Aktor nagbubukas ng shower, pero di naliligo
October 9, 2002 | 12:00am
Nakakatuwa naman ang kwento tungkol sa sikat na aktor na ito. Kapag feel niya na dumumi ay nagtutungo ito sa banyo at bubuksan ang shower pero hindi naman maliligo. Kapag may kasamahang artista na kakatok sa banyo para sa call of necessity ay aalis na lang sila kapag narinig ang lagaslas ng tubig mula sa shower sa pag-aakalang naliligo ang aktor.
Sa ganitong paraan ay hindi siya kailangang magmadali sa pagdumi lalo na kung ang gagamit ay ilan sa mga kabataang aktres na kasama nito sa soap opera kung saan isa siya sa bida.
Mas maraming bold movies ang palabas ngayong buwan ng Oktubre. Nagsimula ito sa Prosti at susundan ng Hubad na Multo, Masikip at Mainit... Paraisong Parisukat, Masarap na Pugad, Biyahera, Bedtime Stories, Kasiping at Bomba Queen.
Naitanong ko minsan kung bakit mas gusto ng prodyuser na gumawa ng bold movies. Mas maliit daw kasi ang puhunan at madaling kumita. Pinakamalas ay yung maka-break-even sila.
Ito nga ang layunin ni Pangulong Gloria Macapagal kaya nagbigay ng P50M subsidy para sa local industry. May nag-react dito at sinabing katawa-tawa ito dahil ang napiling dalawang pelikulang Pakisabi na Lang... Mahal Ko Siya at Jologs ay hindi magaganda. Ayon pa sa kanya ay may matitinong bold movie na karapat-dapat manalo gaya ng Ang Galing, Galing Mo Babes at Laman. Kaso kung sinabi ng pangulo na iwasan na ang paggawa ng mga pelikulang ang tema ay bold o sexy at ipamalas ang moral o positive values ng pelikula, sa mga pelikulang ipinalabas noong Hunyo at Agosto ay walang mapagpiliang movies maliban sa Pakisabi... at Jologs.
Sa presscon ng Masikip, Mainit... Paraisong Parisukat ay nakaharap namin ang magaling na direktor na si Jose Javier Reyes. Ayon sa kanya, ang Avenida Rizal ang naging backdrop ng kanyang pelikula. Nagsyuting sila rito kahit bumabagyo kaya nailarawan nila ang baha, lumulutang na mga basura at ang mga walang mga tirahan na apektado ng matinding pag-ulan.
Sa kabuuan ng pelikula ay tatalakayin ang buhay sa Maynila at pakikipagsapalaran ng mga tao sa magulong lungsod.
Dalawang aktres ang pinagpilian ni Direk Joey para gampanan ang papel ni Isya at itoy sina Ana Capri o Joyce Jimenez. Sa dakong huli ay pinili niya si Joyce dahil bagay dito ang role at ang bata nitong tingnan kapag walang make-up. Laking Amerika ang sexy star pero dahil matalino ito ay alam niya ang pagiging isang Pilipino at nailarawang mabuti ang papel na ginampanan. "Mabuti na lang at may background na siya sa ganitong klase ng role dahil alam niya ang tungkol sa buhay-buhay sa Kamaynilaan nang gawin ang Biyaheng Langit at Scorpio Nights 2," anang direktor.
Hindi ba siya natatakot na baka makatanggap din sila ng X-rating mula sa MTRCB sa pelikulang ito?
"Hindi naman dahil ang mga sexy scenes naman dito ay talagang kailangan sa istorya. Mas grabe pa nga ang mga eksena sa Phone Sex," pagtatapos pa nito.
Nagpahinga muna sandali ang singer-actor na si Rommel Luna dahil nag-concentrate sa kanyang businessang RML Express Worldwide. Ngayon ay balik-showbiz na naman siya at kasama sa soap opera na Sana Ay Ikaw Na Nga bilang si Dado na driver ni Olga (Tanya Garcia). "Enjoy nga ako ngayon dahil bukod sa telebisyon ay gagawa rin ako ng mga pelikula sa MMG Films kung saan makakasama ko si Ronald Gan. Pero ang konsentrasyon ko ay nasa negosyo pa rin at libangan lang ang paglabas sa TV at pelikula. Kailangan din kasing may mapaglibangan," aniya.
Isa ring magaling na singer si Rommel at hindi nababakante sa mga out-of-town shows. Malapit nang matupad ang pangarap niyang maging isang recording artist dahil tinatapos na niya ang kanyang debut album.
Sa ganitong paraan ay hindi siya kailangang magmadali sa pagdumi lalo na kung ang gagamit ay ilan sa mga kabataang aktres na kasama nito sa soap opera kung saan isa siya sa bida.
Naitanong ko minsan kung bakit mas gusto ng prodyuser na gumawa ng bold movies. Mas maliit daw kasi ang puhunan at madaling kumita. Pinakamalas ay yung maka-break-even sila.
Ito nga ang layunin ni Pangulong Gloria Macapagal kaya nagbigay ng P50M subsidy para sa local industry. May nag-react dito at sinabing katawa-tawa ito dahil ang napiling dalawang pelikulang Pakisabi na Lang... Mahal Ko Siya at Jologs ay hindi magaganda. Ayon pa sa kanya ay may matitinong bold movie na karapat-dapat manalo gaya ng Ang Galing, Galing Mo Babes at Laman. Kaso kung sinabi ng pangulo na iwasan na ang paggawa ng mga pelikulang ang tema ay bold o sexy at ipamalas ang moral o positive values ng pelikula, sa mga pelikulang ipinalabas noong Hunyo at Agosto ay walang mapagpiliang movies maliban sa Pakisabi... at Jologs.
Sa kabuuan ng pelikula ay tatalakayin ang buhay sa Maynila at pakikipagsapalaran ng mga tao sa magulong lungsod.
Dalawang aktres ang pinagpilian ni Direk Joey para gampanan ang papel ni Isya at itoy sina Ana Capri o Joyce Jimenez. Sa dakong huli ay pinili niya si Joyce dahil bagay dito ang role at ang bata nitong tingnan kapag walang make-up. Laking Amerika ang sexy star pero dahil matalino ito ay alam niya ang pagiging isang Pilipino at nailarawang mabuti ang papel na ginampanan. "Mabuti na lang at may background na siya sa ganitong klase ng role dahil alam niya ang tungkol sa buhay-buhay sa Kamaynilaan nang gawin ang Biyaheng Langit at Scorpio Nights 2," anang direktor.
Hindi ba siya natatakot na baka makatanggap din sila ng X-rating mula sa MTRCB sa pelikulang ito?
"Hindi naman dahil ang mga sexy scenes naman dito ay talagang kailangan sa istorya. Mas grabe pa nga ang mga eksena sa Phone Sex," pagtatapos pa nito.
Isa ring magaling na singer si Rommel at hindi nababakante sa mga out-of-town shows. Malapit nang matupad ang pangarap niyang maging isang recording artist dahil tinatapos na niya ang kanyang debut album.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended