Mayor Malonzo di naniniwalang magpu-pulitiko si FPJ!
October 16, 2002 | 12:00am
Tinanong namin si Mayor Rey Malonzo kung naniniwala ba siyang kakandidatong pangulo ng bansa si Fernando Poe Jr. Ito ang naging pahayag ng magiting na alkalde. Hindi ako naniniwala na papasok ng pulitika si FPJ. Unang-una, isa siyang taong may isang salita. Kung ano ang sinabi niya na hindi siya tatakbo bilang pangulo ay gagawin niya. Ikalawa, ang mataas na pagpapahalaga sa kanya ng mga tao bilang artista. Kapag naging pulitiko siya ay hindi maiiwasang intrigahin ng mga kalaban at sa ganitong paraan ay baka madungisan ang kanyang pangalan kahit hindi totoo ang mga paratang.
Sa kabilang banda ay gustong i-revive ni Mayor Rey ang kanyang produksyon na Twin Dragon Films International at isa sa pangarap na maging leading lady ay si Ara Mina.
Tinanong si Robin Padilla kung sakaling may hihilingin siya at ipagkakaloob naman ito sa kanya ay anu-ano ang mga ito.
Una, gusto kong magkaroon ng maraming pera para mabayaran ko ang utang ng Pilipinas. Ikalawa, sana wala nang kaguluhang nangyayari sa ating bansa at ikatlo, sanay wala nang magutom at magkaroon tayo ng maraming pagkain, aniya.
Naikuwento rin nito na hindi nagseselos ang kanyang asawa kapag may kaeksena at karomansa siyang leading lady sa pelikula. Sinabi ni Binoe na alam naman ng kanyang asawa kung may malisya ang kissing scene nila. Nauunawaan na nito na ang romansa sa pelikula ay bahagi ng kanyang trabaho bilang artista.
Maganda ang feedback na natatanggap ni Carol Banawa sa pagganap bilang Melody na anak ni Nora Aunor sa Bituin ng ABS-CBN. Ayon sa magaling na singer, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang maging psychotic o misteryosang killer gaya ng ginawa ni Angelina Jolie sa Girl Interrupted.
Sa telebisyon naman ay pangarap nito na magkaroon ng isang talk show gaya ng kay Martin Nievera.
Pero higit sa lahat, type niya ang lumabas sa entablado dahil fulfilling ito. Kahit maliit lang ang kita ay iba ang nararamdamang kaligayahan ayon pa sa singer-actress.
Tuwang-tuwa nga si Carol dahil kahit si Guy ay binabati siya sa kanyang pagganap sa teleserye at umaasa ito na sanay gumanda pang lalo ang kanyang career.
Hindi mo na halos makausap si Daddy Ernie dela Cruz ngayon dahil paspasan ang pagtatrabaho nito dahil tapos na ang ipinagagawa nilang mansion sa Malabon. Nakakalula ang ganda ng bahay kahit ang interior designing at mga imported pa ang mga gamit. Halos wala nang tulog si Daddy Ernie sa pagpapaayos ng bahay. Ito bale ang pinakamagandang birthday gift na matatanggap ni Angelika sa October 29 kung saan sa araw na ito rin gaganapin ang blessing ng mansion.
Kahit sa telebisyon lang muna ang beauty ng actress ay kuntento na ito dahil kumikita pa rin ito sa mga out-of-town shows. Na-maintain nito ang wholesome image at kahit may malaking offer o mataas na TF para lumabas sa sexy movie ay hindi pa rin ito matatanggap ng magandang aktres.
Ano ang wish niya sa nalalapit na kaarawan? Mabait si Lord dahil halos lahat ay naipagkaloob na Niya sa akin. Tapos na ang bahay namin at siguro ay lagi akong magi-stay dito dahil may sarili na akong music room. Natupad na rin sa wakas ang dream house ko. Sana magtuloy-tuloy pa ang aking career. Of course good health para sa aming lahat," aniya.
Sa kabilang banda ay gustong i-revive ni Mayor Rey ang kanyang produksyon na Twin Dragon Films International at isa sa pangarap na maging leading lady ay si Ara Mina.
Una, gusto kong magkaroon ng maraming pera para mabayaran ko ang utang ng Pilipinas. Ikalawa, sana wala nang kaguluhang nangyayari sa ating bansa at ikatlo, sanay wala nang magutom at magkaroon tayo ng maraming pagkain, aniya.
Naikuwento rin nito na hindi nagseselos ang kanyang asawa kapag may kaeksena at karomansa siyang leading lady sa pelikula. Sinabi ni Binoe na alam naman ng kanyang asawa kung may malisya ang kissing scene nila. Nauunawaan na nito na ang romansa sa pelikula ay bahagi ng kanyang trabaho bilang artista.
Sa telebisyon naman ay pangarap nito na magkaroon ng isang talk show gaya ng kay Martin Nievera.
Pero higit sa lahat, type niya ang lumabas sa entablado dahil fulfilling ito. Kahit maliit lang ang kita ay iba ang nararamdamang kaligayahan ayon pa sa singer-actress.
Tuwang-tuwa nga si Carol dahil kahit si Guy ay binabati siya sa kanyang pagganap sa teleserye at umaasa ito na sanay gumanda pang lalo ang kanyang career.
Kahit sa telebisyon lang muna ang beauty ng actress ay kuntento na ito dahil kumikita pa rin ito sa mga out-of-town shows. Na-maintain nito ang wholesome image at kahit may malaking offer o mataas na TF para lumabas sa sexy movie ay hindi pa rin ito matatanggap ng magandang aktres.
Ano ang wish niya sa nalalapit na kaarawan? Mabait si Lord dahil halos lahat ay naipagkaloob na Niya sa akin. Tapos na ang bahay namin at siguro ay lagi akong magi-stay dito dahil may sarili na akong music room. Natupad na rin sa wakas ang dream house ko. Sana magtuloy-tuloy pa ang aking career. Of course good health para sa aming lahat," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am