^

PSN Showbiz

Jude nag-iisang nag-birthday

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Ang dapat sana’y may kalungkutang kaarawan ni Mayor Jude Estrada ay biglang nagkaroon ng sigla at kulay nang asaltuhin siya ng kanyang mga kaibigan sa showbiz nung Biyernes ng gabi.

Kami ni Manay Marichu Perez Maceda ang nagpasimuno sa asalto, madalian naming inihanda ang mga kailangan, pati na ang pag-iimbita sa mga taong alam naming ikaliligaya ni Major Jude kapag nakita niya.

Ito ang unang asaltong natikman ni Major Jude sa buong buhay niya, nagdiriwang din siya ng kaarawan taun-taon, pero ang asalto ay wala sa kanyang bokabularyo.

Wala rito ngayon si Senadora Loi Ejercito, nasa Amerika pa ang mommy ni Jude at inaasikaso ang posibilidad na madala na lang dito sa Pilipinas si Dr. Christopher Maw, ang mag-oopera sa tuhod ni Pangulong Joseph Estrada.

Wala rin sa bansa ang kanyang kapatid na si Jackie, nasa Los Angeles pa kasama ang asawang si Beaver Lopez, at tulad ng alam na nating lahat ay nakapiit ngayon sa Veterans Memorial Medical Center ang kanyang ama at kapatid na si Jinggoy.

Nag-iisa lang ngayon ang binatang militar sa pagsapit ng kanyang kaarawan, kaya binigyan namin siya ng asalto na kahit paano’y inisip naming makapagpapaligaya sa kanya kahit pansamatala lang.
* * *
Napakasimpleng tao, naranasan man nilang manirahan sa Palasyo, minsan man ay hindi nagpairal ng kapalaluan at kayabangan sa kapangyarihan ang mananatiling bunsong anak ng Pangulo ng aming buhay.

Nagiging bahagi siya ng demolition job paminsan-minsan, pero napakaraming dahilan para hindi tuluyang mawasak ninuman ang binatang militar.

Sa showbiz na lang ay napakarami niyang natulungan nang tahimik lang siya, hindi nagsasalita at naghihintay ng kapalit, dahil anumang naibigay na niya ay hindi na niya ipinagmamakaingay pa.

Hindi nga palasalita si Jude, pero sagana naman siya sa gawa, at yun ang imahe niya sa loob at labas ng showbiz na nananatiling armas niya sa pakikipaglaban.

May mga pagkakataong kapag magkasama kami ay naaalala niya ang mga nagaganap sa kanilang pamilya, yun ang birthday wish niya ngayon, ang sana’y matapos na ang mga paghihirap ng kalooban na nararamdaman ng kanilang pamilya.

"Kung hindi pa talaga matatapos, kahit man lang sana gumaan-gaan ang problema, eh tama na sa akin.

"Nahihirapan kasi akong tingnan ang Daddy ko na namomroblema nang husto, yun ang dahilan kung bakit pasilip-silip lang ako sa kanila ni Jinggoy sa Veterans, masyado akong nalulungkot para sa kanila," madalas sabihin sa amin ni Major Jude.

Ang lahat ng uri ng materyal na bagay sa mundo na maaari nating isipin ay nasa kanya nang lahat, wala na kaming naiisip pang makakadagdag sa kanyang hawak na ngayon, kaya sa pagkakataong ito ay mga bagay-bagay na hindi nahahawakan ang nais naming iregalo kay Jude.

Katahimikan ng loob at kaisipan, katatagan ng puso sa lahat ng mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay, at harinawang sila na nga ng kanyang pag-ibig ngayon ang magkasama habambuhay.

Mahirap magsama-sama sa isang tao lang ang mga hinihiling namin, pero sa isang taong tulad ni Major Jude na may busilak na puso at kalooban ay hindi ‘yun ipagdadamot ng langit, dahil ang pagiging totoo niya ay nandyan pa rin at hindi pinagbabago ng panahon.

Maligayang kaarawan uli, anak naming mahal.

BEAVER LOPEZ

DR. CHRISTOPHER MAW

JINGGOY

JUDE

LANG

MAJOR JUDE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with