Bianca magpapa-sexy na rin!
October 9, 2002 | 12:00am
Gustong linawin ni Bianca Lapus na hanggang sa pagpapaseksi lang siya. At kung nari-reduce man siya ngayon, ito ay dahilan dito. Gusto siyang ire-package ng isang film outfit para rito. Sa ngayon ay mataba pa siya. Nakasama lang siya sa bold movie na Bedtime Stories na kung saan ay tampok si Maricar de Mesa dahil hindi niya mapahindian si Director Maryo J. delos Reyes nang hindi pumwede sa pelikula yung unang naisip na artista. Kasama siya sa 2nd episode na nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya.
Pero, hindi siya magbu-bold!. Kahit pa marami ang proyekto na hindi magagawa ni Assunta de Rossi ang ngayon ay inaalok sa kanya. "Talaga pong hindi ko kaya," amin niya. "Isa pa, malaki na ang anak ko. Hindi pa niya maiintindihan kapag nakita niya akong nagbu-bold," dagdag pa niya.
Matapos ang break-up nila ni Vhong Navarro ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Ngayon ay may sarili na siyang negosyo, ang Frontline Entertainment Co., isang events organizer na itinayo niya kasama ang isang kaibigan. "Medyo stable na ito ngayon kaya pwede na akong mag-artista uli," sabi niya sa presscon ng Bedtime Stories.
Nananatili silang magkaibigan ni Vhong at patuloy itong nagsusustento sa kanilang anak na si Isaiah Vhong o Yce.
Hati sila ng gastos sa bata at tuwing weekends ay nasa ama ito.
Inamin ni Bianca na isang mabait na ama si Vhong. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang kanilang mga magulang na magkabalikan sila. Pero, may kanya-kanya na silang commitments ngayon. Katunayan, nag-uusap na sila ni Vhong ng annulment.
Isang bagong artista na makikilala sa Bedtime Stories ay nagngangalang Arianne. Classmate sila ni Yraz Melchor sa 2nd episode ng nasabing movie.
Wala pang second name si Arianne dahil wala pa silang maisip. Hindi niya pwedeng gamitin ang kanyang tunay na pangalan dahil bawal ito sa iskwelang kanyang pinapasukan. Nasa ikalawang taon siya sa kursong Multi Media.
Labingwalong taong gulang siya at sa ngayon ay paseksi-seksi muna ang role. Baka kapag nabigyan siya ng launching film ay itodo niya. "Depende po sa project," sabi ng bagong artista na unang napanood sa Sana Totoo Na, ng World Arts Cinema starring Tonton Gutierrez and Glydel Mercado. Ang World Arts din ang producer ng Bedtime Stories.
Marunong siyang kumanta. Nung bata siya ay madalas siyang mag-compete sa school. Nakapag-aral siya sa Center for Pop Music Phils. It seems hindi sa pagkanta at pag-arte limitado ang talino ni Arianne. Isa rin siyang swimmer. Sa school ay scholar siya dahilan sa pagiging swimmer niya. Nakasali na siya sa mga national and international (Singapore, Hongkong) swimming competitions. Forte niya ang breaststroke at freestyle.
Malaki ang potensyal ni Arianne na sumikat hindi lamang sa mga nabanggit na kadahilanan kundi dahil maganda siya, matangkad at may katawan. Inihahanda na siya ng World Arts Cinema para sa bigtime.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended