^

PSN Showbiz

Jolina, pinarangalan bilang outstanding young entrepreneur

-
Sa gitna ng iba’t ibang awards na tinatanggap ni Jolina Magdangal, di lamang bilang magaling na artista at mang-aawit, isang parangal na naman ang natamo ng young superstar na si Jolina.

Kamakailan, sa pagdiriwang ng 98th Year Anniversary ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), ay pinarangalan ng Young Entrepreneur Award si Jolina ng nasabing pamantasan. Ito’y dahil sa tagumpay ng Jolina’s Fashion Gallery na itinayo ng kabataang aktres four years ago.

Nagsimula sa isang maliit na boutique sa Q.C., ang Jolina’s Fashion Gallery ngayon ay mayroon ng 11 branches sa buong bansa kabilang pa rito ang branch nito sa San Francisco, USA. Dahilan para maging unanimous choice siya bilang Outstanding Young Entrepreneur ng mga officials at staff members ng PUP. Dagdag pa rito, ang pagbubukas ni Jolina ng kanyang sariling food business na pinangalanan niyang Chuva Chicha.

Kasabay ng awarding ceremonies na ginanap sa PUP campus sa Sta. Mesa, naatasan din si Jolina kasama ng Bureau of Immigration chief na si Andrea Domingo na mag-cut ng ribbon ng anniversary exhibit ng nasabing paaralan.

ANDREA DOMINGO

BUREAU OF IMMIGRATION

CHUVA CHICHA

FASHION GALLERY

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

OUTSTANDING YOUNG ENTREPRENEUR

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SAN FRANCISCO

YEAR ANNIVERSARY

YOUNG ENTREPRENEUR AWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with