Bong inirekomenda si Rufa Mae kay Daboy
October 23, 2002 | 12:00am
Si Bong Revilla ang nag-rekomenda kay Rufa Mae Quinto para makapareha ni Rudy Fernandez sa Hula Mo, Huli Ko!, possible entry ng Reflection Films, sariling outfit ni Daboy, sa nalalapit na Metro Manila Film Festival Philippines. Isa ito sa 10 pelikula na pagpipilian para makuha ang Magic 7 entries.
Matatandaan na bagaman at patuloy pa rin ang denial nina Bong at Rufa Mae na mayroon silang relasyon, walang gustong maniwala. At kung si Bong ay na-in love sa seksing aktres, walang dahilan para hindi rin mag-fall si Daboy sa kaseksihan at kakalugan ng kanyang bagong kapareha.
Uno Corinto ang orihinal na titulo ng Hula Mo, Huli Ko?! Tungkol ito sa satanismo. Si Daboy ay isang ditektib na nag-iimbestiga ng pagkamatay ng maraming pari na ang suspek ay isang kulto na pinamumunuan ng isang tusong lider. Nakilala niya ang clairvoyant na si Rufa Mae na nagkakatotoo ang mga hula pero, walang maniwala sa kanya dahilan sa kanyang itsura. Masyado siyang seksi para maging isang manghuhula. Nakakatawa rin siya. Pero, nakatulong siya para mahuli ni Daboy ang mga satanista at ang lider nila.
Along the way, nagka-inlaban ang dalawa.
Nakita ni Daboy na sa kabila ng kaseksihan ng manghuhula ay isang malungkot na babae na naghahanap ng kalinga at hustisya.
Unang inalok kina Maricel Soriano at Judy Ann Santos ang role ni Rufa Mae. Hindi nila tinanggap dahil may iba silang ginagawa. "Okey lang, di ba? At least ka-level ko na pala sina Maricel at Judy Ann... biro lang. Very proud at happy ako na makapareha si Daboy."
Co-star nila sa movie na nasa direksyon ni Boy Vinarao sina Carlos Morales, Jenine Desiderio, Menggie Cobarrubias, Patrick dela Rosa, Jazmine Reyes, Mike Gayoso, Alvin Anson, Jemalyn Estrada, Gerald Ejercito, Joey Padilla, Romy Mallari, Mel Kimura at Mely Tagasa.
Susubukan ko pa lamang kung tatalaban ako ng Head & Shoulders Scalp Moisturizing na ipinamamarali na kaya nilang iligtas ang anit sa panunuyo. Napakarami ko na kasing shampoo na ginamit, lahat ay walang nagawa para matanggal ang panunuyo ng aking anit. Para pa rin akong ahas na nagbabalat every after shampoo. May dermatologist na nakapag-rekomenda ng isang magaling na shampoo (Fonghai) pero, sa kasamaang palad ay mahirap itong makita sa drugstores.
Kapag napagaling ako ng Head & Shoulders na may programang "Save Our Scalp" at ini-endorso ngayon ni Kristine Hermosa, babalitaan ko kayo. Kapag hindi, sasabihin ko pa rin sa inyo.
Samantala, pambihira na akong sumpungin ng aking vertigo. Kundi pa ako bumalik kay Dr. Gary Sy ng Life Extension Center, hindi pa ako titigilan ng araw-araw na pagkahilo. Now Im back to my Gerovital H3 treatment. And Ive never felt so good. Kayo, kung tulad ko kayong may vertigo, go kayo sa tinaguriang "Doktor ng Masa". Sigurado akong may magagawa siya para sa inyo. Di ba Manay Letty and Noi?
Matatandaan na bagaman at patuloy pa rin ang denial nina Bong at Rufa Mae na mayroon silang relasyon, walang gustong maniwala. At kung si Bong ay na-in love sa seksing aktres, walang dahilan para hindi rin mag-fall si Daboy sa kaseksihan at kakalugan ng kanyang bagong kapareha.
Uno Corinto ang orihinal na titulo ng Hula Mo, Huli Ko?! Tungkol ito sa satanismo. Si Daboy ay isang ditektib na nag-iimbestiga ng pagkamatay ng maraming pari na ang suspek ay isang kulto na pinamumunuan ng isang tusong lider. Nakilala niya ang clairvoyant na si Rufa Mae na nagkakatotoo ang mga hula pero, walang maniwala sa kanya dahilan sa kanyang itsura. Masyado siyang seksi para maging isang manghuhula. Nakakatawa rin siya. Pero, nakatulong siya para mahuli ni Daboy ang mga satanista at ang lider nila.
Along the way, nagka-inlaban ang dalawa.
Nakita ni Daboy na sa kabila ng kaseksihan ng manghuhula ay isang malungkot na babae na naghahanap ng kalinga at hustisya.
Unang inalok kina Maricel Soriano at Judy Ann Santos ang role ni Rufa Mae. Hindi nila tinanggap dahil may iba silang ginagawa. "Okey lang, di ba? At least ka-level ko na pala sina Maricel at Judy Ann... biro lang. Very proud at happy ako na makapareha si Daboy."
Co-star nila sa movie na nasa direksyon ni Boy Vinarao sina Carlos Morales, Jenine Desiderio, Menggie Cobarrubias, Patrick dela Rosa, Jazmine Reyes, Mike Gayoso, Alvin Anson, Jemalyn Estrada, Gerald Ejercito, Joey Padilla, Romy Mallari, Mel Kimura at Mely Tagasa.
Kapag napagaling ako ng Head & Shoulders na may programang "Save Our Scalp" at ini-endorso ngayon ni Kristine Hermosa, babalitaan ko kayo. Kapag hindi, sasabihin ko pa rin sa inyo.
Samantala, pambihira na akong sumpungin ng aking vertigo. Kundi pa ako bumalik kay Dr. Gary Sy ng Life Extension Center, hindi pa ako titigilan ng araw-araw na pagkahilo. Now Im back to my Gerovital H3 treatment. And Ive never felt so good. Kayo, kung tulad ko kayong may vertigo, go kayo sa tinaguriang "Doktor ng Masa". Sigurado akong may magagawa siya para sa inyo. Di ba Manay Letty and Noi?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended