hanggang dalawang oras lang siya at balik na naman ng bahay. Nagmukha siyang bata after the transplant at ngayon ay mabuti na ang pakiramdam. Nami-miss na niya ang mga trabaho sa opisina gayundin sa Metro Manila Film Festival Philippines kung saan siya ang chairman ng Media Relations. May assistant naman sa katauhan ng masipag na si John Suarez. Sa January ay balik na uli sa kanyang trabaho si Wilson.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended