^

PSN Showbiz

Diwata, na-trauma

-
Sing misteryosa siya ng kanyang pangalan nang magsimula bilang isang naughty singer noong isang taon dahil sa kanyang hit single "Sisirin Mo". Kahit marami nang naisulat tungkol sa kanya, karamihan nito’y naglalarawan lamang kung paano niya inaaliw ang mga manonood sa pamamagitan ng kanyang seksing kasuotan at nakakapagpainit na istilo. Iilan lang talaga ang nagsiwalat ng kanyang tunay na pagkatao... ang mang-aawit na ito na kung tawagi’y "Singing Goddess" o Diwata!

Ngayon, ang kanyang misteryo’y ilalahad na. Pagkatapos maiyak ni Diwata sa napaka-kontrobersyal na pakikipagharap kay Mystica sa The Buzz. Biglang naalala ng publiko ang kanyang pangalan at nagsimulang tanungin ang pribadong buhay. At kung dati’y ang kantang "Sisirin Mo", ang isyu, ngayon ang singer na ang usap-usapan. Sino ba talaga siya? Maaaring nasagot na ito noon pero hindi gaanong pinansin. Sa pagkakataong ito, na kay Diwata na ang nararapat na atensyon.

"Ang nangyari po sa akin nitong huli sa top rating talk show," wika niya, "ay traumatic para sa akin. Lalo pa’t iba-iba ang reaksyon ng televiewers. Sa totoo lang, hindi ko po ninais na mag-akusa kaninuman nang may malisya at naging tapat lang ako sa aking pinaniniwalaan. Mabuti na lang at natapos kaagad ang lahat. At kahit pa may negative write-ups, pinili ko na lang ang tumahimik. Hindi po ako bagay sa ganoong kontrobersya."

vuukle comment

BIGLANG

IILAN

KAHIT

KANYANG

MAAARING

MYSTICA

NGAYON

SINGING GODDESS

SISIRIN MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with