^

PSN Showbiz

Magkahiwalay na sina Gladys at Christopher

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Tuloy ang hiwalayang Gladys Reyes at Christopher Roxas!

Huwag akalaing hula ito ni Madam Auring, dahil wala akong believe sa self-proclaimed psychic na ito. Totoo ang balita sa matagal ng magkasintahan. Sa papasok na linggo ay lilipad na si Christopher.

Di biro ang sampung taon nilang relasyon. Ngayon ay hihiwalayan na lang siyang bigla ni Christopher.

"Papunta na kasing California si Christopher," teary eyed na pahayag ni Gladys. "Magtatrabaho siya ng ilang buwan doon."

Dagdag pa ng mahusay na aktres, French citizen ang kanyang nobyo kaya’t libre itong mamalagi sa Tate. At marahil kung magustuhan niya roon at mawili siya sa trabaho, maaaring maging US immigrant na rin siya.

Pansamantala lang naman mawawalay sa isa’t isa ang magkasintahan. Pangako ni Christopher, babalik siya ng Pilipinas. Kung hindi naman siguro, si Gladys ang susunod doon.

Siyempre tuloy pa rin ang trabaho ni Gladys sa teledramang Sa Dulo ng Walang Hanggan, kung saan ang role niya ay si Ruela. Dagdagan lang ng letter "C" magiging Cruela na talagang kontrabida ang dating, pangalan pa lang.

Naka-chikahan naman si Gladys noong 60th birthday celebration ng aming matalik na kaibigang si Hermie Francisco, sa bahay niya sa Frisco (hindi California, sa Del Monte barangay ng Paltok).

Marami pang mga bisitang dumating si Hermie tulad ng bold star na si Camille Roxas (di kamag-anak ni Christopher), na sarap na sarap sa paghalik sa kanya ni Brandon Legaspi. Magkatambal sila sa bagong pelikulang Boso.
* * *
Bakit kaya pati ang DSWD, nakikialam sa grupong Sex Bomb? Lumabas kasi ang balita na ang tanggapang ito ng gobyerno ay gustong i-ban ang mga sexy singers/dancers sa TV.

Ano ba naman sila? Mabuti nga’t may mga trabahong maganda at kumikita ng sapat ang Sex Bomb, gusto pa ng DSWD na madagdagan ang mga unemployed sa ating bansa.

Dapat ang pakialaman nila, ang trabaho nilang tumulong sa mga mahihirap o magbigay ng food assistance sa mga nagugutom. Wala yata sa linya ng trabaho ng DSWD ang entertainment business. Baka naman meron ng nagbigay sa kanila ng bagong power.
* * *
Si Danny Cruz pala ay tunay na devastated sa mga personal na nangyari sa kanyang buhay. Lalo pa siyang nasaktan ng siya ang idiin ng media. Umiiyak na sinabi ni Danny na nawalan siya ng self-confidence at natakot siya sa media.

Buti na lamang at naging active siya sa Bethesda Healing Ministry. Almost six years na siyang musical director ng nasabing Catholic group at malaki ang naitulong ng pagiging malapit niya sa Diyos.

"Ang mahalaga sa akin ay mapalaki ko ang aking mga anak ayon sa kalooban ng Maykapal," sabi ni Danny na ngayon ay unti-unting bumabalik ang self confidence.

Isa si Danny Cruz sa mga tampok na artista sa "Presence" Music and Prayer album, na kasama sina Jose Mari Chan, Gino Padilla, Karylle, Lisa Chan-Parpan, Anna Tirols at Maribi Mapa Garcia mula sa Universal Records.

ANNA TIROLS

BETHESDA HEALING MINISTRY

BRANDON LEGASPI

CAMILLE ROXAS

DANNY CRUZ

GLADYS

SEX BOMB

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with