^

PSN Showbiz

Alfie, nagtatampo kay Ruffa?

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Worried pala si Annabelle Rama dahil nabalitaan niyang nagtatampo raw ang kolumnistang si Alfie Lorenzo dahil dati itong nag-aalaga sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez na nagpasyang i-activate ang kanyang carreer dito at ang napili niya para mag-handle ng kanyang career ay ang Genesis na pinamumunuan ni Angeli Pangilinan Valenciano.

Sana pag-usapan na lamang nila, tutal pare-pareho naman silang myembro ng PAMI. Dapat lamang maging propesyonal ang kanilang trato sa kanilang mga trabaho.
* * *
Salamat nga pala sa lahat ng sumuporta sa aking kaarawan, mula sa mga prodyuser, artista, dancers, managers, choreographers – sa lahat lahat! Dahil sa inyo, naging masaya at makahulugan ang pagdiriwang ng aking kaarawan.
* * *
Dapat na anumang desisyon ang marating ni Assunta de Rossi na may kinalaman sa kanyang career, na anuman ang mangyari dapat pahalagahan niya at tapusin ang kanyang mga natanguang commitments. Let’s all be professional.

Tandaan mo na nung wala pa si Jules sa buhay mo, ay kumapit ka kahit sa patalim, para lamang kumita. At sumikat ka naman.
* * *
Wala naman akong galit sa aking anak sa showbiz na si Donita Rose, nagtatampo lamang ng kaunti dahil wala na siyang oras para sa akin. Oo nga at lumalabas naman siya sa programa ko, pero di na gaya nung una na ako ang binibigyan niya ng importansya. Pero, kung gusto nila, pwede pa rin akong makatulong sa promo ng kanyang mga pelikula, show at kung anu ano pa.

Salamat din at ina-acknowledge nila ni Piolo (Pascual) ang kanilang pinagmulan.

vuukle comment

ALFIE LORENZO

ANGELI PANGILINAN VALENCIANO

ANNABELLE RAMA

ASSUNTA

CENTER

DAHIL

DAPAT

JULES

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with