2 pelikula ni Joey Javier Reyes magsasalpukan sa takilya
October 5, 2002 | 12:00am
Kung ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes ang pamimiliin, ayaw niyang maglaban sa takilya ang dalawang pelikula na siya pareho ang director. Pero itoy mangyayari sa darating na October 16, dahil sabay na ipapalabas ang pelikulang 9 Mornings na pinagbibidahan nina Donita Rose at Piolo Pascual under Star Cinema at ang Mainit, Masikip... Paraisong Parisukat na tinatampukan naman ng dating lovers na sina Joyce Jimenez at Jay Manalo.
"Umayaw man ako, wala rin akong magagawa dahil ang may say sa playdate ay ang producer na," ani Direk Joey.
Kilala si Direk Joey sa mga wholesome quality films pero nakagawa na rin siya ng ilang sex-oriented films tulad ng Phone Sex, Tikim at ang pinaka-controversial niyang pelikula, ang Live Show.
"Ive been through heaven and hell sa pelikulang Live Show pero ang dami kong lessons na natutunan," deklara niya.
Ayon sa mahusay na director, ilang taon na lamang ang kanyang ilalagi sa pagdidirek dahil nagbabalak na siyang mag-migrate sa Amerika (San Francisco sa California o di kaya sa Vancouver, Canada) dahil doon ay makakapamuhay siya nang matiwasay at magagawa niya ang gusto niyang gawin di tulad aniya rito na kasamahan pa sa industriya ang magpapahamak sa kanilang ibang kasamahan.
Bukod sa pagiging director, isa ring mahusay na writer si Direk Joey at una niyang sinulat ang launching movie ni Cherie Gil noong 1980, ang Problem Child na dinirek ni Elwood Perez at pangalawa naman ang Caught In The Act na dinirek ng yumaong si Lino Brocka at pumangatlo naman ang Boystown na pinamahalaan ni Marilou Diaz-Abaya at sumunod naman dito ang Oro, Plata, Mata ni Lino Brocka na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas sa mga commercial theaters.
Nagbunga rin ang magkahiwalay na character na ginampanan nina Jean Garcia at Eula Valdez bilang Madam Claudia at Amor Powers sa katatapos pa lamang na teleserye, ang Pangako Sa Yo dahil sa kabila na wala pa silang bagong soap opera, kinuha naman silang endorser ng McDonalds kaya tuloy pa rin ang kanilang exposure sa telebisyon at mas madalas pa sa ibat ibang istasyon.
Ang husay nina Jean at Eula sa pag-arte ay kapwa lumutang sa kanilang katatapos pa lamang na teledrama. At dahil sa kanilang husay sa pag-arte, hindi malayong bigyan muli sila ng panibagong drama serial.
Wala na sa pangangalaga ng Manila Genesis ang comebacking actress-TV host na si Gretchen Barretto dahil itoy lumipat na sa pangangalaga ng Backroom, Inc. ni Boy Abunda. Pero kung kelan nawala si Gretchen sa Manila Genesis, lumipat naman sa kanila si Ruffa Gutierrez na magka-comeback sa local showbiz matapos siyang hindi mag-renew ng kontrata sa Century Productions ni Ken Botelho.
Ayon kay Ruffa, hindi umano siya mahagilap ni Yilmaz nung aktibo pa siya sa Century Productions dahil kung saan-saang lugar siya nagtutungo na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang isang international celebrity host. And after more than one year ng pagliliwaliw kasama si Yilmaz, nagdesisyon ang dalaga na manatili ng isang taon sa Pilipinas para naman maharap niya nang husto ang kanyang career dito.
At dahil abala rin ang kanyang mommy (Annabelle) sa marami nitong negosyo, nagdesisyon ang mag-ina na ang Manila Genesis na ang mag-handle sa kanyang career (except sa telebisyon na si Jun Lalin naman ang may hawak) lalupat sila rin ang nagma-manage ngayon sa kaibigan niyang si Donita Rose.
"Actually, mas panatag si Yilmaz na nandito ako sa Pilipinas dahil kasama ko ang pamilya ko. Darating siya rito sa December at dito siya magi-spend ng Christmas pero sa Sydney, Australia kami magpapalipas ng New Year," ani Ruffa.
"Umayaw man ako, wala rin akong magagawa dahil ang may say sa playdate ay ang producer na," ani Direk Joey.
Kilala si Direk Joey sa mga wholesome quality films pero nakagawa na rin siya ng ilang sex-oriented films tulad ng Phone Sex, Tikim at ang pinaka-controversial niyang pelikula, ang Live Show.
"Ive been through heaven and hell sa pelikulang Live Show pero ang dami kong lessons na natutunan," deklara niya.
Ayon sa mahusay na director, ilang taon na lamang ang kanyang ilalagi sa pagdidirek dahil nagbabalak na siyang mag-migrate sa Amerika (San Francisco sa California o di kaya sa Vancouver, Canada) dahil doon ay makakapamuhay siya nang matiwasay at magagawa niya ang gusto niyang gawin di tulad aniya rito na kasamahan pa sa industriya ang magpapahamak sa kanilang ibang kasamahan.
Bukod sa pagiging director, isa ring mahusay na writer si Direk Joey at una niyang sinulat ang launching movie ni Cherie Gil noong 1980, ang Problem Child na dinirek ni Elwood Perez at pangalawa naman ang Caught In The Act na dinirek ng yumaong si Lino Brocka at pumangatlo naman ang Boystown na pinamahalaan ni Marilou Diaz-Abaya at sumunod naman dito ang Oro, Plata, Mata ni Lino Brocka na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas sa mga commercial theaters.
Ang husay nina Jean at Eula sa pag-arte ay kapwa lumutang sa kanilang katatapos pa lamang na teledrama. At dahil sa kanilang husay sa pag-arte, hindi malayong bigyan muli sila ng panibagong drama serial.
Ayon kay Ruffa, hindi umano siya mahagilap ni Yilmaz nung aktibo pa siya sa Century Productions dahil kung saan-saang lugar siya nagtutungo na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang isang international celebrity host. And after more than one year ng pagliliwaliw kasama si Yilmaz, nagdesisyon ang dalaga na manatili ng isang taon sa Pilipinas para naman maharap niya nang husto ang kanyang career dito.
At dahil abala rin ang kanyang mommy (Annabelle) sa marami nitong negosyo, nagdesisyon ang mag-ina na ang Manila Genesis na ang mag-handle sa kanyang career (except sa telebisyon na si Jun Lalin naman ang may hawak) lalupat sila rin ang nagma-manage ngayon sa kaibigan niyang si Donita Rose.
"Actually, mas panatag si Yilmaz na nandito ako sa Pilipinas dahil kasama ko ang pamilya ko. Darating siya rito sa December at dito siya magi-spend ng Christmas pero sa Sydney, Australia kami magpapalipas ng New Year," ani Ruffa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended