Manager ni Assunta, dinimanda ni Jules Ledesma
October 4, 2002 | 12:00am
Mukhang sa korte na nga ang hantong ng usapin sa pagitan ni Assunta de Rossi, ang kanyang kasintahan (o mister?) na si Jules Ledesma at ang kanyang (dating) manager na si Manny Valera.
Napag-alaman namin na nagsampa na ng demanda ang mambabatas na kasintahan ng sexy star laban kay Manny noong Martes ng umaga sa Regional Trial Court ng Pasig City. Hindi lang namin alam kung tototohanin ng controversial na kongresista ang kanyang banta laban kay Manny na hihingan niya ito ng P200-M damage fee.
Hindi man kasing yaman at kasing powerful ni Jules si Manny, hindi rin naman ito basta-basta uurong sa laban lalupat may pinanghahawakan din siyang dokumento na magpapatunay na hanggang taong 2007 pa ang bisa ng kontrata na pinirmahan ng mag-inang Nenette Schiavone at Assunta.
Sa totoo lang, marami ang nagsasabi na magmula nang magkaroon si Assunta ng relasyon sa kongresista ay tinabangan na ang maraming tao sa sexy star.
Ang nakakalungkot lang, sa halip nga naman na pasalamatan ang mga taong tumulong kay Assunta at naging daan para maabot nito ang kanyang estado sa ngayon, sila pa ngayon ang mga taong gusto nilang talikuran at sirain.
Wala umanong magawa si Assunta dahil ang kanyang nobyo (o asawa?) na ang nagpapatakbo ng kanyang career. Si Jules din ang pumipigil kay Assunta na i-honor nito ang mga natanguan na niyang commitments at kasama na rito ang dalawang ginagawang pelikula sa Regal na Mano Po at Bahid na malapit nang matapos pero patuloy na ibinibitin ng sexy star.
Siguroy hindi na rin pinanghihinayangan nina Jules at Assunta ang isang print product endorsement na nagkakahalaga ng P1.2-M.
Ganunpaman, mukhang wala na marahil urungan ang demandahan ng magkabilang panig. Nauna nang nag-file si Jules at magka-counter-charge naman si Manny. Ewan lang namin kung magdedemanda rin si Mother Lily ng Regal Films at si Vic del Rosario ng Viva Films dahil may outstanding contract din sa kanila si Assunta.
Apat na araw na lamang ang natitirang shooting para sa pelikulang Bahid na pinamamahalaan ni Joel Lamangan pero dalawang beses na rin umano itong hindi sinipot ni Assunta to think na sa Subic ang shooting at naroon lahat ang cast liban sa kanya. Dahil sa ginagawang pambibitin ni Assunta, ang pobreng producer ang nagsa-suffer sa gastos. Dahil dito, minabuti ni Mother Lily na puntahan nang personal para kausapin sina Jules at Assunta sa Alexandra Condominium sa Pasig pero hanggang guard house lamang siya.
Since kasisimula pa lamang ng Mano Po, nagdesisyon si Mother Lily na tanggalin na lamang sa pelikula si Assunta at ang kanyang role ay ibinibigay na lamang kay Ara Mina. Ang original role naman ni Ara ay mapupunta kay Kris Aquino.
Namomroblema ngayon sina Mother Lily at Direk Joel Lamangan kung papaano tatapusin ang Bahid.
Bukod kay Manny, malaki na ang naging puhunan ng Regal kay Assunta to think na hindi kumita ang mga nauna nitong pelikula sa kanila, pero sa kabila nito ay hindi sila gumib-ap sa pagbibigay ng proyekto sa kanya hanggang sa magbago siya ng imahe at siyay nagpaseksi.
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na magpu-put-up umano ng sariling film outfit si Jules kasama ang iba niyang kaibigan at P50-M umano ang kanilang magiging working capital?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended