^

PSN Showbiz

Biggest pakulo ng GMA sa SOP ngayon

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Marami na ang nag-aabang kung ano ang sinasabing biggest happening ng GMA Network for the year 2002, na magaganap sa SOP.

Isang GMA insider ang nakausap ko na nagbulong na sikreto pa ang lahat ng kaganapan sa show ngayong Linggo ng tanghali.

Mukhang isang malaking palaisipan din ito para sa mga televiewers. Ano na naman kaya ang importanteng move na ito ng Siyete? Ito ba’y para marektahang muli nila ang Dos?

Sabi naman ng aking informer nothing of this sort. Ang biggest event na sinasabi nila ay may kinalaman sa pagbabagong bihis sa corporate image ng network.

Una ay ang unveiling sa labas ng GMA Network Center building ng kanilang bagong logo. Ang paninigurado sa akin ng aking source, di naman buong-buong binago ang pinakasimbolo ng kompanya. Nandoon pa rin ang makulay na rainbow pero iba na ang tipong ginamit sa mga letrang GMA. Ayon sa nagbalita sa amin ay higit na malakas ang dating ng bagong GMA logo, na pinagtulungang buuin ng creative department staff ng network.

Siyempre maririnig din ang bagong GMA company anthem na ang pinakatema ay "Kapuso". Kung anuman ang ibig nilang sabihin dito, manuod na lang tayo ng SOP today simula alas-onse y medya ng tanghali.

Sa labas ng GMA Network ay magtatayo pa ng stage para bongga talaga ang unveiling na gagawin sa harap ng building. Pangungunahan nina Vic Sotto at Joey de Leon ang mga special guests ng SOP sa araw na ito. Natural nandoon lahat ng mainstays ng show na patuloy na umaarangkada sa ratings.
* * *
Ang bulong sa amin ay may nag-alok na kay Vic Sotto ng isang sitcom ang kabilang network. Very tempting daw ang offer pero di tinanggap ni Bossing. Believe rin naman ako sa loyalty niya.

Inaabangan din ng ibang network ang pag-expire ng contract ng Eat Bulaga with GMA. Nakahanda na silang magbigay ng magandang alok. Kaso nag-renew ng pact ang TAPE (ni Tony Tuviera na producer ng Eat Bulaga) at ang GMA. So, tuloy ang ligaya na Channel 7 pa rin ang longest running variety show at hinding-hindi sila lilipat ng istasyon kahit langit at lupa ang itapat sa kanila.
* * *
Nabulabog ang mga tagahanga ni Piolo Pascual nang may lumabas na may frontal nudity siya sa Dekada ‘70.

Agad namang pinaliwanag ng aktor kung ano ang naganap sa naging kontrobersyal na eksena.

Sabi ni Piolo, totoong hinubaran siya sa torture scene na ‘yon. Pero ang makikita lang daw ay ang kanyang behind in its naked glory. Tiniyak niya na hinding-hindi makikita ang kanyang harapan.

Okey lang naman kung may ipakikita ka, Piolo. Saka maraming matutuwa at magiging come-on ito ng pelikula, na kung tutuusin ay bahagya ng limot ng mga Pinoy ang lumipas na panahong ‘yon.

Maganda ang nobelang ito ni Lualhati Bautista. Sana ma-translate ng maayos sa pelikula.
* * *
Talagang ang Sex Bomb Dancers ang pinakasikat na dance group ngayon. Kahit saan sila magpunta ay katakot-takot na security ang kailangan dahil sila ay dinudumog ng kanilang mga tagahanga–bata, matanda, babae, lalake, tomboy man o bakla.

Noong nakaraang linggo, nang mag-promote sila ng "I Like & Other Dance Hits" album ng Universal Records, breaking the record sa benta at sa attendance. Umabot naman sa P114,000 ang binenta ng "I Like" album na sinasayaw nila.

Naalala ko tuloy ang Universal Motion Dancers. Noong heyday nila, kahit ano ang ipasayaw sa UMD bumebenta ng husto, hanggang sa magwatak-watak na nga sila.

CENTER

EAT BULAGA

GMA

I LIKE

LUALHATI BAUTISTA

NETWORK

NETWORK CENTER

NOONG

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with