^

PSN Showbiz

Jay, di nati-turn on sa love scene with Joyce

-
Iisipin mo na baka nga manumbalik ang dating damdamin nina Jay Manalo at Joyce Jimenez ngayong magkatambal silang muli sa Masikip, Mainit... Paraisong Parisukat ni Joey Javier Reyes sa Regal Films. Lalo pa’t may maiinit silang eksena sa nasabing pelikula.

Pero, mabibigo ang mga umaasam sapagkat, bukod sa mayroon nang sari-sariling commitments ang dalawa, ang dating pagmamahal sa isa’t isa ay napalitan na ng pagkakaibigan."We’re good friends. Palagi siyang may puwang sa aking puso," ani Joyce.

Inamin naman ni Jay na hindi siya na-turn on sa mga eksena nila ni Joyce. "Hindi lamang naman sa kanya. Lahat ng mga nakakapareha ko sa ganitong eksena ay hindi nakakaapekto sa akin. Baka, kung walang kamera," ani Jay naman.

Nagsisimula nang maramdaman ang talino ni Jay bilang aktor. Sunud-sunod ang kanyang pelikula. Matapos ang Hubog at Kapalit at ang kasalukuyang ipinalalabas na Prosti kasama si Aubrey Miles, eto na naman siya sa Masikip, Mainit...

"
Tahimik siyang tao, off camera, ni hindi mo mararamdaman na nariyan lamang siya pero, kapag nagsimula nang gumiling ang kamera, it becomes a totally different story," ani direk Joey.

AUBREY MILES

HUBOG

IISIPIN

JAY MANALO

JOEY JAVIER REYES

JOYCE JIMENEZ

MAINIT

MASIKIP

PARAISONG PARISUKAT

REGAL FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with