Bonggang solo concert ni Yam!
October 11, 2002 | 12:00am
Kabado na si Yam Ledesma dahil sa nalalapit na concert niya na pinamagatang Jam With Yam kasama ang mga sikat na banda at mang-aawit ng bansa. "Hindi na ako mapagkatulog dahil pakiramdam ko ay hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon ko ng malaking concert kasama ang True Faith, Eraserheads, Gladys & The Boxer, Mystica, Joy Viado, Lloyd Umali, Hammilan, Danza Promo sa direksyon ni Gerry Matias.
"Akala ko nga noon ay nagbibiro lang si Mommy na magkakaroon ako ng solo concert pero nang makita ko ang poster ay saka ko lang nalaman na seryoso pala siya. So kailangan ko talagang mag-rehearse para magkaroon ako ng magandang show," dagdag pa niya.
Bilang paghahanda ay kumuha ng vocal coach si Yam, si Joy Viado. Mayroon daw din siyang wardrobe consultant kaya kinakailangang magbawas siya ng timbang.
Ang Jam With Yam ay susundan ng series of shows sa Kamaynilaan at sa ibang panig ng lalawigan. Idaraos ito sa AFP Theater sa October 18, 9:00 n.g. Tema ng palabas ay "Mahal Ko Ang Bayan Ko" na inihahandog sa mga peace loving people at men in uniform. Prodyus ito ng Sunstar Productions.
Ang mga major sponsors ay Media Partners Advertising, Inc., Mabuhay Club Prestige Card, Mateo Cars, Jianshe Motorcycles at minor sponsors ang Manila Bulletin, Nextel, Peoples Tonight, Kidtec, Iced Lemonade, Touch 94.7, 103.5 K-Lite, Rough Rider Jeans at M-Power Enterprises.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended