^

PSN Showbiz

Priscilla, nag-iinarte sa taping

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Walang paglagyan ng kaligayahan ang executive producer ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka na si Julie Anne Benitez dahil sa turn out ng suporta na dumating mula sa mga kaibigan, artista at katrabaho. Last Saturday, isang fund-raising ang inilunsad ng Lyrics & Sheets Foundation para sa anak ni Julie Anne na si Oreo, who is pre-mature baby. Five months pa lang ay iniluwal na ni Julie Anne si Oreo. Very slim ang chances ni Oreo but Julie Anne and her friends believe in miracle. Ilang buwan na kailangang nasa incubator si Oreo and now, he is fighting for his life.

Dahil isang mabait na kaibigan at katrabaho si Julie Ann, isang fund-raising drive nga ang na-put up ng Lyrics & Sheets Foundation na binubuo nina Judy Ann Santos, Agot Isidro, Dante Nico Garcia, Eugene Pulga at Biboy Arboleda na tinawag nilang "Drink Oreo Can: A Fund-Raising Drive for Oreo Benitez, na ginanap sa Cork Wine Cellar & Grill noong Sabado.

Umapaw ang mga showbiz and non-showbiz friends na nagbigay ng tulong. Mga artista ang naging server ng gabing ‘yun. Sina Diether Ocampo, Aiai delas Alas, Luis Alandy, Kaye Abad, Mylene Dizon, Bernard Palanca, Nikki Valdez, Tin Arnaldo, Christian Vasquez at Angel Aquino. Ilan sa mga nagbigay ng suporta ay sina Claudine Barretto, Judy Ann Santos, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Vina Morales, Piolo Pascual, Robin Padilla, Camille at John Prats, Edu Manzano, Carlos Agassi, Paolo Contis, Bing Loyzaga, Dominic Ochoa, Bayani Agbayani, Herbert Bautista, Tin Arnaldo, Keempee de Leon, Maoui David (and dad Andrei), Cherry Lou, Michael Flores, Tonton Gutierrez, Victor Neri, Richard and Carol Chuateco, Ogie Diaz, Paulo Maderal, Michael Agassi, Eugene Domingo, Yul Servo, Bern Duenas, Star Studio editor Edgar Cruz at Gary Lim. Present din ang mga ABS-CBN execs na sina Ms. Cory Vidanes, Olive Lamasan, Deo Endrinal, Maru Benitez, Jake Tordesillas, directors Bobet Vidanes, Wenn Deramas, Gilbert Perez, Erick Salud, Malu Sevilla, Andoy Ranay, John-D Lazatin, Rechie del Carmen at Cathy Garcia-Molina, Talent Center young exec Lulu Romero at marami pang iba. Dumating din ang mga staff ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN at mga taga-Talent Center bilang pagpapakita ng suporta.

Ang balita namin, overwhelming ang na-raise na amount para kay Oreo. The event was hosted by John Lapus and Roxy Liquigan. Ang husay talagang mag-host nina John at Roxy.
* * *
Dahil sa rami ng limitations, tinanggal na si Priscilla Almeda sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka. Sabi ng source ko, maraming kaartehan si Priscilla. Marami raw itong ayaw gawin at masyado ang ginagawang pahirap sa staff ng programa. Considering na ahead of time ay nakukuha nito ang script bago ang taping.

"Napaka-unreasonable niya," sabi ng kausap ko. "Ayaw magpa-kiss kay Piolo. Ayaw ng eksena sa swimming pool. Paano ka naman gaganahang makipagtrabaho sa mga ‘tulad niya na ang daming arte. She is staging a comeback pero mukhang paurong ang naging attitude niya. Kapag ganyan, ‘wag na lang siyang mag-artista!"

May kuwento pa nga, minsan nang na-pack up ang taping ng isang show dahil sa isang eksenang ayaw gawin ni Priscilla. "Ayaw niyang magbasag ng salamin! Pero no’ng tinanggap niya ‘yung offer, aware siya na may mga ganung eksena," kuwento ng isa pa naming kausap.

Sayang, anang kausap namin dahil malaki ang plano ng mga writers ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka. Siya sana ang lead villain ni Judy Ann Santos. Up to her last taping day, kung saan kukunan na ang kanyang death scene, bigla itong nagkasakit. Ayun, kailangan baguhin ang twist kung paano titigukin ang role ng nagmamagandang si Priscilla Almeda.

Kung sino man ang manager ni Priscilla, kailangan niyang turuan ng leksyon ang kanyang alaga. Aba, sa panahon ngayon na mahirap makakuha ng regular show sa malalaking network, kailangang magpaka-professional ang isang artista.

AYAW

IINGATAN KA

JUDY ANN SANTOS

JULIE ANNE

OREO

PRISCILLA

PRISCILLA ALMEDA

SA PUSO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with