Ara hindi kailangan ng droga
October 21, 2002 | 12:00am
Pansamantalang sinabik ni Ara Mina ang mga kalalakihang manonood na niregaluhan niya ng mga basang-panaginip nung sunud-sunod ang mga ginagawa niyang pelikulang hubaran.
Maraming nagsabi noon na titigil na sa pagpapaseksi sa iskrin ang magandang dalaga dahil pinagbabawalan ng kanyang ama, pero tsismis lang pala ang lahat, dahil ngayon ay heto na uli si Ara Mina sa pelikulang Two Timer ng Regal Films.
Napanood na namin ang trailer ng Two Timer at very Ara ang resulta ng produkto ni Direk Mel Chionglo, parang umiinom lang ng kape sa umaga sa pakikipagtalik ang dalaga kina Albert Martinez at Wendell Ramos.
Magmamano kay Ara ang mga kasabayan niyang sexy stars sa init ng kanilang mga eksena sa pelikulang ito, hubad kung hubad ang laban ng dalaga.
Kunsabagay ay kabaligtaran ng kanyang tunay na personalidad si Ara sa pelikula, kung ano ang hinhin niya sa tunay na buhay na parang hindi makapapatay ng kahit langaw, ay ganun naman siya kapalaban sa iskrin.
Nung minsan ngang makakuwentuhan namin si Ara ay tinanong namin siya kung totoo bang kailangang sumailalim pa muna sa magneto ng droga ang isang sexy star para lang walang hiya-hiya itong makapagpakita ng katawan?
Kaswal lang ang kanyang sagot, wala siyang gustong sagasaan, pero sa mga panahong kinukunan ang mga eksena niyang hubaran ay nasa katinuan siya at wala sa ilalim ng kapangyarihan ng droga.
"Ewan ko lang po sa iba, pero sa akin, hindi ko na kailangan pang gumamit ng ganun para lang magawa ko ang gusto ng direktor ko," pahayag ni Ara.
Ang pambalanse raw niya sa kanyang mga ginagawa ay ang katwirang trabaho lang yun, talagang kailangan lang niyang gawin, dahil yun ang hinihingi ng kanyang karakter sa pelikula.
"Basta bago mag-take, hindi na ako si Ara, yung role nang ginagampanan ko ang umaarte," sabi pa niya.
Gumagawa man siya ng pelikulang hubaran ay ipinagmamalaki naman ng dalaga ang ibang proyektong ginagawa niya, tulad ng Mano Po, na opisyal na lahok ng Regal Films sa darating na MMFF.
"Kung sobra-sobrang katawan ko ang makikita nila rito sa Two Timer, sa Mano Po naman, kumbinasyon ng katawan at acting ang makikita nila.
"Pero hindi ko naman sinasabing hindi ko ginalingan ang acting ko dito, nandun na yun, dahil Mel Chionglo ang direktor ko," katwiran pa ng dalaga.
Kasabay ng paggawa niya ng pelikula ang pagtutok pa rin sa kanyang pinasukang negosyo, ang Osteria, isang kilala nang Italian restaurant sa Tomas Morato na isa siya sa tatlong may-ari.
Kapag maluwag ang kanyang iskedyul ay dun lang matatagpuan si Ara, personal niyang tinitingnan-pinamamahalaan ang pagpapatakbo sa kanyang negosyo.
"Iba po kasi pag personalized ang service, mas gusto ng mga kliyente ang ganun, saka kailangan ko talagang gawin para maalagaan nang husto ang negosyo.
"Kung basta magtatayo ka lang kasi ng negosyo at ipauubaya mo ang pagpapatakbo sa ibang tao, matatalo ka lang.
"May inalis na kaming staff ng Osteria, nahuli kasi namin na may nangyayari na palang anomalya sa loob, wala pa kaming kaalam-alam.
"So, kung sino ang may maluwag na schedule sa amin ng mga kasosyo ko, we always see to it na may nakakapunta sa amin sa Osteria," kuwento pa ng magandang dalaga.
Ibang-iba na ngang kausap ngayon si Ara Mina, malawak at malayo na ang nararating ng kanyang utak, hindi na siya tulad nang dati na todo-pasa lang sa buhay at parang walang pakialam.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended