Kasong isinampa ni LA sa Bubble Gang, ibinasura ng korte
September 30, 2002 | 12:00am
Ibinasura ng Quezon City Prosecutors office ang kasong isinampa ni LA Lopez laban sa mga tao sa likod ng popular na gag show ng GMA7, ang Bubble Gang. Nagsampa ng kaso si Lopez laban sa naturang programa dahil sa episode na umere noong ika-19 ng Oktubre ng nakaraang taon kung saan may "character spoof" ng isang character na may pangalang Ala Ey Lopez.
Ayon kay Lopez, siya ay umiyak at lubhang naapektuhan pagkatapos niyang mapanood ang nasabing episode.
Ayon sa City Prosecutors Office kailangang mapatunayan na ang nasabing segment ay may malisya at masamang layuning siraan ang dating child star. Sa desisyon, naniniwala ang prosecutor na ito ay ginawa "in humor" at walang layuning siraan ang dating child star. Dahil wala namang "abusive" at "libelous" words na ginamit sa nasabing segment, ito ay protektado alinsunod sa freedom of speech and expression.
Ang resolution na nagbabasura sa kaso ay ibinaba noong ika-29 ng Hulyo ng taong ito, ay pinirmahan nina 2nd Assistant Prosecutors Lorna F. V. Catris-Chua Cheng at Josephine Fernandez at inaprubahan ni City Prosecutor Claro A. Arellano.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am