^

PSN Showbiz

Walang lovelife si Vic Sotto!

- Aster Amoyo -
Dream come true para kay Claudine Barretto ang pelikulang Kailangan Kita dahil unang tambalan nila ito ni Aga Muhlach di tulad nung first two movies nila, ang May Minamahal at Oki Doki Doc, the Movie na wala silang love angle dahil sa una ay magkapatid ang kanilang papel na ginampanan at sa pangalawa naman ay bilang magkapitbahay.

Memorable din sa dalaga ang nasabing pelikula dahil nasa grieving period pa siya sa pagkamatay ng kanyang kasintahang si Rico Yan nang simulan nila ang pelikula.

Ang working relationship nina Aga at Claudine dates back sa kanilang pagsasama sa sitcom na Oki Doki Doc kung saan ang love interest doon ni Aga ay ang singer-actress na si Agot Isidro at nakababata naman nitong kapatid si Claudine.

Kilalang-kilala din siyempre ni Claudine si Aga dahil naging kasintahan din ito ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto nung time na napakabata pa niya.

Palibhasa’y pareho na silang kumportable na magkatrabaho, hindi nahirapan si Direk Rory Quintos na kumbinsihin ang dalawa sa kanilang love scenes.

During the presscon, inamin ni Aga na naging mali rin ang kanyang naging impression kay Claudine tungkol sa mga kaganapan sa kanila ng kanyang yumaong boyfriend na si Rico Yan. Nagkaliwanagan lamang silang dalawa nang sila’y mag-usap nang masinsinan at doon lamang naunawaan ni Aga ang lahat.

"Misunderstood si Claudine," ani Aga. "But she’s a strong person".
* * *
In full swing ngayon ang shooting ng pelikulang Hula Mo, Huli Ko ng Reflection Films na pinagbibidahan nina Rudy ‘Daboy’ Fernandez at ang sexy star na si Rufa Mae Quinto. Ang nasabing pelikula ay pinamamahalaan ni Edgardo ‘Boy’ Vinarao at nakatakdang ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival.

Bukod sa pelikula, pinagkakaabalahan din ni Daboy ang kanyang weekly sitcom sa GMA-7, ang Daboy en da Girl.
* * *
Marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa ring binata si Vic Sotto samantalang matagal nang napawalang-bisa ang kasal nila ni Dina Bonnevie.

Ayon sa bida ng pelikulang Lastikman minsan ay sumasagi sa kanya ang pag-aasawa dahil madalas umanong umuwi siya sa bahay na malungkot dahil wala man lamang umanong asawa na sumasalubong sa kanya o nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Ayon sa TV host-comedian, hindi pa marahil niya natatagpuan ang babaeng balak niyang muling iharap sa dambana.

Marami-rami na ring babae ang nali-link sa komedyante pero hanggang link lamang daw at ang totoo nito ay wala raw siyang lovelife. Pero hindi naman siya nagku-complain dahil masaya naman daw siya kapag nariyan ang kanyang apat na anak (sa tatlong babae) na sina Danica, Oyo Boy, Vico at Paulina na pare-pareho umanong mababait.

Sina Danica at Oyo Boy ay anak ni Vic kay Dina, si Vico kay Coney Reyes at si Paulina naman kay Angela Luz.

Samantala, ang pelikulang Lastikman ay siyang magiging entry ng OctoArts Films/M-Zet sa darating na Metro Manila Film Festival. Tampok din sa nasabing pelikula sina Donita Rose, Michael V., Jeffrey Quizon, Anne Curtis, Oyo Boy, Goyong at Ms. Elizabeth Oropesa.
* * *
Email: <[email protected]>

AGA

AGA MUHLACH

AGOT ISIDRO

CLAUDINE

DABOY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

OKI DOKI DOC

OYO BOY

RICO YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with