Aubrey, P2M bilang calendar girl
October 1, 2002 | 12:00am
Tama nga ang sabi ng marami na si Aubrey Miles ang tatanghaling bagong reyna ng TF films. Hindi lang nakalinya ang marami niyang pelikula kundi malaking halaga rin ang ibinayad sa kanya bilang modelo sa sexy calendar ng Ginebra San Miguel. Gaano katotoo ang balitang binayaran siya ng kulang-kulang sa 2 milyon?
Pinalitan ni Aubrey si Rica Peralejo sa nabanggit na liquor brand. Sa Subic sila magsu-shoot sa linggong ito. Pumirma na rin ng kontrata si Aubrey bilang female endorser ng Bench. Sa isang taon ay isa rin siya sa tatlong aktres na gagawa ng sexy calendar para sa FHM Magazine.
Na-impress kay Gardo Versoza si Nora Aunor dahil sa makatotohanan nitong pagganap bilang bading na kaibigan niya sa teleseryeng Bituin. Noong unang eksena nila ay natatawa ang superstar dahil ang galing ng aktor. Sabi nga niya ay versatile ito dahil kahit saang role ilagay ay nagagampanan niya ng buong husay.
Minsang nakakwentuhan ko si Gardo ay inamin nitong gusto niyang gumanap na bading noong time na nasa Seiko pa siya. Para sa kanya ay challenging ito. Nabigyan naman siya ng pagkakataong magampanan ang ganitong role at ilang beses na siyang naging bading sa telebisyon.
Sa Bituin ay bagay sa kanya ang bading-hindi yung screaming fagot. Kasalukuyang ginagawa ni Gardo ang Halik Sa Apoy under Angora Films.
Naghahanda na rin ang aktor para sa kanyang kinabukasan lalo na at natagpuan na nito ang babaeng ihaharap sa dambana.
Magkatambal sina Joyce Jimenez at Jay Manalo sa Pelikulang Paraisong Parisukat. Mismong ang aktor ang nagsabing inspirado ngayon ang dating girlfriend dahil may nobyo na ito.
Sa kabilang banda, inamin naman ni Jay na masaya rin siya sa piling ni Raizza Austria kung saan tatlong taon na ang kanilang relasyon. Kaya malabo nang magkabalikan ang dalawa dahil may kanya-kanya na silang mahal sa buhay.
Semi-regular na pala sa Beh, Bote Nga si Joey de Leon kung saan gumaganap siyang bading. Malaki ang magagawa ng TV host-comedian para mapataas ang rating ng programa. Tanggap na ng mga manonood si Joey sa bading role lalo pa nga at kasama niya sina Anjo Yllana at Janno Gibbs.
Hinangaang mabuti si Michelle Yeoh sa pelikulang Supercop na pinagtatambalan nila ni Jacky Chan gayundin sa Crouching Tiger, Hidden Dragon.
Nagbabalik si Michelle sa big-budgeted movie na pinamagatang The Touch bilang bida na magpapatunay na siya pa rin ang number one action star at highest paid actress sa buong Asya.
Nabigyan na siya ng pagkakataong lumabas sa blockbuster na Tomorrow Never Dies kung saan nakilala siya sa Hollywood at buong Amerika. Siya rin ang nagtatag ng Mythical Films noong 2000 para makagawa ng mga de-kalidad na Chinese movies na pwedeng ipagmalaki sa international market.
Ang The Touch ay tungkol sa itinatagong kayamanan sa loob ng ilang daang taon na kailangan nilang hanapin para hindi mapasakamay ng mga taong may maiitim na budhi. Itoy gagawin ng isang pamilyang acrobats na handang malampasan ang lahat ng panganib at labanan ang mga kaaway.
Palabas na ang The Touch sa Oktubre 9 mula sa Solar Films.
May nakapagbulong sa akin na ibang klase ang dating ngayon ng sexy actor na ito. Bakit kamo? Naka-Expedition siya kapag may taping o syuting kaya buong pagmamalaki siyang tinitingnan ng kanyang mga kasamahang artista. Saan nanggaling ang Expedition?
Ayon sa aking source, pagamit ito sa kanya ng kanyang karelasyong mayamang bading na Tsino. Kahit may anak na ang aktor ay malakas pa rin ang appeal nito lalo na sa mga matrona at bading. Kaya marami pa rin ang nababaliw sa kanya. Madalas pa rin itong gumawa ng mga sexy movies at kapag bakante sa pelikula ay suma-sideline ito sa mga bar. Ang sexy actor na ito ay kumakanta rin at minsan nang naging controversial.
Pinalitan ni Aubrey si Rica Peralejo sa nabanggit na liquor brand. Sa Subic sila magsu-shoot sa linggong ito. Pumirma na rin ng kontrata si Aubrey bilang female endorser ng Bench. Sa isang taon ay isa rin siya sa tatlong aktres na gagawa ng sexy calendar para sa FHM Magazine.
Minsang nakakwentuhan ko si Gardo ay inamin nitong gusto niyang gumanap na bading noong time na nasa Seiko pa siya. Para sa kanya ay challenging ito. Nabigyan naman siya ng pagkakataong magampanan ang ganitong role at ilang beses na siyang naging bading sa telebisyon.
Sa Bituin ay bagay sa kanya ang bading-hindi yung screaming fagot. Kasalukuyang ginagawa ni Gardo ang Halik Sa Apoy under Angora Films.
Naghahanda na rin ang aktor para sa kanyang kinabukasan lalo na at natagpuan na nito ang babaeng ihaharap sa dambana.
Sa kabilang banda, inamin naman ni Jay na masaya rin siya sa piling ni Raizza Austria kung saan tatlong taon na ang kanilang relasyon. Kaya malabo nang magkabalikan ang dalawa dahil may kanya-kanya na silang mahal sa buhay.
Nagbabalik si Michelle sa big-budgeted movie na pinamagatang The Touch bilang bida na magpapatunay na siya pa rin ang number one action star at highest paid actress sa buong Asya.
Nabigyan na siya ng pagkakataong lumabas sa blockbuster na Tomorrow Never Dies kung saan nakilala siya sa Hollywood at buong Amerika. Siya rin ang nagtatag ng Mythical Films noong 2000 para makagawa ng mga de-kalidad na Chinese movies na pwedeng ipagmalaki sa international market.
Ang The Touch ay tungkol sa itinatagong kayamanan sa loob ng ilang daang taon na kailangan nilang hanapin para hindi mapasakamay ng mga taong may maiitim na budhi. Itoy gagawin ng isang pamilyang acrobats na handang malampasan ang lahat ng panganib at labanan ang mga kaaway.
Palabas na ang The Touch sa Oktubre 9 mula sa Solar Films.
Ayon sa aking source, pagamit ito sa kanya ng kanyang karelasyong mayamang bading na Tsino. Kahit may anak na ang aktor ay malakas pa rin ang appeal nito lalo na sa mga matrona at bading. Kaya marami pa rin ang nababaliw sa kanya. Madalas pa rin itong gumawa ng mga sexy movies at kapag bakante sa pelikula ay suma-sideline ito sa mga bar. Ang sexy actor na ito ay kumakanta rin at minsan nang naging controversial.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended