Ang iba pang pangarap ni Piolo
September 27, 2002 | 12:00am
Sa kabila ng medyo tumutubo pa lang niyang buhok na ipinakalbo niya nung nakaraang buwan para sa torture scenes niya sa Dekada 70 ay guwapung-guwapo pa rin si Piolo Pascual.
Walang binabagayan ang kanyang kagwapuhan, maigsi o mahabang buhok ay perpekto sa kanyang itsura, idagdag pa ang matipuno niyang katawan na kahit puyat at pagod siya ay alagang-alaga ng morenong aktor.
Nung hapong magkasama kami, sinabi niya na medyo may nahahawakan na siyang buhok ngayon kapag naliligo siya, hindi tulad nung una na nagugulat pa rin siya, dahil anit agad ang kanyang nahihipo.
Pwede na siyang mag-gel ngayon, may kakapitan na yun, hindi tulad nung una na kitang-kita pati ang maliliit niyang peklat sa ulo dahil sa kawalan ng kanyang buhok.
Pero tulad nang sinabi namin, walang maaaring magpapangit sa isang tunay na guwapo na, ang itsura ni Piolo ay ganun na talaga.
Sa trailer ng pelikulang Nine Mornings ng Star Cinema na pinagtatambalan nila ng maganda ring si Donita Rose ay mas lumutang ang kakisigan ni Piolo bilang isang binatang katatapos lang masaktan dahil sa pagkamatay ng kanyang karelasyon.
Habang tumatagal ay lalong napapansin ang husay ng batang aktor sa pagganap, hindi na siya basta guwapong mukha lamang, may kakambal nang talento ang kanyang personalidad.
Puro pasasalamat na lang ang inuusal niya ngayon kapag nagdarasal siya, hindi na siya humihingi, dahil para kay Piolo ay kalabisan na yun.
"Pero I still dont stop dreaming, ang dami-dami ko pa ring pangarap for my family, like I want to buy a house, not only for me but for all of us.
"Marami akong pangarap para sa anak ko, para sa mga pamangkin ko and for myself, pero hindi ako nagmamadali sa paghingi.
"Kung nandyan na, maraming salamat, kung wala pa, Im more than willing to wait.
"Kung ano ang ibigay sa akin, salamat lang ang masasabi ko, but for me to go out of my way para kunin ang hindi para sa akin, I will never do that," katwiran ni Piolo.
Dati na silang magkakilala ni Donita, nagsimula silang pareho sa Thats Entertainment ni Kuya Germs, pero wala pa lang kaalam-alam ang dalaga na ang PJ Pascual na kasama nito noon sa Thats... at ang sikat na si Piolo ngayon ay iisa lang.
Nagkagulatan na lang sila nung unang araw ng Nine Mornings, dahil ipinaalala ni Piolo kay Donita na siya rin si PJ Pascual na kasama nito noon sa pangkabataang programa ni Kuya Germs.
Maganda ang pelikula, wala mang anggulo ng pagmamahalan sa pagitan ng mga bida nito ay naitawid nila nang maayos ang mensahe ng obra ni Direk Joey Reyes.
Kahit hindi naman sila nagliligawan o nagmamahalan sa tunay na buhay dahil may karelasyon na si Donita ay nandun pa rin ang elemento ng kilig sa pelikula.
"Shes so nice and down to earth, shes beautiful inside out," papuri ni Piolo sa dalaga.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Piolo ay relihiyosong tao, basta may nakita siyang nakabukas na simbahan sa kanyang pagbibiyahe ay dumadaan siya at nagdarasal.
Inihahanap niya ng panahon ang pagsisimba, hindi ang sobrang oras lang niya ang kanyang ibinibigay, kaya naman mabait ang langit sa kanya.
Kwento nga ni Mommy Amelia, nung bata pa si Piolo ay siya mismo ang nangunguna sa padasal kapag may inaakyat na imahen sa kanilang bahay, ganun silang lahat na magkakapatid.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended