Ogie & Michael, patok sa TV, pati kaya sa movies?
September 24, 2002 | 12:00am
Dahil sa kasikatan ng kanilang tambalan sa TV, sa programang Bubble Gang, kung kaya minarapat ng Maverick Films na i-extend ang tandem nina Ogie Alcasid at Michael V. sa pelikulang Bestman...4 Better Not 4 Worst.
First time ito ng dalawa sa big screen bagaman at bukod sa Bubble Gang ay unang nakilala sa pagpapatawa ang kanilang tandem sa Tropang Trumpo. Bago ang kanilang pagsasama, may magkaibang mundo ang dalawa. Kilala na si Ogie bilang isang hitmaker. Si Michael naman ay gusto ring matulad kay Ogie na isang balladeer. Nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang manalo siya sa isang rap contest ng Eat Bulaga.
Bilang magka-partner, inamin ni Ogie na mas nakakatawa sa kanya si Michael. "Mas magaling siya, malaki ang respeto ko sa kanya bilang kapareha. Di siya mayabang. Never siyang nagtangka na i-upstage ako."
Sa Bestman, magkapatid sina Michael V. at Michelle Bayle. Kailangang ipostpone ni Michael ang kanyang kasal para mapakasalan ni Michelle ang kanyang balikbayan boyfriend (Ogie). Nasaktan ang gf ni Michael na si Nikki Valdez.
Nang dumating si Ogie, sinundo siya ni Michael sa airport. Maraming gulo ang nangyari sa kanila - naaksidente ang kotseng sinasakyan nila, nakulong sila.
Ang tanong, kaninong kasal ang matutuloy?
Kasama rin sa movie sina Andrea del Rosario at Redford White. Direksyon ni Tony Y. Reyes.
Sa isang pakikipag-usap kay Baron Geisler, sinabi niya na ayaw muna niyang gumanap ng role ng isang gay o bakla dahil baka raw ma-typecast na siya sa ganitong role. "Pero, hindi ibig sabihin, hindi na ako magba-bakla sa pelikula. Pero siguro, lalagyan ko lang ng space bago ako tumanggap ng isa pang gay role," aniya, like the one he portrayed in Jologs.
Marami ang hindi nakakaalam that Baron is into painting, too. May ilan na siyang nagawang paintings, mga 25 pieces of figure and abstract paintings, na naka-frame nang lahat.
"Sa pagpipinta ko ibinubuhos ang emosyon ko, bahagi ng kaluluwa ko ay makikita rito," ani Baron na nagsabing nag-iisip na rin siyang magdaos ng isang exhibit.
"Dadagdagan ko pa ito. Mostly kasi mga pastel paintings into pero, Im into charcoal painting now.
"I dedicated one of my paintings to my dad, nang mamatay siya. Inilagay ko ito sa harap ng kabaong niya.
"Gusto kong maging isang national artist balang araw.
"Although, wala akong pinipiling mood kapag nagpi-paint, my state of mind is often reflected on my paintings, colorful ito kapag nasa mood ako at very shady and dark when Im sad. Like when my dad died."
Sa Linggo, Set. 29, maglulunsad ng sunud-sunod na konsyerto ang Center For Pop Music Philippines para sa kanilang mga baguhang estudyante na may kinabukasan sa larangan ng musika. Pinamagatang Whatever, magaganap ito sa Insular Life auditorium sa Ayala Alabang sa ika-6:00 n.g.
Kabilang sa mga participants ay estudyante ng CPMP sa San Pedro, Laguna branch na sina Pocholo Bismonte, Collins Fleischner, Michael John Regalado, Millione Rodelas, Lalaine Karen Yap at Gilson Lee Villafuerte.
Ang ibang petsa ng konsyerto ay Set. 29 sa UP Aldaba Hall; Okt. 6 sa Streetlife, Glorietta, Okt. 6, Ali Mall, Nob. 9, Insular Life Ayala Alabang.
Para sa ibang detalye, tumawag sa 7275293 at 4117210.
First time ito ng dalawa sa big screen bagaman at bukod sa Bubble Gang ay unang nakilala sa pagpapatawa ang kanilang tandem sa Tropang Trumpo. Bago ang kanilang pagsasama, may magkaibang mundo ang dalawa. Kilala na si Ogie bilang isang hitmaker. Si Michael naman ay gusto ring matulad kay Ogie na isang balladeer. Nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang manalo siya sa isang rap contest ng Eat Bulaga.
Bilang magka-partner, inamin ni Ogie na mas nakakatawa sa kanya si Michael. "Mas magaling siya, malaki ang respeto ko sa kanya bilang kapareha. Di siya mayabang. Never siyang nagtangka na i-upstage ako."
Sa Bestman, magkapatid sina Michael V. at Michelle Bayle. Kailangang ipostpone ni Michael ang kanyang kasal para mapakasalan ni Michelle ang kanyang balikbayan boyfriend (Ogie). Nasaktan ang gf ni Michael na si Nikki Valdez.
Nang dumating si Ogie, sinundo siya ni Michael sa airport. Maraming gulo ang nangyari sa kanila - naaksidente ang kotseng sinasakyan nila, nakulong sila.
Ang tanong, kaninong kasal ang matutuloy?
Kasama rin sa movie sina Andrea del Rosario at Redford White. Direksyon ni Tony Y. Reyes.
Marami ang hindi nakakaalam that Baron is into painting, too. May ilan na siyang nagawang paintings, mga 25 pieces of figure and abstract paintings, na naka-frame nang lahat.
"Sa pagpipinta ko ibinubuhos ang emosyon ko, bahagi ng kaluluwa ko ay makikita rito," ani Baron na nagsabing nag-iisip na rin siyang magdaos ng isang exhibit.
"Dadagdagan ko pa ito. Mostly kasi mga pastel paintings into pero, Im into charcoal painting now.
"I dedicated one of my paintings to my dad, nang mamatay siya. Inilagay ko ito sa harap ng kabaong niya.
"Gusto kong maging isang national artist balang araw.
"Although, wala akong pinipiling mood kapag nagpi-paint, my state of mind is often reflected on my paintings, colorful ito kapag nasa mood ako at very shady and dark when Im sad. Like when my dad died."
Kabilang sa mga participants ay estudyante ng CPMP sa San Pedro, Laguna branch na sina Pocholo Bismonte, Collins Fleischner, Michael John Regalado, Millione Rodelas, Lalaine Karen Yap at Gilson Lee Villafuerte.
Ang ibang petsa ng konsyerto ay Set. 29 sa UP Aldaba Hall; Okt. 6 sa Streetlife, Glorietta, Okt. 6, Ali Mall, Nob. 9, Insular Life Ayala Alabang.
Para sa ibang detalye, tumawag sa 7275293 at 4117210.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended