700 Club nasa ABS-CBN na
October 28, 2002 | 12:00am
"On November 28 to be exact, I was watching TV until umabot na ng twelve at saka wala na yong mga regular programs, so change, change channels ako until nakita ko na yon. Im familiar with The 700 Club although hindi ako nanonood." I dont know why that evening, that particular evening, parang something made me watch it... until I have reached the portion na, see this guy, whom I later found out to be Peter Kairuz, he said something like theres a lady out there who is in constant pain.
"I said to myself, Ako yan, ako yan. So, sinabayan ko yong prayer niya. This is exactly what I said, Sige nga, Lord, pagalingin mo nga ang sakit ko."
Ito ang pahayag ni Joanne Saldaña, isang 42-year-old na area manager ng isang savings and loan association sa Davao. Dahil sa sakit ng kanyang likod sanhi ng slipped disc, madalas na naka-painkillers siya para lang magampanan niya ang mga karaniwang gawain sa araw-araw. Ang halos mabaluktot niyang likod ang makapagpapatunay sa nararamdaman niyang sakit. Pero mula nang gabing iyong na sinabayan niya ang panalangin ni Peter ang host ng The 700 Club Asia, para sa kagalingan nang sabihin nitong "isang babaeng nanonood ang dumaranas ng malubhang pananakit ng kanyang likod ang makatatanggap ng kagalingan," kuwento niya. "Im not a doctor. I will not claim na nabalik yong disc, yong slipped. What Im claiming out now is talagang wala na yon pain na... pwede (lang) mawala kung may tine-take pa akong steroid."
Pagkatapos ng isang taon, patuloy na nagpapatunay si Joanne na nakatanggap siya ng instant healing nang gabing iyon, na ang sakit na pinagdusahan niya ng mahabang panahon, sa isang iglap ay nawala. Ang sakit ng kanyang likod ay gumaling nang manalig siyang may pagtitiwala kay Hesus.
Ang kuwento ni Joanne ay isa lamang sa mga kuwento ng himala na nasasaksihan natin sa The 700 Club Asia. Bagaman ang layunin na magdala ng himala ng Diyos sa bawat tahanan ay matayog na hangarin, ang limang taon na pamamalagi nito sa telebisyon ang makapagpapatunay na walang imposible sa Diyos. Sa katunayan, ang international version na The 700 Club, na itinatag ni Pat Robertson, ay may 26 taon nang napapanood sa Pilipinas, at higit na 35 taon sa Amerika. Ito ang pinakamatagal na Christian program sa telebisyon. Ito ay napapanood din sa 180 countries at naisalin na sa 70 wika.
Dala ang yaman ng mga pagpapala ng Diyos at mga himalang ginawa Niya sa buhay ng mga manonood sa bago nitong tahanan sa ABS-CBN mula Nobyembre 4, 12:30 ng gabi, pagkatapos ng Martin Late @Nite.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended