^

PSN Showbiz

Nag-pelikula na si Karylle!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Marami nang tinanggihang mga telemovies, teledrama at iba pang alok para siya umarte. Lahat tuloy ng mga showbiz insiders ay nagsasabing tila hindi talaga siya desididong pasukin at maging seryoso sa larangang ito.

Kailan lamang ay dumating sa amin ang balitang turned down na naman kay Karylle ang isang lead role sa isang sisimulang teleserye, kahit na ang papel na ibinibigay sa kanya ay isang singer. So hindi na siya masyadong mahihirapan dahil mang-aawit naman talaga siya.

Pinag-isipan tuloy namin kung ilang alok pa kaya ang kanyang tatanggihan at ano bang proyekto ang kailangan upang makumbinse ang may pagka-conservative na dalaga ni Zsazsa Padilla.

Nagulat nga kami nang si Karylle mismo ang nagbalitang lalabas na siya sa pelikula–at sa isang pang-Metro Manila Film Festival pa!

Kaya naman pala tanggap agad bigla si Karylle sa alok na isang cameo appearance at ang gagampanan pa niya ay isang fairy sa Agimat ni Lolo na bida ang mag-amang Bong at Jolo Revilla.

Siyempre bilang isang diwata, walang kissing scene si Karylle at talagang balot ang kanyang katawan sa costume.

Pero kahit ganoon ka-simple ang role niya, very excited pa rin si Karylle. First movie appearance niya ang Agimat ni Lolo.

Malay naman natin, baka mag-enjoy si Karylle sa kanyang movie debut at masundan na ito ng isang full-length role.

Malaki rin kasi ang maitutulong ng visibility sa singing career ni Karylle. Tulad nga nang manalo siya ng dalawang MTV Awards, ng Aliw at Awit Awards, tumaas bigla ang popularity niya. Naging in-demand siyang bigla sa mga live shows, di lamang around Metro Manila, kundi pati sa mga probinsya at sa abroad pa.

Malamang, matuloy din ang isang sasamahang U.S. tour ni Karylle, before the year ends. Sana pagbalik niya sa ating bansa, handa na niyang harapin ang isang tunay na showbiz career.

At sana, wala namang pumipigil sa very talented daughter ni Dr. M. Tatlonghari.
* * *
Maging si Jolina Magdangal ay excited din sa kanyang movie with Dolphy, ang Home Along Da River kasama sina Zsazsa Padilla at Vandolph.

Official entry din sa 2002 Metro Manila Filmfest ang Home Along Da River, kaya’t panay ang shooting nila upang makahabol sa deadline next month.

Sabi ni Jolina, working with the Comedy King and the rest of Home Along. . . cast ay tila hindi siya nagtatrabaho. Masayang-masaya sila sa set kahit kung minsan ay talagang magdamagan ang shooting.

Maraming mga personal appearances at live concerts ang hindi natanggap ni Jolina habang ginagawa ang pelikula. Ayaw niya kasing maging COD. (cause of delay). Ganyan ka-professional si Jolens kaya’t sinakripisyo niya muna ang ilang shows na malaki rin naman ang talent fee.
* * *
Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Jeanne Young na finalist sa Catholic Mass Media Awards bilang Album of the Year ang "The Power Of Your Love" na tampok ang "Only Selfless Love" na theme song sa darating na World Meeting of Families na gaganapin sa ating bansa sa Enero 2003.

Pawang magagandang inspirational at spiritual songs ang laman ng "Power Of Your Love" album at marami pang mga musical personalities, ang nag-perform dito.

Tulad ni Mikee Cojuangco-Jaworski na binabati namin sa pagkapanalo ng gold medal sa equestrian sa katatapos na 2002 Asian Games sa Busan, South Korea ay kinanta ang "Please Know My Child", kasama ang kanyang son na si Robbie.

First attempt ni Mikee ito sa recording, dahil nakumbinse siya ng album producer na si Jeanne Young, for a worthy cause. Pag ganitong mga project pala ay okey kay Mikee at pinayagan naman siya ng kanyang very efficient at mabait na manager na si Girlie Rodis.

Noon ngang first public appearance ng "The Power of Your Love" album sa anniversary ng Couples For Christ, doon sa Riverbank, Marikina, isa si Mikee at si Robbie sa mga performers from the album. Siyempre naman naging isa sa mga most applauded ang mag-ina dahil nagulat din silang puwedeng-puwedeng kumanta ang Asian Games equestrian champion.

Inuulit ko, congratulations Mikee sa karangalang bigay mo sa ating bansa.

AGIMAT

ASIAN GAMES

HOME ALONG DA RIVER

ISANG

JEANNE YOUNG

KARYLLE

SIYA

ZSAZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with