Pagod na si Assunta na magtrabaho
September 30, 2002 | 12:00am
Humanga ako sa aming kaibigang si Manny Valera sa pagiging tahimik lang nito these past few months sa controversial love affair ng kanyang alagang si Assunta de Rossi at ang mambabatas na si Congressman Jules Ledesma. Kung magsalita man ito noon, itoy parating pabor sa kanyang alaga. Kahit nung panahon na nakidnap ang dalawang anak ni Jules, si Manny na mismo ang nakiusap na unawain ang kalagayan ng magkasintahan (o mag-asawang) Assunta at Jules na ayaw pang magbigay ng pahayag sa medya. Hindi rin namin naringgan si Manny na magsalita ng masama laban kay Jules kahit marami ang nayayabangan.
Since July of this year ay may problema na pala si Manny sa alaga niyang si Assunta at kay Jules na sobra na ang ginagawang pakikialam pagdating sa pagpapatakbo ng career ng sexy star. Gayunpaman, walang binitawang masama si Manny tungkol sa mga nangyayari at itoy kanyang pinagtatakpan.
Nung July 19, nag-set ng meeting si Jules with Manny sa isang private room sa EDSA Plaza Shangri-La. Kasama ni Manny ang road manager niyang si Beth delos Reyes habang kasama naman ni Jules ang kanyang sekretarya at si Assunta. Bago nakapasok ng kuwarto sina Manny at Beth, may dalawang guwardiya sa labas ng room at silay kinapkapan pa at tsinek ang kanilang dala na parang ibang tao ang turing sa kanila. Sa simula pa lamang ng kanilang meeting ay mataas na umano ang boses ni Jules habang si Manny naman ay kool lang. Sa meeting na yun, sinabi ni Jules na ayaw na umanong magtrabaho ni Assunta dahil pagod na ito at ayaw na rin nitong gawin ang commitment sa Viva na two-picture contract. Pero sa bandang huli, nag-compromise sila ni Manny na gagawin pa rin ni Assunta ang Viva project pero idi-delay lamang ito sa isang taon at pagkatapos nito ay naghiwa-hiwalay na sila. Pero kinabukasan ay iba na naman ang tema ng mga pananalita ni Jules at balik na naman umano sa square one ang kanilang usapan.
Magmula pala nang maging kasintahan hanggang maging asawa ni Assunta si Jules (ikinasal sila sa huwes nung Aug. 1), marami nang mga pagbabago sa parte ni Assunta. Marami na itong ayaw gawin dahil na rin sa impluwensya ni Jules. Hindi na nito tinupad ang kanyang pangako sa kanyang manager na tutuparin niya ang kanyang mga natanguang commitments.
Pinairal ni Manny ang maximum tolerance sa pakikipag-deal kay Jules kahit nagpupuyos na rin ang kanyang galit sa mambabatas, pero nasagad na rin ang manager ng sexy star lalo pat ayaw siyang tantanan ng mga pananakot at pagmumura nito sa kanya. Tinakot pa nito si Manny na idedemanda siya ng P20-M at ipapa-senate inquiry pa umano siya dahil sa pangi-exploit umano ni Manny kay Assunta na isang menor de edad nang magsimulang magpaseksi.
Nung nakaraang September 12, nakipagkita si Assunta kay Manny at personal nitong sinabi sa kanyang manager na gusto na nitong kumalas sa pamamahala ni Manny. Sinabi ni Manny kay Assunta na nakahanda siyang i-release siya kung iba-buy out nito ang kanyang kontrata. Siyempre pa, nang makarating ito kay Jules ay lalo itong nagalit kay Manny.
Tulad ng madalas sabihin ni Jules na mayaman at maimpluwensya siya dahil sa kanyang pagiging isang congressman, hindi rin siya uurungan ni Manny na isang tahimik na tao. Nakahanda ang talent manager ni Assunta sa mga moves laban sa kanya ni Jules makarating man ito ng korte o sa senate inquiry tulad ng gustong ipangalandakan ng mister ni Assunta.
Nasa Italy man ang mommy nina Assunta at Alex na si Nenette Schiavone kapiling ang kanyang mister at dalawa pang anak, alam niya ang mga nangyayari sa pagitan nina Manny, Jules at Assunta. At lalo lamang umanong sumasama ang loob ni Mommy Nette dahil si Jules ang naging dahilan kung bakit nagulo ang dati nilang masayang pamilya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended