^

PSN Showbiz

Ang babaeng nagpabalik sa puso ni Ryan Eigenmann

-
Kung iisipin, kumikita siya ng libu-libo, buwan-buwan pero hindi siya totoong kumayod sa tanang buhay niya! Lalo na ng makuha niya ang trabahong pakikialam sa trabaho ng ibang tao. Paano niya ginagawa ito? Konting charm at utak, at nagayuma na niya ang suwerte para bigyan siya ng trabahong tila ba isang... laro.

Siya si Reema Chanco, ang pretty, mischievous at athletic na host ng ABC-5’s Monday night show Trabaho Lang. At oo, siya rin ang babaeng nagpatibok sa puso ni Ryan Eigenmann. Pero, hindi lang isang magandang mukha ang perfect morena beauty na ito. Ang kanyang bright mind na match sa kanyang bubbly attitude ay katulad na katulad ng character ng kanyang show– cute at cool.

"The show is tailored fit for me. It would be a totally different show if with another host," ani Reema. Ang Trabaho Lang ay kauna-unahang reality based TV program na nagpakita ng iba’t ibang klase ng trabaho mula sa vantage point ng pinaka-nakakaalam nito– ang mga empleyado! Mula sa pakikialam sa routines ng mga MMDA officers, papunta sa underground na aktibidades ng mga kubrador ng jueteng, hanggang sa pakikitambay sa mga waiters, newscasters at carpenters, napagdaanan na niya! Nilulusong ni Reema ang iba’t ibang mukha ng Philippine employment para humukay ng mahalagang impormasyon para sa mga naghahanap ng trabaho. Maliban sa pagiging naturally accommodating, itinatanong mo kung bakit madali para sa 25-year old double degree graduate (AB Communication and BS Marketing) ng De La Salle na maki-relate sa iba’t ibang klase ng tao? Siyempre dahil sa kanyang invaluable work adventures at misadventures! Tulad ng maraming mga fresh graduates, naghintay din si Reema ng pitong buwang patambay-tambay bago siya nakuhang phone banker sa isa sa mga nangungunang bangko dito sa Pilipinas. Pagkatapos ng dalawang taon, kinuha siya ng ABC-5’s The Exchange para maging exchange ng programa sa unang season nito. "‘Yun na ata ang biggest break ko at dahilan kung nasaan man ako ngayon," kumpisal ni Reema. Ang high-profile vacation na iyon ang nagbukas ng pinto sa marami pang showbiz stints– ang pag-host ng Juice Channel’s ‘Space’ at ABC’s Trabaho Lang. "It was opportunity knocking at my door. Who was I to say no?"

At kahit na tumatanggap na ng extraordinary camera attention, hindi lumalaki ang ulo ng TV host na ito. "Hindi ko nga feel na nasa TV na ako. Ngayon ko nga lang nare-realize na, ito na pala ‘yon... wow!" At bakit extra effortless ang hosting para kay Reema? Dahil sa comfort binibigay ng isang tightly knit barkada na bumubuo sa staff ng Trabaho Lang. "Para lang akong gumagawa ng college project," dagdag niya.

DE LA SALLE

JUICE CHANNEL

LANG

PARA

REEMA

REEMA CHANCO

RYAN EIGENMANN

TRABAHO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with