Morning Girls titigbakin na rin
October 19, 2002 | 12:00am
Bigo ang ABS-CBN na muling makuha ang Eat Bulaga dahil muli itong nag-renew ng contract sa GMA-7.
Balak sana ng Star Network na kuning muli ang Eat Bulaga na hindi mapataob-taob ng sarili nilang produced noontime program, ang MTB.
Although maiiwan sa GMA ang Eat Bulaga wala pa ring kasiguruhan kung ganundin sa kaso ni Vic Sotto na kinukuha rin ng ABS-CBN to star in his own weekly sitcom.
May isang balita ring kaming nasagap na hanggang December of this year na lamang ang Morning Girls nina Pops Fernandez, Zsazsa Padilla at Carmina Villaroel dahil hindi umano ito pumapalo sa rating. Kapag hindi umano nagbago ang takbo ng ratings nito, mapipilitan ang management ng ABS-CBN na palitan ito ng panibagong programa. May nagsabi sa amin na balak umanong ibalik ang dating morning program ni Kris Aquino o di kaya another program na si Dina Bonnevie naman umano ang host.
Kung tutuusin, hindi talaga crowd nina Pops, Zsazsa at Carmina ng Morning Girls ang mga housewifes at mga katulong na siyang viewers ng late morning slot. Bakit hindi na lamang i-reformat ang Morning Girls at ilagay na lamang ito sa gabi o kung hindi man ay ilagay sa Saturday afternoon slot pagkatapos ng MTB?
Anyway, marami pang movements ang mangyayari sa dalawang higanteng istasyon lalupat magtatapos na ang taon.
Masaya ang sexy-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kanyang pakikipagtrabaho sa action-star-producer na si Rudy Fernandez sa Hula Mo, Huli Ko na siyang nakatakdang ilahok ng Reflection Films sa darating na Metro Manila Film Festival, dahil sa pagiging mabait at maalalahanin nito.
"Feeling ko nga prinsesa ako sa set dahil sa pagiging maasikaso ni Daboy. Each time na nagsu-shooting kami ay parati siyang may pasalubong para sa akin."
Ang reklamo lang ni Rufa Mae, marami umano silang kissing scenes ni Daboy.
"Sobra ang dami ng kissing scenes namin na hindi ko na halos mabilang," natatawang kuwento nito sa amin.
Nang tanungin si Rufa Mae kung sino ang mas masarap humalik kina Bong Revilla at Daboy, sinabi nito na mas kinabahan umano siya kay Daboy.
"Kami kasi ni Bong, magkasama na kami sa Idol Ko si Kap kaya nang gumawa kami ng movie, hindi na kami nagkailangan. Kay Daboy, kinabahan talaga ako," sagot pa nito na hindi tahasang sinagot ang tanong sa kanya.
Marami ang naiinggit ngayon kay Rufa Mae dahil nakabili na ito ng Jaguar na siya rin mismo ang nagmamaneho at itoy nabili niya ng mahigit P3M.
"Pinaghihirapan ko pa rin ang monthly installment ng sasakyan. P125,000 ang aking monthly amortization," aniya.
Sa October 27 ay paalis siya patungong L.A. with good friend LJ Moreno for a much-needed vacation. Dadalawin ni LJ ang kanyang mommy sa L.A. at pagkatapos ay tutuloy sila ng San Francisco kung saan naman nila pupuntahan si Rica Peralejo na may show sa nasabing lugar.
If there is one actor na napakaganda ng PR lalo na sa mga taga-media ay walang iba yon kundi ang mister ni Lorna Tolentino na si Rudy Fernandez.
Magandang makisama si Daboy (Rudy) hindi lamang sa kanyang kapwa artista kundi maging sa ibang tao kaya naman marami ang nagmamahal din sa kanya.
Samantala, tuloy-tuloy ang shooting niya ngayon ng Hula Mo, Huli Ko na pinamamahalaan ni Edgardo Boy Vinarao for Reflection Films. Ito bale ang pelikula na nagbabalik kay Daboy bilang isang producer. Although alam ni Daboy na mabibigat na pelikula ang kanyang makakabangga sa MMFF sakaling mapili ang kanyang pelikula, naniniwala siya na may chance din ang movie nila ni Rufa Mae Quinto.
<[email protected]>
Balak sana ng Star Network na kuning muli ang Eat Bulaga na hindi mapataob-taob ng sarili nilang produced noontime program, ang MTB.
Although maiiwan sa GMA ang Eat Bulaga wala pa ring kasiguruhan kung ganundin sa kaso ni Vic Sotto na kinukuha rin ng ABS-CBN to star in his own weekly sitcom.
Kung tutuusin, hindi talaga crowd nina Pops, Zsazsa at Carmina ng Morning Girls ang mga housewifes at mga katulong na siyang viewers ng late morning slot. Bakit hindi na lamang i-reformat ang Morning Girls at ilagay na lamang ito sa gabi o kung hindi man ay ilagay sa Saturday afternoon slot pagkatapos ng MTB?
Anyway, marami pang movements ang mangyayari sa dalawang higanteng istasyon lalupat magtatapos na ang taon.
"Feeling ko nga prinsesa ako sa set dahil sa pagiging maasikaso ni Daboy. Each time na nagsu-shooting kami ay parati siyang may pasalubong para sa akin."
Ang reklamo lang ni Rufa Mae, marami umano silang kissing scenes ni Daboy.
"Sobra ang dami ng kissing scenes namin na hindi ko na halos mabilang," natatawang kuwento nito sa amin.
Nang tanungin si Rufa Mae kung sino ang mas masarap humalik kina Bong Revilla at Daboy, sinabi nito na mas kinabahan umano siya kay Daboy.
"Kami kasi ni Bong, magkasama na kami sa Idol Ko si Kap kaya nang gumawa kami ng movie, hindi na kami nagkailangan. Kay Daboy, kinabahan talaga ako," sagot pa nito na hindi tahasang sinagot ang tanong sa kanya.
Marami ang naiinggit ngayon kay Rufa Mae dahil nakabili na ito ng Jaguar na siya rin mismo ang nagmamaneho at itoy nabili niya ng mahigit P3M.
"Pinaghihirapan ko pa rin ang monthly installment ng sasakyan. P125,000 ang aking monthly amortization," aniya.
Sa October 27 ay paalis siya patungong L.A. with good friend LJ Moreno for a much-needed vacation. Dadalawin ni LJ ang kanyang mommy sa L.A. at pagkatapos ay tutuloy sila ng San Francisco kung saan naman nila pupuntahan si Rica Peralejo na may show sa nasabing lugar.
Magandang makisama si Daboy (Rudy) hindi lamang sa kanyang kapwa artista kundi maging sa ibang tao kaya naman marami ang nagmamahal din sa kanya.
Samantala, tuloy-tuloy ang shooting niya ngayon ng Hula Mo, Huli Ko na pinamamahalaan ni Edgardo Boy Vinarao for Reflection Films. Ito bale ang pelikula na nagbabalik kay Daboy bilang isang producer. Although alam ni Daboy na mabibigat na pelikula ang kanyang makakabangga sa MMFF sakaling mapili ang kanyang pelikula, naniniwala siya na may chance din ang movie nila ni Rufa Mae Quinto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended